Chapter 92

Javen Flair's POV

"Nasaan sila?" tanong ni Rev.

"Baka naman nag-bonding lang? Wala kasi ang kotse ni Ali" sabi ni Clench.

Baby, Nasaan ka?

Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala namang tawag o text niya. Mukhang 'di ito maganda. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko.

"Saan naman sila pupunta?" tanong ni Kean.

"Magkakasama sila sigurado" nag-aalala ng sabi ni Lance. "Di maganda ang kutob ko" dadag pa niya.

"Wag ka mag-isip ng ganyan baka naman nag-mall lang?" - Clench.

"Hanapin natin 'di rin maganda ang kutob ko" sabi ko sa kanila at sumakay ng kotse.

Baby...

Dug.dug.dug.

Kapag umaalis siya nagpapaalam siya. Bakit ngayon wala man lang? Impossible!

Pinaandar ko ang kotse 'di ko alam saan sila hahanapin pero napatigil ako kaagad ng makita ang kotse ni Ali sa tabi ng kalsada.

Bumaba ako agad at tiningnan iyon. Oh fuck!!! Nandito ang mga gamit nila pero wala sila!

"Anong nagyari?" nakita ko ang takot sa mata ni Kean.

"Hindi ko alam" nasapo ko ang noo ko at nag-aalalang tumingin sa kotse.

"Fuck!" sinipa ni Rev ang gulong ng kotse. "May kumuha sa kanila!"

Nakita ko ang paghilamos ni Lance sa mukha niya at si Clench naman ay nakatulala.

"Anong gagawin natin ngayon?! Baka kung ano mangyari sa kanila!" nauubos ang pasensyang sabi ni Rev.

"Tangina!" napamura nalang ako sa isiping 'di ko alam saan sila hahanapin.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko ng makita ang dugo sa 'di kalayuan.

Zeal?

Lumapit ako doon at sumunod sila.

"Baby!!!" pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko at saka lumuhod doon "Putangina! Sino may gawa nito!?" inis akong nagpapadyak at nagtiim ang bagang.

Bigla ay may pumasok sa isip ko.

"Alam ko na kung saan sila pupuntahan nararamdaman ko"

Sumunod sila sa akin. Kasama ko si Kean sa kotse.

"Pre, sa tingin ko 'yong gang ang kumuha sa kanila" sabi ni Kean.

Madilim ang tingin ko sa kalsada. Kapag may nangyaring masama sa kanila. Sisiguraduhin ko ang libingan nila.

Hininto ko ang kotse sa isang abandonadong lugar. Napahinto ako nang biglang mag-ring ang cellphone napakunot ako nang makitang unknown number 'yon. Pinindot ko ang answer button.

"Bilisan mo. May bente minutos ka pa upang iligtas ang mga babae sayang gaganda pa naman dahil kung hindi Boom!"

Nanlaki ang mga mata ko at tumiim ang mga bagang ko. Magsasalita na sana ako pero pinatay na ang linya.

"Bilisan niyo! May bomba!" sigaw ko sa mga boys. Nakita ko ang pagiging alisto nila at pag-aalala.

"Clench maiwan ka dito" utos ko sa kaniya tumango nalang siya.

"Kailangan nating magmadali!" sigaw ko muli.

Mabilis naming tinahak ang daan papasok pero alisto kami dahil impossibleng walang bantay. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Doon maraming nakamaskara ang sumalubong sa amin.

"Kean! Hanapin mo sila! Bilisan mo!" utos ko kay Kean at saka mabilis itong tumakbo.

Nilingon ko si Lance ang mga mata ay nagliliyab na sa galit.

"Kapag inatake sa puso si Carme tatanggalan ko kayo ng puso!" sigaw niya at binalian ng buto ang mga lalaking nakakasalubong niya. Ang gamit niya lang ay dal'wang kamay pero kapag nahawakan ka nito ay bali ang mga buto mo. Bawat lumapit sa kaniya ay itinutumba niya at binabali ang kamay dahilan para pumalahaw ito sa sakit.

Gamit ang kamay ko pinagtatapon ko ang mga makasalubong ko at saka inaapakan kapag nakahiga na. Kawawa ito sa akin kung gagamitan ko ng deadly martial arts ayaw ko ng gamitin iyon dahil no'ng huli kong ginamit ay 'di naging maganda.

Si Rev ay madilim din ang mga mata habang nakikipaglaban. Magaling siyang kumuha ng balanse upang maibalibag ang mga kalaban. Iyon ang paraan niya ang iwasiwas ang kalaban hanggang namalayan mo nalang tumba na ito. Bawat isa sa kanila ay merong katangiang malakas.

Nilingon ko ang relo ko. Sampong minuto nalang! Mas lalo kong binilisan ang pakikipaglaban. Bawat humarang sa daan ko ay ubod lakas kong sinusuntok.

Sana nahanap na sila ni Kean!

Hanggang sa mapasok ko ang isang pinto pero may isa pang pinto na nakakandado. Nando'n si Kean sa harap noon at sinisipa ng pinto.

"Jave! Nasa loob sila! Hindi ko mabuksan!" nag-papanic na sabi ni Kean.

"Bilisan niyo huhuhu may bomba!" rinig kong sabi ni Carme sa loob.

"Tabi!" sabi ko kay Kean.

Ihinaya ko ang kamay ko, tumakbo at sinipa ang pinto. Nabungkal ito pero hindi pa nabuksan ng malaki kaya sinipa ko ulit at nabungkal na ng tuluyan.

Mabilis kaming pumasok ni Kean. Nakita namin ang bombang nakakabit sa kanila.

Pero gumuho ang mundo ko nang makitang nakaupo si Zeal sa isang gilid duguan ang mukha at nakasandal ang likod sa pader.

"Baby" 'di ko mailakas ang pagtawag ko sa kaniya.

"Bebs!" humihikbing sabi ni Carme at lumapit. "Hinampas siya ng baseball bat sa ulo huhu"

"PUTANGINA!!!" 'Di ko na napigilan ang sarili kong galit. Lumapit ako kay Zeal at nanginginig na hinawakan ang pisngi nito at niyakap ng mahigpit.

"Jave! Bilisan natin sasabog na ang bomba" hinihila ako ni Kean kahit ang takot at pangamba ay kitang-kita rin sa kaniya.

Binuhat ko si Zeal kahit nanghihina ang tuhod ko, kumikirot ang dibdib ko at tumutulo ang luha ko.

"Baby wake up" sabi ko.

"Bilis! Sasabog na ang bomba!!!!!" sigaw ni Kean.

Nagmadali kaming tinahak ang daan palabas.

"Kean! Bilis!" sigaw ko kay Kean binuksan niya ang pinto at isinakay namin sa kotse si Zeal. Ilang minuto ang lumipas pero walang sumabog parang pinaglaruan lang kami ng kung sinong may gawa no'n.

Hahanapin ko kayo at walang makakaligtas sa galit ko!

"Baby" tinatapik ko ng mahina ang pisngi niya pero hindi na siya nagre-response. Tiningnan ko ang palapulsuhan niya at nakahinga ako nang maluwag dahil may pulso pa siya.

"Wag mo kong iiwan" sobrang higpit ng yakap ko sa kaniya.

'Di ko na mailarawan ang sakit na nararamdaman ko. Muling naiparamdam sa akin ang sakit noong namatay sa harap ko si mommy. Naninikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit nito. Natatakot ako na mawala si Zeal sa akin. Natatakot ako na baka bukas ay 'di ko na siya makasama. Ang isiping iyon ay nagpapatindi ng sakit na kahit anong paliwanag mo kung gaano ito kasakit ay hindi mo maikukumpara sa mga pisikal na sugat.

Don't leave me please! Magpapakasal pa tayo at gagawa ng sarili nating pamilya.

Takot na takot ako, my cherish.

Yakap ko lang siya sa buong byahe. Nang makarating kami sa hospital ay sinigawan ko na ang mga nurse upang bilisan nila.

Hinawakan ko ang kamay ni Zeal.

"Hihintayin kitang magising. Nandito lang ako. Mahal na mahal kita! 'Wag mo kong iiwan" tuloy-tuloy kong sabi habang tahimik na lumuluha.

"Mahal na mahal kita" paulit-ulit kong bulong sa tainga niya.

Nang maipasok siya sa emergency room ay halos sampong tao ang pumigil sa akin para 'wag siyang sundan sa loob. Napapagod akong lumuhod at umiyak habang nakatingin lang sa pinto no'n.

"Jave pare" sinandal ako ni Kean sa balikat niya dahil sa sobrang panghihina ko at inupo niya ako sa upuan.

Naririnig ko ang iyak ng mga babae.

"She will fight. I know her" umiiyak na sabi ni Carme habang nakayakap kay Lance.

Nakita ko rin ang piraso ng luhang pumatak sa mata ni Lance. Si Clench ay halos 'di mo na makausap, tulala pero patuloy ang agos ng luha. Kung meron man sobrang nasasaktan rin ay sila 'yon dahil umpisa palang ay magkakasama na sila.

Lahat kami ay lugmok sa lungkot at sakit. Naghihintay kay Zeal.

Don't leave me, baby. I know you're strong!

Napahawak ako sa dibdib ko. Daig ko pa ang may sakit sa puso sa sobrang sakit nito.

Bigla ay may tumatakbong mga nurse at doctor papasok sa emergency room. Napatigil ako at napuno ng kaba.

"Anong nangyayari?!" sigaw ko pero lalo lang lumakas ang iyakan.

"Emergency!!! Faster!!" rinig kong sabi ng mga doctor at nurse. Nagkakagulo na silang lahat.

Baby..

Gusto kong magwala at pasukin ang kwartong 'yon dahil alam kong may 'di magandang nangyayari.

Lumaban ka, baby. Lumaban ka dahil mahal kita at naniniwala ako na ang pagmamahal ko ang magbibigay ng lakas upang malampasan mo ito. Hihintayin ko ang pagmulat mo upang mayakap at mahalikan kita ulit.

Naniniwala ako sa lakas mo. Mahal na mahal kita, Shine Clear Baider.

Maya maya ay lumabas ang doctor. Tumayo ako kaagad at lumapit sa kaniya.

"Sorry ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.