Chapter 111

Nagtiim bagang siya at nanlisik ang mga mata sa akin.

"Mag-one on one nalang ulit tayo kung ikaw ang mananalo ay malaya kayong makakaalis dito pero kung ako ang nanalo mamamatay na kayo dito!" sabi ni Nel at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa dal'wa na ikinatili nito.

Tangina nito! Bading amputa!

Gumagamit ng ibang tao makaganti lang sa akin.

'Di ko na maramdaman ang lamig ng gabi kahit wala akong pang-itaas. Siguro tinanggal nila para diretso sugat agad kapag tatama sa amin ang mga suntok o atake nila. Matalino ngang talaga.

"Deal!" sabi ko at binitawan na ang baldadong iyon.

Tumakbo ako at sinipa siya pero nakaiwas naman siya. Nasipa niya ako sa likod pero 'di naman masakit. Parehas na naka-360° ang mga kamay namin at nagpalitan ng suntok at depensa. Pinatid ko siya pero nakatalon siya. Mabilis siyang sumuntok kaya natamaan ako sa labi. Pinunasan ko ang labi kong dumudugo.

Paano ko mahahalikan ang girlfriend ko kung masakit ang labi ko?

Nakakatawang isipin na iyon pa ang iniisip ko ngayon. Napangiti ako sa isiping iyon.

Sumugod si Nel sinipa ako umiwas ako pakanan at pakaliwa. Tumalon ako nang patidin niya ako pero pagbagsak ko ay inapakan ko na ang binti niya. Napasigaw siya sa sakit idiniin ko pa iyon.

"Masakit?" nakangisi kong sabi.

Nawiwili akong panoorin ang ekspresyon niyang nahihirapan at nasasaktan. Gago! 'Di ko pa nakakalimutan 'yong mapangahas mong ginawa kay Zeal. Ang isiping iyon ay ang nagtulak sa akin upang suntukin siya sa dibdib at nang mapahiga ay dinaganan ko na at pinagsusuntok ang labi niya.

Fuck! Those lips!!!

"Fuck you!" suntok ako nang suntok sa labi niya.

Natigilan ako nang makita ang ngisi niya kahit putok na ng sobra ang labi niya.

"Parang--ahem galit na galit ka sa labi ko?" nagawa niya pang tumawa. Kupal!

"Bakit gaano ba kasakit ang eksenang kahali--" 'di ko na pinatuloy ang pananalita niya at pinagsusuntok nalang ulit ang labi niya.

"Jave!" sigaw nilang lahat sa akin.

'Di ko iyon pinansin at patuloy lang sa pagsuntok.

"Jave sa likod mo!" rinig kong sigaw ni Kean. Nang lumingon ako sa likod ay tumama sa mukha ko ang baseball bat.

Nakita ko ang isang miyembro ng Dreadful Gang. Natumba ako habang hawak ang mukha ko na tinamaan no'n. Ang sakit!

Namilipit ako sa sakit pero pilit kinakaya ang sarili. Sobrang sakit no'n baka nabasag ang buto ng matangos kong ilong. Tumayo pa din ako kahit duguan na pero muling natumba nang maramdaman ko ang kuryente sa batok ko.

"Jave!" sigaw nanaman nila sa akin.

Nangisay ako dahil kinuryente ako ng isa pang miyembro. Parang sinusunog no'n ang katawan ko dahil sa lakas.

"Ugh!" sabi ko sa pagitan ng pangingisay.

"Man--daraya ka" halos wala ng lumabas sa bibig ko. Tiningala ko siya na ngayon ay nakatunghay na sa akin.

"Masakit siguro makuryente" nakangisi niyang sabi at saka sinuntok ang mukha ko.

Nanghina ako dahil sa kuryenteng iyon.

Fuck! Jave, you need to survive! Zeal is waiting for you.

Sinuntok nang sinuntok ni Nel ang mukha ko parang namamanhid na ito dahil sa sobrang sakit. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa mukha ko. Namamaga na siguro.

Shut! My perfect face!

"Bakit!!" sigaw niya at suntok lang nang suntok. "Ikaw ang mahal niya!!"

Grabe ang galit niya sa isiping 'yon. Nakakabaliw nga siguro ang umibig kay Zeal. Ano kayang meron sa kaniya at gano'n ang nagiging epekto sa mga lalaki?

Ikaw ba Jave anong meron sa kaniya at nababaliw ka din sa kaniya?

Hindi ko rin alam basta ang alam ko mahal na mahal ko siya!

Kahit pala mapatay ako ng kumag na ito ngayon kahit kailan 'di siya mananalo dahil bali-baliktarin niya man ang mundo. Ako ang mahal ng over melanin na 'yon at sobrang pinagmamalaki ko iyon!

"You bullshit!!" nagulat nalang ako nang makita si Kean na sinipa sa mukha si Nel.

Paano siya nakaalis sa pagkakatali? Naiisipa niya pa din ang paa niya kahit halos mabali na 'yon kanina?

"Kung talagang gusto mo ng laban handa naman kaming makipag-one on one kaya lang masyado kayong duwag para gumamit pa ng ibang tao. Ganiyan ba kayo katakot sa amin?" taas-noong sinabi iyon ni Kean.

'Di siya sinagot ni Nel. Nanggagalaiti itong tumingin sa kaniya. Mabilis na sinugod ni Nel si Kean at pinunterya nanaman ang paa niya. Nakita ko na ang sakit na tinatago ni Kean. Pilit siyang lumaban kay Nel ginamit niya na ang kamay niya. Sobrang nag-alala ako sa kaniya dahil halos iika-ika na ang lakad niya gano'n siguro kasakit ang hita, binti at paa niya. Malamang na masakit iyon dahil sa ginawa nila. Mahina na rin siya dahil dugu-duguan na sa pangbubugbog kanina.

Kean pre..

Napatigil kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n sina Taxon, Diamond at Kil.

Ang mga Baider...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.