"Sorry sa lahat-lahat, Elle. Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko saiyo sa mga maling desisyon ko sa buhay"
"Shh. Okay na 'yon tapos na at 'wag mong sabihing mali ang desisyon mo dahil may nailigtas kang buhay. Hindi rin kakayanin ng konsensya ko kung may magpapakamatay dahil sa akin"
"Salamat sa pagintindi mo, Elle" tumulo nang tumulo ang luha niya ramdam ko ang sakit. "Ayaw kong itago saiyo na hawak ko pa rin ang pag-ibig ko para saiyo. Nahihirapan ako" muling gumuhit ang sakit sa mukha niya.
Ikinagulat ko man kahit parang alam ko na iyon ay hindi ko nagawang mag-react agad.
"Wag ka sanang guluhin ng nararamdaman ko saiyo. Alam kong si Jave ang mahal mo" tumawa siya kahit lumuluha at umiling-iling pa. "Sa sobrang pagmamahal niyo sa isa't isa baka bukas o sa makalawa maisipan niyo na agad ang magpakasal. Nakikita ko ang kasiguraduhan niyo"
Napangiti ako sa sinabi niya dahil totoo iyon. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Ang mukhang minsan ng nagpakilig sa akin. Ang mukhang nagpaiyak, nagpatawa, nagmahal at ngayon ay ang nanghihingi ng tawad.
Magmula ng minahal ko si Flair hindi ko na naramdaman ang sakit sa puso maliban nalang no'ng mga araw na siya mismo ang nasaktan ko dahil sa mga nangyari. Wala na akong balak pang bitawan siya dahil siya ang nag-iisang impakto ng buhay ko.
"Hindi ka makalimot kasi hinahawakan mo pa rin ang pagmamay-ari na ng iba" makahulugan kong sabi sa kaniya. Tinitigan niya ang mga mata ko. "Bakit hindi mo subukang tingnan ang taong laging nasa tabi mo? Ang lapit niya pero ang layo ng tingin mo" kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Hindi ko mapipilit ang sarili ko, Elle" sabi ni Kean at tinitigan muli ang mukha ko. "pero pipilitin ko para saiyo"
"Salamat" sabi ko at tumayo na.
"You are my one that got away" tatawa-tawang sabi niya sa akin. Napangiti din ako sa sinabi niya. "Sana 'wag mong kalimutan na may isang Kean Patrick Valencia ang nagmahal saiyo sa nakaraan"
"I won't forget you" nangingilid ang luhang sabi ko. "You gave me a happy memories from the past" sinsero kong sabi.
Ang realidad na iyon na naging parte siya ng buhay ko ay totoo. Hindi ko pagsisisihan na minsang minahal ko siya dahil sa mga sandaling iyon nabigyan niya ako ng kaligayahan. Naramdaman ko kung papano alagaan ng isang espesyal na tao. Naramdaman ko kung papano ang mahalin ng isang Kean Patrick Valencia. Ang mga ala-alang nabuo noon ay isang magandang panaginip para sa akin.
Kailangan ko nga lang mabuhay sa totoong mundo dahil mas maganda ito dahil nandiyan si Javen Flair Imperial. Ang lalaking walang ginawa kung hindi bwisitin ako pero iyon ang kumukompleto sa araw ko.
"You are always be my beautiful" tuluyan ng lumuha si Kean. Ang sakit at saya ay naghahalo na sa kaniya.
"Thank you, Mr. Handsome"
Iyon lang at tumalikod na ako sa kaniya naglakad ako pero nagulat nang makita kong nakaupo na si Flair sa kama.
"You are always be my beautiful?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
Tiningnan niya ako ng masama at tumaas ang gilid ng labi.
"Galing mo! Kala ko pagising ko ikaw ang makikita ko nauna mo pang puntahan ex mo" pagmamaktol niya.
Natawa ako sa hitsura niya dahil inis na inis niyang iwinawasiwas ang paa niya sa hangin.
Lumapit ako at yumakap sa kaniya.
"Yan! Gagawa ka nanaman ng ikakaselos ko tapos yayakap ka okay na? Porke alam mo na hindi kita kayang tiisin!" nakanguso niyang sabi.
Hinawakan ko ang mukha niya at dinampian ng halik ang labi niya.
"Suhol!" inis na inis niyang sabi.
Tawa ako nang tawa dahil sa inaasta niya.
"Binisita ko ang mga kaibigan natin kasi siyempre diba? Alangan naman nandito lang ako saiyo" paliwanag ko.
"Eh ano 'yong my beautiful na sinasabi ni Kean?" tanong niya na nakanguso pa din.
"Nag-usap kami at nagpatawaran"
"Hindi ka hinawakan?" naniningkit ang matang tanong niya.
"Muntik na" ngumisi ako at nakita ko ang patiim bagang ni Flair. Nakakatawa siyang asarin.
"Muntik na pero hindi niya ako hinawakan dahil sabi niya 'pres are pres'" lumapad na ang ngiti sa labi niya.
Pabebe boy pa! Ngingiti din pala.
"Sabi ko na nga ba pres are pres!" masigla niya sabi. Iniyakap niya ang kamay sa braso ko at pinaupo ako sa hita niya. Pilit akong tumatayo dahil open ang kama makikita nila kami kapag hinawi ang kurtina.
"Dito ka lang" sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
Naramdaman ko ang labi niya sa likod ko at inamoy niya iyon.
"Ang bango mo. Uwi na tayo" sabi niya habang nakapikit.
"Hindi ka pa magaling"
"Ahem" napalingon kami parehas ni Flair at awtomatikong napatayo ako nang makita si Kuya Zeke, Zen, at Zaimon.
"Tsk" masungit na sabi ni Kuya Zen.
"Dito pa talaga kayo sa hospital nag-gagaganiyan? Huh? Princess?" pang-aasar ni Kuya Zeke.
"Inggit ka lang" mataray kong sabi.
"Kung meron man dapat mainggit ay itong dal'wa 'yon hahaha" pang-iinis ni kuya Zeke kay kuya Zen at Zaimon.
"I'm engage with my profession" masungit na sabi ni Kuya Zen.
"Kapag ako nagka-girlfriend mas sweet pa sa dal'wang 'yan!" paninigurado ni Kuya Zaimon.
Lumapit silang tatlo sa amin. Nag-usap sila at nagtatawanan.
Close na talaga sila?
Tiningnan ni Kuya Zen ang lagay ni Flair.
"Bebs!" napalingon ako sa tumatakbong si Carme.
"Hey! Don't run 'di ka pa nga okay!" saway ko.
Yumakap siya sa akin. "Thank you! Sabi ko na nga ba hindi mo kami papabayaan!" tuwang-tuwa niyang sabi.
"We are so happy to have you in our life" sinsero niyang sabi halos maiyak ako.
"Sa nangyari nakita kong tayong lahat ay.." ngumiti siya ng todo.
"True friends!"