Elleina Zeal's POV
Nagising ako na nasa tabi pa rin ni Flair. Tiningnan ko ang mukha niya naluha ako nang makita ang kalunos-lunos na hitsura niya. Sugat-sugat ang parte ng katawan niya, putok ang labi, puno ng pasa ang mukha niya, may sugat sa may kilay. Siguradong magmamaktol siya kapag nakita niyang nabawasan ang kagwapuhan niya lalo na kapag nakita niya ang ilong niyang matangos na may sugat.
You still my Mr. Perfect.
Napangiti ako sa isiping iyon. Hinaplos ko ang mukha niya.
"Magpahinga ka muna" mahina kong sabi at dinampian ng halik ang noo niya.
Hinawi ko ang mga kurtinang nandoon. Nakita ko ang katabing kama ay si Lance, sunod si Carme, Arah na binabantayan ni Kil, sunod si Clench, Rev na nasa tabi ay ang nakabantay na si Ali, at ang dulo ay si Kean. Nasaan si Yannie? Baka lumabas lang at bumili ng pagkain.
Lumapit ako kay Lance at naluha wala na sigurong pipigil sa luha ko dahil ang sakit makita ng mga kaibigan kong nakaratay dito ngayon.
Kung napa-aga ba ako ng dating hindi sila nasaktan?
Gustuhin ko mang hawakan ang kamay ni Lance ay hindi ko ginawa dahil may benda ito at sa tingin ko nakasemento yata dahil bali ito.
Magamit niya pa kaya ulit ang kamay niya?
Iyon pa naman ang pinakainiingatan niya dahil 'yon ang kalakasan niya.
Partner...
Matapos ko kay Lance ay kay Carme naman ako pumunta. Wala naman siyang masyadong inabot na sugat maliban sa namumula niyang pisngi na sa tingin ko ay sinapak siya. Binabantayan din siya ng mga doctor dahil sa puso niya.
"Bebs, pagaling ka, okay?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Saglit ko pang tinitigan ang mukha niya bago ako lumipat kay Arah.
Kawawa naman si Arah napaka-traumatic ng lahat ng pinagdaanan niya magmula sa tatay niya. Wala naman siyang sugat pero ang karanasang iyon ay siguradong nasa isip niya na. Tahimik lang siya madalas pero sobrang dami niya palang pinagdadaanan.
Tumindi ang hagulgol ko nang makita ko ang mga latay sa katawan ni Clench nang sa kaniya na ako pumunta. Namamaga na iyon at puno rin siya ng pasa.
"Wag kang umiyak alam mong hindi ko gusto 'yan. Buhay naman ako, eh" nag-angat ako ng tingin sa kaniya gising pala siya.
"Clench.." niyakap ko siya ng mahigpit.
"Don't worry about me. Lumaban ako, pinaglaban ko ang sarili ko dahil alam kong iyon ang gusto mo" lalong tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Salamat dahil matapang ka na ngayon" ngumiti ako sa kaniya. Tinanggal niya ang mga luha kong pumapatak.
"Kumain ka na ba?" natawa ako sa tanong niyang iyon. Puro pagkain talaga!
"Hindi pa. Ikaw ang kumain muna. Ano bang gusto mo?"
"Kahit anong meron diyan gutom na ako" nakangiting sabi niya.
Kinuha ko ang pandesal na nasa sidetable. "Ito muna, bibili ako ng pagkain mamaya"
"Sige" masigla siyang ngumiti at kumain.
"Gusto mo ng kape?" tanong ko habang pinapanood ang matakaw niyang pagkain.
"Ayaw ko. Water lang" sabi ni Clench.
Saglit ko lang siyang pinanood pagkatapos no'n ay kay Rev naman ako pumunta.
Tingnan mo itong taong ito tulog na nga at lahat nakangiti pa din. Halata talaga ang pagiging abnormal niya kahit tulog. Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil nakita ko rin ang bugbog niyang katawan.
"Thank you, Elle. Okay na siya ngayon" sabi ni Ali at saka ngumiti. "Kung hindi dahil saiyo baka kung ano na nangyari sa kanila"
Niyakap ko si Ali. "Hindi ko sila kailanman pababayaan dahil tropa tayo. Tropang nabuo ng dahil sa pagmamahal sa isa't isa"
Lumapad ang ngiti ni Ali kahit pa may tumulong luha sa mata niya.
"Salamat dahil ramdam kong may pamilya ako dito sa Pilipinas" sinserong sabi niya.
"Salamat din sainyo dahil mga totoo kayong kaibigan" niyakap ko muli siya.
Napahinto ako nang tahakin ang huling kama.
Kean..
Tumitig siya sa akin. Kinakabahan man ay lumapit ako at umupo sa tabi niya. Saglit kong tiningnan ang hitsura niya. Katulad nila ay bugbog siya nakataas ang dal'wang paa at may benda. Alam ko na kung bakit iyon ang pinunterya nila dahil iyon lakas niya.
Prince of Flying Kick..
Iyon ang tawag sa kaniya.
"Kumusta ka?" halos walang lumabas sa bibig ko sa tanong kong iyon.
Bakit ba gano'n kahirap kausapin ang ex?
Nakita ko ang ngiti niya. Totoong ngiti na nakapagpatibok ng puso ko noon.
"Is it a dream? Nag-aalala ka sa akin?" lumapad lalo ang ngiti niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Duh! Sinong hindi mag-aalala sa kaniya? Tingnan niya nga sarili niya halos hindi na makilala sa tindi ng inabot niya katulad ni Flair.
"Kung alam ko lang na mag-aalala ka sana nagpabugbog pa ako ng todo" biro niya.
Pinigilan kong hampasin ang braso niya dahil sa biro niya.
"Gusto mo ako na ang bumugbog saiyo?" inis kong sabi.
"No, thanks. Masakit na katawan ko" sabi niya at inginuso pa ang paa niya.
Tiningnan ko iyon. "Kaya mo na 'yan malaki ka na" ngisi ko sa kaniya.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan.
Awkward..
"My beautiful.."
Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya iyon. Kailan ko nga ba huling narinig iyon sa kaniya?
Tiningnan ko siya nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Masaya ka ngayon dahil alam kong hindi ka naman magsisisi na si Jave ang minahal mo" ngumiti siya ng pilit.
Tama si Flair. He's not yet get over me.
Gusto kong humingi ng tawad dahil sa nangyari sa aming dal'wa pero hindi ko rin maalis sa akin na sisihin siya dahil siya naman ang may gusto no'n. Masasabi kong siya ay parte nalang ng maganda kong nakaraan.
Akmang hahaplusin niya ang pisngi ko pero nakita kong pinigilan niya at ikinuyom nalang ang palad.
"Fuck.." ngumiti siya at umiling-iling. "Pres are pres" ang panlulumo ay nasa mukha niya pero ang isipin ang bestfriend niya ay kahanga-hanga.