Chapter 112 DANGEROUS FIGHTER I

"Shine--what? Sino 'yon?" kunot-noong tanong ni Nel.

"Ako"

Nagulo ang buong sistema ko nang bumagsak nalang bigla ang limang lalaki at nagpakita doon si Zeal.

Baby..

Gusto kong samaan siya ng tingin dahil sa suot niya. Sleeveless ang damit niya na hapit sa kaniya at 'di na umabot sa pusod niya. Nakashort lang siya. Naiinis ako! Bakit ganiyan ang suot niya!?

"Bai..der ka?" halos 'di masabi ang tanong na iyon ni Nem.

Bakit? Anong meron sa pagiging Baider?

Alam kong mayaman sila at may kakaibang tradisyon pero bukod do'n ano pa ang hindi ko alam? Bakit gano'n nalang ang takot na ipinapakita ng magkapatid na iyon?

"I'm Elleina Zeal Suarez, the only girl protecting Suarez family. I'm z4 the highest rank in HTH organization and lastly, I'm Shine Clear Baider the most dangerous fighter!" pakilala niya na ikinagulat ng lahat ng miyembro ng Dreadful Gang. Madiin, mayabang, at mapagmalaki ang dating no'n sa kahit sinong nakakarinig pero nakakakilabot. "Nakalimutan niyong kilalanin ako kaya ako na ang nagpakilala" maangas na sabi ni Zeal.

Biglang naging madilim ang paningin niya nang makita ang mga kaibigan namin. Si Kean, Rev, Lance, Clench, Arah at Carme na iba na ang mga hitsura. Mas dumilim ang mukha niya nang magtama ang paningin naming dal'wa. Kumuyom ang palad niya at tinitigang mabuti kaming lahat.

Lumapit si Elle kay Nel at gano'n nalang kabilis gumapang ang kirot sa puso ko nang ngitian niya ito ng malapad at saka hinaplos ang pisngi ni Nel.

Nakuyom ko ang palad ko. Ano nanaman bang ginagawa niya?

"Close your eyes" malambing na sabi nito kay Nel na lalong nagpainit ng ulo ko. Pinipilit kong tumayo pero bumabagsak lang din ako.

Pumikit si Nel biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zeal para siyang ibang tao. Sinuntok niya ito ng sobrang lakas sa mukha dahilan para tumalsik ito sa pader at malakas na bumagsak.

Ang lakas ng suntok niyang iyon!

"You want to meet the Dangerous Fighter?" ngumiti si Zeal ng sobrang totoo, malapad at..

Nakakainlove. Lalo kong naramdaman ang tibok ng puso ko na sinisigaw siya!

Ano bang ginagawa niya?

Parang may sikretong paraan sa ginagawa niya. Itinaas niya ang hawak niya. Maliit iyong speaker at pinindot niya.

"I want you all to know me!"

Nag-play ang kantang nagmumula sa speaker at inihagis niya iyon sa kung saan.

Marikit

Juan Caoile feat. Kyleswish

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Hangang-hanga ako sa paraan niya. Para siyang sumasayaw na ang steps ay ang pagsipa at pagsuntok niya. Sinipa niya ang mga lalaking sumusugod at sa lakas ng suntok niya ay tumitilapon sa kung saan ang mga lalaki. Walang takot niyang ginagamit ang lakas niya na may kasamang pang-aakit para matigilan ang kalaban. Ngingiti siya pero kapag nakita niya ng natulala ang lalaki sa ganda ng ngiti niya ay saka biglang lalabas ang madilim na ekspresyon ng mukha niya. Tuma-tumbling pa siya sa pag-iwas lang, napaka-flexible ng katawan niya upang maging isang moves sa sayaw ang kilos niya. Bawat dampian ng suntok niya ay awtomatikong napapa-atras at namimilipit sa sakit.

Sinugod niya ang sa tingin ko ay limang lalaki. Sinipa niya ang isa sa dibdib at tumuon sa balikat ng isa pa upang manipa ulit na tumama naman sa mukha ng isa pa. Itinuon niya ang paa sa pader at pagbagsak ng paa niya ay bagsak na din ang dal'wa. Ang bilis at lakas niya ay walang papantay. Kakaibang istilo ang magpatugtog pa habang nakikipaglaban. Ginawa niyang steps ang bawat galaw niya bukod doon ay nagdadal'wang isip siyang saktan ng mga lalaki dahil sa fuck! Sexiness niya na dapat ako lang ang nakakita! Zeal! Ugh!

Kahit tutok ang mata ko kay Zeal ay napansin ko rin sina Taxon. Ang bilis ni Taxon kumilos parang hangin magugulat nalang ang kalaban nasa likod na niya at 'pag lumingon nito ay kamao na agad ang nakaabang sa mukha nila.

Namangha rin ako kay Diamond na kahit pala maarte ay seryoso siya ngayon na nakikipagsuntukan pero madalas nananapak siya dahil nga siguro babaeng-babae ang kilos niya. Nakakatawa lang na kapag may tumatalsik na dugo sa kalaban ay mas ilag pa siya do'n dahil sa pandidiri.

Si Kil ay kung saan-saan nakakasuot. Bigla ay may bumabagsak nalang kapag nadaanan niya. Sinuntok niya ang kalaban pero nakakatawang isa lang ang sinuntok niya pero tatlo ang tinamaan. Astig!

Tumingin muli ako kay Zeal nakita ko kung papano ang ginagawa niya sa kalaban. Ang bilis ng kamay niya walang nakakatama man lang. Pinapatamaan niya rin ang maselang parte ng mga lalaki kaya naman napapahiga ang mga ito sa sakit. Sinugod siya ng isa pero nasipa niya agad ito at tumilapon sa pangal'wa kaya sabay silang nagtimbuang. Pasigaw na tumakbo ang pangatlo pero naingayan siguro si Zeal kaya tumama bigla ang paa niya sa bibig nito dahilan upang malagasan ito ng ngipin sa lakas no'n. Walang kahirap-hirap ang pakikipaglaban niya at sa nakikita ko nilalaro niya ito na parang nagsasayaw ginaganahan siya dahil sa naririnig niyang tugtog.

Tunay ngang... Dangerous Fighter

Saglit nawala ang atensyon ko kay Zeal nang kumirot ang parte ng mukha ko. Napangiwi ako doon pero agad ding binalik ang atensyon kay Zeal. Nainis ako nang makita ang ngiti niya no'ng harapin niya si Nel para bang inaakit niya ito kaya naman si Nel ay halos 'di na gumalaw sa kakatitig sa mukha niya. Stop staring at my cherish! Fuck you!

Hindi sinaktan ni Nel si Zeal umiilag lang siya kapag susugod ito pero isang maling galaw ni Nel ay nahuli siya ni Zeal. Sinipa niya ito tumalsik si Nel at nanghihina ng bumangon. Pagkatayo palang nito ay halos lumipad si Zeal sa ere para lang masipa ito na tinamaan sa dibdib. Galit na galit ang tingin niya dito. Akala ko ay titigilan niya na pero nagkamali ako.

"Tayo!" nanggigigil siya sa galit at kitang kita ko ang pagkasabik niyang manapak o sumuntok.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.