CHAPTER 113 DANGEROUS FIGHTER II

Nanghihinang tumayo si Nel iwas lang siya nang iwas sa suntok ni Zeal para bang hinahayaan niya lang itong saktan siya.

Sumama ang tingin ko nang mahuli niya si Zeal at patalikod na yumakap dito pero wala pang isang segundo ay siniko niya ito na tinamaan sa tiyan upang mapasigaw si Nel ng sobrang lakas. Hindi niya tinigilan si Nel bawat suntok at sipa ay gigil. Nakakatakot siya dahil ang mga mata ay talagang tumutunaw sa kung saan man ito tumama. Pinabagsak niya si Nel inis niyang pinulupot ang mga paa niya sa leeg nito habang nagpapagulong-gulong na sila sa sahig. Halos maubusan na nang hininga si Nel. Tinatawag na siya ni Taxon upang sawayin pero wala siyang naririnig.

"Sino ka para saktan ang mga kaibigan ko!" sigaw niya dito at halata ang pang-gigigil niya sa nakakagat niyang mga ngipin sa itaas at ibaba.

"Fuck you! Kahit patayin kita ngayon hindi mawawala ang galit ko saiyo!" sinuntok niya ito sa mukha sa kabila ng pambuno nilang dal'wa. Ni minsan hindi ko nakitang sinaktan siya ni Nel puro ilag at paminsan-minsan na ikina-iinis ko ay pahaplos niya itong hinahawakan. Tangina niya!

Akala ko ay tapos na si Zeal pero hindi pa pala. Halos lumipad siya sa bilis niya papunta sa kapatid nitong nasa wheelchair.

"Eh kung siya kaya ang balian ko ng kamay, bugbugin ko, at baliin ang isa pang paa?" madilim ang mukha niyang nakatingin kay Nel. Nakita ko ang takot sa mukha ni Nel pero walang magawa.

"Suko na ako ayaw ko na, Elle" sabi ni Nel habang matamang nakatingin kay Zeal. Talagang suko na siya kitang-kita ko.

"Ayaw ko pang matapos! Gusto kong gawin saiyo ang ginawa mo sa mga kaibigan ko!" hinawakan niya ang ulo ni Nem. Parang sa lahat ng pagkakataon ay mapapatay niya ito. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang hina ko. Halos gumapang nalang ako para malapitan siya pero hindi ko na talaga kaya.

"Shine!" sigaw ni Taxon. "Shine hindi ikaw 'yan" lumapit si Taxon ng dahan-dahan.

"Tangina nila, kuya, kita mo ba ginawa niya sa mga kaibigan ko at sa taong mahal ko?" galit na galit na sabi ni Zeal ang pagpipigil ay nasa mukha niya. Bihira niyang tawaging 'kuya' si Taxon sigurado akong matindi ang emosyon niya ngayon.

"Calm down please" bigla ay mabilis na tumakbo si Taxon at inilayo si Zeal kay Nem.

"Papatayin ko ang mga hayop na 'yan!" galit na galit siyang nagpumiglas kay Taxon pero niyakap siya ni Taxon at doon na ito humagulgol ng iyak.

"Shhh! Okay na nasaktan na sila. Tama na" sabi ni Taxon at hinaplos pa ang buhok niya.

Kitang-kita ko ang sakit at hinanakit ni Zeal dahil sa nangyari sa amin pero mas lamang ang galit.

Tumingin si Zeal sa akin at gano'n nalang ang pagdilim muli ng mukha niya. Nakawala siya kay Taxon at malalaki ang hakbang na sinugod si Nel. Pinagsisipa niya ito hanggang sa mapagod. Halos hindi na makagalaw si Nel sa ginawa niya. Hinawakan niya ang ulo nito pero pinipigilan ang sariling pilipitin ang leeg niya hanggang sa inis na inis niya nalang itong itinapon. May pagpipigil siya sa sarili niyang galit.

"Fuck! Elle! I can't hurt you! Patayin mo nalang ako kaysa sa maramdaman ito sa dibdib ko!" nanghihinang sabi ni Nel. Umupo nalang ito at hinayaan kung sasaktan man siya ulit ni Zeal. "Mahal kita! Sa dami ng babae ko saiyo pa ako nahulog!"

"Your Karma is painful, right?" ngumiti si Zeal ng malapad pero ang pag-ngitngit sa galit ay naroon pa din.

I hate her smile if it is not for me!

"I'm sorry. I just want you to love me" nagugulat ako sa sinabing iyon ni Nel. Talagang iba ang tama niya kay Zeal! Shut!

"Nel Jan! Ano bang sinasabi mo?" sigaw ni Nem sa kaniya.

"Shut the fuck up, kuya! Nakaganti ka na manahimik ka na!" asik niya sa kapatid.

"Nababaliw ka na! Hindi ikaw 'yan!" galit na galit na sabi ni Nem.

"Tumigil ka na!" asik muli ni Nel sa kapatid at tumingin kay Zeal. Pinakatitigan niya ito at tumulo ang kapiraso ng luha niya.

"Fine. Fuck! Tigilan mo kakatingin mo sa akin kung wala ka namang nararamdaman!" malungkot ang matang itinaas ni Nel ang dal'wang kamay niya sumusuko na. "Suko na ako. Talo ako dahil minahal kita! Fucking love" ang sinseridad sa mata ni Nel ay naroroon.

Gano'n niya kadaling isuko ang pinaghirapan nila para kay Zeal? Sarap niyang palakpakan!

"Talo ka naman talaga simula palang dahil kahit kaunting pagtingin hindi ko kayang ibigay saiyo!" nakita ko ang sakit sa mukha ni Nel nang marinig iyon mula kay Zeal. "Nakita mo naman siguro paano ko mahalin ang Imperial na 'yon" turo sa akin ni Zeal.

Imperial? Parang bago sa pandinig ko iyon.

Masasabi kong mas masakit ang masaktan emosyunal kumpara sa mga sugat na pisikal.

"Don't slap it in my face! I know!" sabi ni Nel. "Kahit siguro durugin ko ang buto niya sa buong katawan 'di ko makukuha ang puso mo sa kaniya!" ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Nel.

Kawawang tunay! Napangisi ako.

"Tama na pagod na ako" tumawa si Zeal na parang nakakaloko may kung ano siyang naisip. "Mas masakit ang hindi ka minahal pabalik ng taong mahal mo. The painful and saddest part of your life is your karma" tinalikuran na siya ni Zeal at naglakad palapit sa akin. Halos mapaluhod siya nang makitang mabuti ang hitsura ko. Sobrang sakit ng nararamdaman niya alam ko iyon dahil sa kilos niya.

Baby..

"Baby" nakita ko ang pagpapalit ng ekspresyon sa mukha niya iba ang tingin niya kay Nel punong-puno ito ng galit pero nang ako ang tingnan niya ay nakita ko na ulit ang babaeng iyakin dahil tumulo na kaagad ang luha niya. Inihiga niya ako sa hita niya. "Saan ang masakit huhuhu? Are you okay, baby? Bakit ka nagpabugbog? Ano ka ba naman!" hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang luha niya.

Humahagulgol na siya at ramdam na ramdam ko ang pinakamasakit na pinagdadaanan niya.

"Wag ka naman umiyak nasasaktan din ako. 'Yang iyak mo mas masakit pa sa sugat na natamo ko" naluha din ako dahil sa nakikita kong pag-iyak niya. Pinilit niyang patahanin ang sarili.

"I'm okay. I love you" ngumiti ako sa kaniya.

"I love you forever" hinaplos niya ang pisngi ko at humalik sa noo ko.

"Tigilan mo na. Nasaktan na natin sila sapat na iyon!" nilingon namin si Nel na inaagaw ngayon ang baril sa kapatid.

Nanlaki ang mata ko nang pumutok ang baril at umagos ang dugo galing sa tiyan ni Nel.

Nabaril siya!

Tatayo sana si Zeal para puntahan siya pero hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya. Tumigil siya at tiningnan lang ako.

Ilang minuto lang ang lumipas at may narinig na kaming mga pulis. Palaging panghuli sila kung dumating.

Nakakapagod ang gabing ito pero masasabi kong masaya na ako dahil ligtas kaming lahat.

Mas lalo kong minahal si Zeal dahil sa kahanga-hanga niyang tapang at kakaibang istilo. Maging sa pakikipaglaban ay may sarili siyang uniqueness. Kakaiba talaga siya hindi siya ordinaryong babae kaya siguro kapag minahal siya ay hindi na nakakaahon pa sa lalim ng kinahulugan ng pagmamahal sa kaniya. I don't wonder why Kean, Clench, Nel and even me are so crazy in love with her. Mabuti siyang tao lumalabas lang ang mala-demonyong katauhan kapag nasaktan na ang mga mahal niya.

Siya 'yong babaeng handang isugal ang buhay para sa mga taong minamahal niya. Hindi na maaalis sa isip ko ang gabing ito. Ang babaeng mahal ko ay mas lalo kong minahal anuman siya, kakaiba man magalit, at kung sino man siya basta ang alam ko wala ng papantay pa sa pagmamahal ko sa kaniya.

Minamahal ko at tinatanggap ang lahat sa kaniya.

Pinakatitigan ko ang mukha niya.

"I'm so lucky that you are mine my over melanin Zeal" sinserong sabi ko. Tinitigan niya din ang mukha ko at hinaplos nanaman ang noo ko papunta sa ilong at labi.

"You own everything to me, my impakto."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.