Chapter 117

Third Person POV

Nakaupo sa balkonahe ang isang lalaki at humihiphip ng sigarilyo nang lumapit ang isa sa mga tauhan niya.

"Boss, kilala ko na kung sino si z4" napalingon ito sa taga-ulat.

"Good" napangisi ito sa naisip.

"Hindi lang iyon. Nahanap ko rin ang kambal"

Elleina Zeal's POV

Pumasok na kami sa loob ng The Rose at pumwesto sa mahabang lamesa.

"Are you going to drink, baby?" tanong sa akin ni Flair.

"Oo malamang edi na-dehydrate ako kung hindi ako iinom" pagbibiro ko sa kaniya.

"Nahawa ka na sa pang-aasar ko" nakangiti niyang sabi.

"Usog do'n ang cheesy niyo!" sabi ni Kean at tinulak-tulak si Flair.

"Pagpasensyahan niyo na naiinggit" nakangsing sabi ni Rev nabatukan siya agad ni Kean.

Lumapit ako kaagad sa stage at ibinulong sa banda ang gusto kong kantahin. Ngumiti ako at tiningnan ang mga kaibigan ko pati na rin ang tatlong Baider na 'di mo alam kung anong pinagmamaktol dahil pare-parehas nakasimangot.

"Thank you for being companion in my long journey!" nakangiti kong sabi sa kanila sa mic.

"Yohoooo!!!" sigawan nila at pinaghahampas pa ang lamesa dahilan upang maging sobrang ingay.

Batid kong sobrang saya nila dahil malapit na ang pagtatapos namin. Nagsimula na ang pagtugtog ng banda.

Without you

By: Aj Rafael ft.Moira Dela Torre

Ito 'yong kinanta ni Flair noong mga panahong lugmok ako sa sakit sa pangiiwan ni Kean.

Bucket full of tears

Babe you know I'm here

I'm here waiting...

Ang mga mata ko ay na kay Flair. Ikinagulat niya ang kantang ito dahil alam kong tulad ko ay tumatak din sa isip niya 'yong moment na bumaba ako para lang pakinggan ang kanta niya kahit walang sepilyo or what! Nakakahiyang balikan pero masasabi kong isa sa masayang pangyayari sa buhay ko kahit huli ko ng narealize ang bagay na iyon.

Iyong araw na nanood kami ng sunrise. I was looking at his face. Tanda ko pa ang tanong kong iyon sa utak ko. 'Kung ikaw ba ang minahal ko masasaktan pa rin ba ako ng ganito?' Sa hindi malamang dahilan kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko.

When I was with you while me and Kean together I can't explain my feeling. I am really confuse, but I still chose Kean because I know that he is my ideal man. I used to ignore you how could it be that I'm now crazy inlove with you?

Hindi ka kailanman nawala sa tabi ko sa panahong masaya, malungkot o umiiyak man ako. Nandito ka at palaging maasahan. Gusto kong maiyak dahil sa kantang ito. Ang mga ngiti ngayon ni Flair ay walang kapantay sa kahit na anong materyal na bagay sa mundo kahit pa chocolate. Hahaha

Takot, pangamba at sakit ay biglang nawawala sa isang yakap lang ng impaktong si Flair. Totoong masaya akong dumating ka sa buhay ko.

Pumalakpak silang lahat at gano'n nalang ipagmalaki ako ni Flair.

"Talented ng girlfriend ko diba?" sabi niya.

"Inuman na!" sigawan nila.

"Congratulations to all of us!" sabi nila at itinaas ang mga baso. "Cheers!"

Sabay-sabay naming ininom ang laman ng bote. Gumapang kaagad sa lalamunan ko ang init sa lalamunan.

"Wag ka masyado uminom baka mamaya sabihin mo si Kean ang boyfriend mo" bulong ni Flair sa akin kaya natawa ako.

"Bakit?"

"Nakakalimot ka kapag lasing ka" sabi niya.

"I don't think I will forget you" hinaplos ko ang pisngi niya.

"Make sure" sabi niya sa akin "No'ng nalasing ka noon hinalikan mo ako"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? Kailan 'yon?"

Tinawanan niya ang reaction ko.

"Nakita pa nga ni Kuya Zeke kaya siya galit sa akin noon" natatawang kwento ni Flair.

Talaga? Duh! Nakakahiya!

I was confused kung sino ba talaga ang first kiss ko?

Napalingon ako kay Kean. Hindi ba siya? Duh! Ginugulo lang no'n ang isip ko. So what? It really doesn't matter.

Nagiinuman lang kami pero maya maya ay nahihilo na ako. Kita ko na rin na parang lasing na sila maliban kay Carme na hindi talaga namin pinapainom.

"Hoy Aramel!" mapungay na sabi ni Kil kay Arah.

Aramel? Saan galing 'yon? Arah Melita Abriol ang pangalan ni Arah. Parang caramel. Napailing ako kay Kil. Baliw na rin siya dahil sa kalasingan.

"Yesh, babe?" sagot ni Arah na halatang lasing na din.

Nagtawanan kami dahil sa 'babe' niya.

"Anong babe? Hindi naman kita babe!" sabi ni Kil at ngumiti kay Arah.

"Babe mo na ako ngayon gusto mo?" halos mabulunan ako dahil umiinom ako no'ng sinabi iyon ni Arah ang lakas ng loob niya!

"Edi tayo na?" nakangising sabi ni Kil pero sasagot na sana si Arah ng tumawa ito. "Joke lang hahaha"

Napalingon ako kay Flair na grabe ang pagkakangiti. Naaalala ko si Flair kay Kil. Inaasar niya si Arah.

"Sayang kala ko totoo" sumimangot si Arah.

"Totohanin natin." sa lakas ng tawa ni Kil ay halata pa rin ang pang-aasar.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.