Chapter 91

Elleina Zeal's POV

Pagpasok ko sa room ay wala akong ibang narinig kung hindi ang 'congrats' sa pagkapanalo ko. Naghintay kami ng 30 minutes pero wala pa din ang professor kaya lumabas nalang kami nila Ali.

"Where are we going?" sabi ni Ali.

"Canteen?" sabi ni Arah.

"I'm not yet hungry" nakangusong sabi ni Carme.

"What if mag-mall tayo?" kumikinang ang mata na sabi ni Ali.

"G!!!" sigaw no'ng dal'wa.

"Ano, Elle?" tanong ni Ali.

"Sige"

Naglakad kami papunta sa parking lot. Wala naman ang mga boys dahil may klase sila. Kami ay walang klase dahil may meeting daw ang education teachers baka hanggang mamaya wala.

"I'm so excited! 'Di na kasi ako makapag-mall sobrang dami nating ginagawa" masiglang sabi ni Carme at tumingin kay Arah. "Bilhan natin si Arah ng mga sexy na damit para mapansin na siya ni Kil"

"Nakakahiya!" sabi ni Arah at namumula pa.

"Kumusta ang singing lesson?" tanong ko kay Arah.

"Medyo may improvement gusto mo kanta ako ngayon?"

Umiling kami agad tatlo. Masakit kasi sa tainga ang boses niya 'di naman sa panglalait.

"No, girl. Next time nalang pagkatapos ng singing lesson mo" sabi ni Carme at saka humawak sa braso ko.

Ang ginamit naming kotse ay kotse ni Ali siya na rin ang nag-drive. Sumakay kami do'n at masayang nagkwentuhan habang nasa byahe. Tumingin lang ako sa bintana pero nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan.

"Girls" tawag ni Ali sa amin.

Nilingon ko ang unahan at nakita ko ang Dreadful Gang, nakamaskara sila kaya ko nalaman. Shit! Ano nanaman?

"O..M..G! Sino sila?" tanong ni Carme.

Sumilip si Ali at inilabas ang ulo.

"Guys, pwede bang tumabi kayo?" sabi niya sa mga lalaki pero lalo lang itong humarang at ngumisi.

"Ali isarado mo ang bintana!" sigaw ko.

"Anong nangyayari?" nanginginig na tanong ni Arah.

Nakita ko ang paghahabol agad ng hininga ni Carme.

"Bebs! Are you okay?" lumapit ako sa kaniya at nag-aalalang tiningnan siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pipindutin na sana para tawagan si Flair pero may humampas ng bintana at nabasag ito.

"Baba!" sigaw ng isang nakamaskara.

Dug.dug.dug.

'Di ako natatakot para sa sarili ko pero natatakot ako para sa mga kasama ko.

"Sabi't baba!" bumaba kami habang nakataas ang kamay.

Naghahanap ako ng posible kong gamitin upang makapanlaban.

"Ang gaganda pala nito!" sabi no'ng isa at akmang lalapit kay Ali pero sinuntok ko agad ang kamay nito at hinarang ang sarili sa kanilang tatlo.

"Don't you dare touch any of them!" sigaw ko.

"Tapang!" sabi ng isa at tumawa silang lahat.

"Kunin niyo na!" sigaw ng isa.

Sumunod ang mga lalaki pero 'di ako pumayag pinagsisipa ko ang mga lumalapit.

"Ang bilis ng isang ito" turo sa akin ng lalaking may katangkaran.

"Oo, mag-ingat kayo sa isang 'yan. Marunong lumaban" sabi ng lalaking may medyo katabaan.

"Elle!!!"

Napalingon ako kay Arah at nakita kong bitbit na siya ng isa sa miyembro nila.

"Arah!" sabay-sabay naming pagtawag.

Hawak ko ang kamay ni Carme at Ali ng sugudin ang may hawak kay Arah. Sinipa ko ito at natumba kaya muli kong nakuha si Arah.

"Tama na ang pagpapakabayani mo isa ka lang naman na lumalaban" sabi ng sa tingin ko ay leader nila. "Wag na kayo mag-aksaya ng oras. Mamaya malagot nanaman tayo kay Master"

Wala pala dito ang gagong 'yon! Sino ba siya? Anong kailangan nila?

Nahawakan ng isa si Carme kaya agad akong kumilos uppercut ang ginawa ko at flying kick. Nakita ko ang tatlong lalaki na papunta sa amin pero nangamba ako ng makitang may hawak silang baseball bat.

Sinugod ko sila umikot ako upang tirahin ang baba ng isa, siniko ko ang isa pa at tinuhod ang pangatlo.

Nahawakan ng isang lalaki si Ali at Carme pero nakita kong kinagat ni Carme ito kaya nakatakbo siya papunta sa akin. Nanlaki ang mata ko ng tutukan na si Ali ng kutsilyo. Shit!

"Lalaban ka pa ba?" nilaro-laro niya ang kutsilyo sa pisngi ni Ali.

Sumama ang tingin ko sa kaniya at nag-iisip ako ng ikikilos. Si Carme at Arah ay nasa likod ko nakatago.

"Bebs, baka anong gawin nila kay Ali" humihikbi ng sabi ni Carme.

"Mapapatay ka ng boyfriend niyan. Sinasabi ko saiyo" banta ko sa lalaki pero tumawa lang ito.

"Sino bang sinasabi mo 'yong lalaking may pamatay na flying kick?" tanong niya.

Sino 'yon? Tingin ko si Kean.

Umiling ako.

"Hindi. Siya ay ang malokong barumbado"

"May isa pa pala kayong kasama na mahusay din kung gano'n?"

Tiningnan ko lang siya ng masama. Nakita ko sa gilid ko ang lalaki na may hawak na baseball bat sa isang iglap ay naagaw ko na 'yon. Pinagpapalo ko ang bawat madaanan ko hanggang makarating ako sa lalaking may hawak kay Ali pero nagulat ako nang makitang hawak na ng iba si Arah at Carme. Tinutukan na rin nila ng patalim. Fuck!!! Fuck!! Fuck!!

"Wag na kasi manlaban" sabi ng lalaking kanina ko pa kausap.

Nakuyom ko nalang ang mga palad ko. Humanda kayo sa akin kapag may nangyaring masama sa kanila. Lilingon sana ako sa kaliwa ko pero may isang malakas na palo ang tumama sa ulo ko. Iniling-iling ko ang ulo ko pero nanlabo na ang aking paningin. Nahihilo na ako at ramdam ko ang pagtulo ng dugo galing sa ulo ko.

"Tangina ka bakit mo pinalo? Lagot ka kay Master"

"Tapang, eh"

"Elllllleeeeee!!!" pagtawag sa akin ng tatlo.

Rinig ko pa ang usapan nila pero 'di ko na kinaya at nagdilim na ang paligid. Bumagsak ako at wala ng nagawa. Gumapang ang kirot sa ulo ko na sa tingin ko ay sobrang tindi dahil iba ang pakiramdam niyon.

Mahahanap mo kami. Naniniwala ako saiyo dahil magkaparehas na ng ritmo ang puso natin.

Flair...

*black

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.