Chapter 118

"Ayaw ko ayaw mo naman sa akin" nagugulat ako sa mga linyada ni Arah kailan pa siya nakapagsalita ng ganiyan madalas ay nahihiya siya kay Kil dahil siguro sa epekto ng alak.

"Maganda ka naman, eh. Loko lang talaga ako" nakangising sabi ni Kil pero nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ni Arah. What the? "Babe"

Ngumiti si Arah ng malapad. "Lashing ka na hahaha"

"Ano ba 'yan puro kayo lovelife. Paano naman ako?" sabi ni Clench at naglagay ng alak sa baso. Sinaway ko siya dahil umaapaw na iyon sa kalasingan niya. "Sorry, Elle. Ang hilig mo kasi mang-bestfriend zone"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na tinawanan nanaman nila. Saan nanggaling 'yon? Out of nowhere magsasalita siya ng gano'n?

Lasing na sila! Gosh! Ako din, eh. Umiikot na ang paningin ko.

"Hahaha" napalingon kami sa humahagalpak na tawa ni Kean na hindi ko alam kung ano ang tinatawanan. Umakbay siya kay Clench at may binulong sabay silang humagalpak ng tawa.

"Hayaan niyo na ganiyan talaga kapag--hik brokenhearted sa iisang babae" sabi ni Rev at tumingin sa akin. Ewan ko ba minsan talaga trip ako ni Rev.

Ako nanaman? Gaano ba ako kaganda para naman gustuhin nila? Imposible namang 'di maka-move on 'yan diba?

"Bulag talaga sila" pang-aasar ni Flair kaya hinampas ko siya.

"Edi bulag ka din?" mataray kong sabi.

"Well, I admit nagayuma nga ata ako--hik" tumawa sila ng malakas. Inis kong pinaghahampas si Flair.

"Mukha nga" sabi ni Rev kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Mga epal!" naiinis kong sigaw sa kanila.

Bago pa ako mawala sa katinuan ay tinawagan ko na si Kuya Zeke.

"Zeke boy!" tatawa-tawa kong bati sa kaniya.

"What the? Are you drunk?" tanong niya sa kabilang linya.

"Yes! Hahaha sunduin mo kami mamaya lasing na kami hahaha" sabi ko at pinatay na agad ang cellphone.

"May ipapa--hik kita ako sainyo" itinaas ni Flair ang cellphone niya. Sa pungay ng mata niya ay lasing na rin.

Pinagkaguluhan namin ang picture na nando'n. Si Rev tulog at may laway sa labi. Ang lakas ng tawanan namin. Tingin ko ito 'yong nag-overnight kami noon sa bahay nila Flair.

"Hahaha" tawanan namin.

"Ito pa" ang picture naman ay si Clench at Rev magkayakap sa higaan.

Tiningnan pa namin iyon pero puro mga picture ko. Hilig niya talagang kuhaan ako ng picture. Natigil lang ang pag-scroll ng makita namin ang picture nila ni Kean. Puno ng pulbos ang mukha nilang dal'wa magkaakbay at nagtatawanan.

"Tinuturuan kami mag-bake ni Mrs. Sin 'yong mommy ni Rev pero nauwi sa kalokohan naging pulbo 'yong harina hahaha" kwento ni Flair.

Naagaw ng atensyon namin ang tumayong si Lance.

"Tara sayaw! Yohooo!!" natutop ko ang bibig ko dahil lasing na siya. Tinatawanan lang siya ni Carme dahil halos nakapikit na siya.

"Tayo na Taxon!" utos pa niya kay Taxon at ang siraulong Taxon ay lasing na din magka-akbay silang pumunta sa dance floor. Natatawa kaming pinapanood sila dahil hindi naman sila marunong sumayaw parang gago sa kanto ang datingan nila.

Nang may lumapit kay Taxon na babae ay ngumisi ito. Nakita kong nakipagsayawan ito dito. Bahala siya diyan. Malaki na siya kaya niya na ang sarili niya.

"Kung sinuman ang babae ni Taxon lagot siya!" nakangising sabi ni Kil.

Si Vinea? Hindi naman siguro.

Nahihilo na ako. Ang tagal ni Kuya Zeke.

"Baby-hik" sabi ni Flair at hinapit ang baiwang ko para masiksik lalo sa kaniya.

"Lasing ka na" sabi ko.

"Hindi pa" pinaningkitan niya ako ng mata at ngumisi. "Ang ganda ng girlfriend ko"

Hindi ko pa nakikitang malasing si Flair kaya hindi ko alam kung papano ba. Pinainom ko siya nang pinainom kaya maya-maya pa ay nahihilo na siguro.

"Gagong Nel 'yon sarap suntukin ng labi" sabi ni Flair at walang humpay na tumawa. "Paano ba naman--" tinakpan ko ang bibig niya dahil baka kung ano ang masabi niya sa kanila.

Nagsisimula na siyang maging madaldal. Ganito ba siya malasing? Dapat pala hindi ko nalang nilasing. Nagsisisi tuloy ako.

"Muntik na nga siyang malaglag sa bangin dati buti nandoon si Kean naiakyat siya.." gosh! naiingayan ako kay Flair ang dami niyang kwenikwento tungkol sa akin. Si Rev at Ali naman ay nakikinig sa kaniya at tumatawa paminsan-minsan.

Si Kean ay knock out na nakatungo na ang ulo niya sa lamesa. Si Taxon at Lance ay nandoon pa din sa dancefloor sumasayaw na parang mga gago at tawa pa nang tawa.

"Hahaha no'ng nakita ko siya sa Rosa Restaurant nagandahan ako agad sa kaniya kaso nag-away kami hinampas niya 'yong rose na surprise dapat sa iyo, Ali. Nakakainis siya pero ang cute niya at love na love ko siya. Hindi na nga siya nawala sa isip ko simula no'n" napangiti ako sa kwento ni Flair. Crush na pala niya ako dati pa huh?

Kumuha ako ng tissue ng makitang pinagpapawisan na siya. Pinunasan ko ang noo niya.

"Ang sweet niya diba? Sabi ko sainyo baliw na baliw siya sa akin" pagmamalaki niya kala Rev at Ali.

"Sana all" lasing na sabi ni Clench at mapungay na tumingin kay Arah at Kil. "Hoy gising umaga na"

Natatawa ko siyang tiningnan pero kinilig ako bigla nang makita ko si Arah at Kil na magkasandal na ang ulo at natutulog na. Ang sweet! Bagay na bagay sila. Napalingon ako nang may mag-flash na camera. Pinicturan nanaman sila ni Flair.

"Pang-black mail ko kay Kil hahaha" sabi ni Flair.

Natawa ako dahil ang paraan ng pagtawa niya ay halatang lango na sa alak pero naiisip pa rin niya ang mga kalokohan niya sa buhay.

"Baby.." tawag niya sa akin at inilapit ang noo sa noo ko.

"If I can live a thousand years I wouldn't mind to spend it with you"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.