Elleina Zeal's POV
Lumipas ang mga taon back to normal na ulit. Wala ng nangugulo pero hindi pa rin ako sigurado kung habang buhay na nga ba kaming matatahimik dahil ang mga kalaban ay bigla-bigla nalang darating ng hindi inaasahan.
Maraming araw na halos hindi na kami magkita ng mga kaibigan ko dahil sobrang dami naming ginagawa. Gano'n din si Flair halos hindi na kami matulog.
Araw-araw hawak ko ang libro dahil nire-review ko lahat para sa course audit. Mag-eexam ka everyday para sa paghahanda sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Halos maiyak ako nang basahin ulit ang Zoology book at nakita ang mga muscles, bones, organs, the parts of the frog na bukod sa hirap ang spelling ay sobrang dami.
Nang gumawa kami ni Carme ng thesis ay 'di na kami natulog. Noong araw ng defense ay puyat na puyat kami at lutang na pero nairaos pa din.
Sa dami ng specimens na kailangang tingnan ulit sa microscope para sa moving exam ay nakakasakit ng ulo. Lahat ng ginagawa namin ay para rin naman sa amin kaya hindi ako pinanghinaan ng loob.
Nakakatulugan ko na ang mga libro pero madalas ginigising ako ni mommy para uminom ng gatas. Si Taxon ay walang ginawa kung hindi tanungin ako at subukin kung marami na akong alam. Napakatalino ni Taxon para malaman niya ang iba't ibang bagay kahit political science ang natapos niya at kumukuha pa ng law degree dahil gusto niyang maging abogado. Sobrang gusto-gusto niya iyon.
Madalas masakit na ang ulo ko kakabasa pero nakakatawang tingnan si Flair na mas zombie pa sa akin dahil sa sobrang busy niya rin. Pupuntahan niya ako kapag may oras siya para lang humalik at dalhan ako ng pagkain. Naiintindihan ko ang pagod niya dahil parehas lang kami.
Minsan may mga gabing natutulog ako sa bahay nila Flair parehas kaming humihilik dahil sa pagod. Dumaan ang anniversary namin pero hindi namin nagawang mag-celebrate dahil sa schedule namin pero okay lang iyon dahil para naman sa pangarap namin ito.
Himalang hinihinaan na ni Kuya Zaimon ang patugtog niya dahil sa respeto sa pag-aaral ko. Nakatapos na rin sila ni Kuya Zeke ng pag-aaral at masaya sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Architecture ang tinapos ni Kuya Zaimon at si Kuya Zeke naman ay Mass Communication.
Gusto ko ring matawa kapag nakikita ko si Kean dahil walking dead na siya nakapikit na habang naglalakad. Pagod na pagod?
Si Rev ay himalang tahimik dahil halata na ang eyebags niya pero kapag nagkaroon nanaman ng sapak ay hindi tumitigal sa pangungulit.
Si Clench ay gwapong-gwapo sa uniform niya bilang isang nurse sa Imperial's Hospital parang nakakaganda ang mood dahil palagi niya sigurong nakikita ang nurse na iyon pero ni minsan hindi niya ako nakalimutan dalhan ng pagkain.
Si Lance ay laging kunot ang noo stress sa engineering. Ano pa bang bago sa pagiging masungit niya?
"Woah!!!! Tapos na Congratulations!" kaliwa't kanan ang bati sa amin ng mga professors at kaklase namin dahil kakatapos lang ng practice teaching namin.
Graduating na kami at ilang araw nalang ay graduation na pero bago iyon magkakaroon muna ng Grand Ball na hinihintay ng lahat ng fourth year.
"I don't know how I finished this profession bebs basta ang alam ko noon sumama lang ako saiyo hahaha" tuwang-tuwa sabi ni Carme at nagtatalon pa.
"Sa dami ng bagsak ko pumasa pa din ako hahaha" tawa ni Ali.
Masaya ring tumabi sa amin si Arah.
"Matutulungan ko na si Nanay" sabi ni Arah at malapad na ngumiti. "Salamat sa mga tulong niyo!"
"Ano ba wala 'yon! Tayo lang naman magtutulungan, eh!" sabi ni Carme.
"Hi girls!" nakagat ko ang labi ko sa poging boses na iyon.
Flair...
Kunyari hindi ko narinig pero nagulat ako nang yumakap siya sa likod ko.
"Kumain ka na ba Mrs. Imperial?" malambing na sabi niya.
Gumapang ang kilig sa buong katawan ko. Kainis talaga ito!
"Ayieeee!" asaran nila.
"Ibang klase ang mga the moves ni Jave" pang-aasar ni Rev.
Mas lalo akong kinilig nang marinig ang tilian nila Carme.
"Mrs. Imperial ka diyan!" kunyaring inis ako sa kaniya.
Tinusok-tusok niya ang labi ko.
"Tinatago mo pa ang ngiti mo halata naman" pang-aasar niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti.
"Elle" nagkakamot na lumapit si Clench at tiningnan si Flair para bang nanghihingi ng permiso. Tumango sa kaniya si Flair.
"I have a surprise to you!" sabi niya at itinaas ang paper bag pero 'di ko pa man lang naabot iyon ay napasimangot na ako dahil inagaw ni Carme at pinagpiyestahan nila ni Ali at Arah ang mga chocolates.
"Hoy kay Elle 'yan eh!" nagkakamot sa ulong sabi ni Clench.
"Eh! Magpabili siya sa boyfriend niya!" asik ni Carme at itinago ang mga chocolates.
At hayon nag-agawan nanaman sila. Hindi na matatapos ang agawan ni Carme at Clench ng pagkain. Araw-araw parehas silang nag-aasaran. Magugulat ka nalang sinasapak na ni Carme si Clench dahil kinuha nanaman nito ang pagkain niya. Nakakatawa sila!
Tumingin ako kay Flair ng nakasimangot nagkibit balikat lang siya.
"I will buy the chocolate shop if you want?" nakangising sabi ni Flair.
"Hindi na!"
Yumakap siya at isinandal ang ulo sa balikat ko.
"PDA!" sigaw ni Rev. Humiwalay kami sa isa't isa dahil tumingin ang mga taong naglalakad. Buset talaga ito si Rev.
Napasulyap ako sa nag-uusap na si Arah at Kil. Ano nga bang score sa pagitan nila?
Palapit na ako pero naunahan ni Kean lumapit sa kanila.
"Love birds" pang-aasar niya kay Kil at Arah. Nag-iwas ng tingin si Kil at si Arah naman ay namula.
Tinaas ni Kil ang bottle of water at ibinigay kay Kean.
"Uminom ka nalang ng tubig Mr. 8 glasses of water baka kasi mauhaw ka kapag sinakal kita" tatawa-tawang sabi ni Kil.
Napangiti ako nang makita ang papalapit na si Taxon at Diamond. Parehas nakasimangot ang dal'wa. Ano nanaman bang pinagmamaktol ng mga ito?
"What's up with the face?" tanong ko sa kanila.
"Wala!" sabay nilang sabi.
"Wala nga ba? Nakita ko lang naman si Diamond na nakikipag-away kay Tyron" pang-aasar ni Rev na ikinatawa namin. "At ito" turo niya kay Taxon. "Parang hindi siya gusto no'ng babae! Hahaha" lumakas ang tawanan namin. Gago talagang Rev ito mapang-asar.
"Chismoso!" mataray na sabi ni Diamond at pinag-cross pa ang mga braso.
"Sabi ko kasi saiyo Taxon i-order mo din ako ng brief para magkita kayo hahaha" pang-iinis ni Flair sa kaniya.
Tumingin nang masama si Taxon sa kaniya.
"Sunod naman si Rev, Kean, at si Kil ang order-an mo para diba bonding kayo hahaha" 'di nawawalan ng pang-aasar ang boyfriend ko. Hay nako!
"Shut up!" sigaw ni Taxon sa kaniya.
"Bakit ka ba kasi ganiyan? Siguro natatakot saiyo 'yong babae kasi laging masama ang tingin mo tapos nakasimangot pa" pangangaral ko kay Taxon.
"You know what Shine? Bagay talaga kayo ng boyfriend mo!" masamang tingin na sabi niya sa akin.
"At ikaw naman" turo ko kay Diamond. "Tigil-tigilan mo nga paglalaro mo sa mga lalaki" inismiran lang ako ni Diamond at tinaasan ng kilay.
"What should I do? Maganda ako, eh!"
Tumawa ng malakas si Kean at Rev kaya sinamaan sila ni Diamond ng tingin.
"Baby.." nilingon ko si Flair.
Ang pogi niya talaga.
"Let's go to The Rose. Mag-celebrate tayo" aya ni Flair sa amin.
Tuwang-tuwa silang lahat.
"Baby.. thank you for being an inspiration to me" sinserong sabi ni Flair nang makapasok kami sa loob ng kotse.
Hinapit niya ang batok ko at dinampian ng halik ang labi ko.
"Congratulations we made it" nakangiting sabi ko.
"We can soon harvest the result of our hardwork"