Shine Clear's POV
"You.. dead."
Napangisi ako sa sinabi ni Marie.
Ano bang akala niya sa akin kaya niya akong mapatay?
Who's z4, by the way?
Kahit kumikirot ang tiyan ko at ang balikat na nabaril ay mabilis kong tinabig ang baril niya na tumalsik sa kung saan.
Matalim ko siyang tinitigan at di na alintana ang sugat na nararamdaman. Gigil siya at nagtatangis ang bagang.
"Bakit mo ba ginagawa ito?" Taas-noo kong tanong sa kaniya. "Dahil lang hindi ka magawang mahalin ng asawa ko?"
Ang ngisi niya ay nauwi sa tawa. "Sobrang babaw no'n.." sabi niya sa pagitan ng pagtawa.
"Kung gano'n ano?" Maangas kong tanong sa kaniya at tumawa rin. "Don't tell me, you're really out of your mind?"
Madilim niya akong tiningnan. "Maybe.. ikaw ba naman ang i-massacre ang buong pamilya hindi ka mabaliw?"
Lumambot ang emosyon ko.
Massacre? Buong oamilya? Sinong gumawa noon?
Tumulo ang kapirasong luha niya. "Sa mismong harap ko pa." Nagngitngit siya sa galit. "Alam mo ba 'yon? Huh?" Kumuyom ang palad niya.
"Sinong gumawa noon?" Wala sa sariling tanong ko.
Sino nga ba?
Wala akong alam na kayang gumawa ng ganoon. Alam kong malupit ang pamilyang Baider pero hindi ko naman iniisip na magagawa 'yon ng kahit isa sa kanila maliban na lang kung may atraso ang pamilya niya na kailangang singilin.
"Ang tagal kong plinano ito. Kahit si Jave ang ginamit ko pero wala.. hindi ko maakit at ang nakakatawa ako pa ang nahulog," tumawa siya na para bang baliw na.
Hindi ko maintindihan ang sitwasyon niya pero ang sinasabi niyang pinatay ang buong pamilya niya parang nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
"Bukod sa guwapo si Jave ang dami niyang katangian na kinababaliwan ng mga babae." Malapad siyang ngumiti na para bang wala na sa sarili. "Kaso hindi ko nakuha at.." matalim niya akong tiningnan. "Ikaw lang ang mahal! Ako wala! Kahit gusto ay hindi niya nagustuhan!" Bigla siyang sumugod at pinaulanan ako ng suntok.
Napaatras ako nang matamaan ako sa dibdib, sa mismong sugat pa pero hindi ko pinakitang nasaktan ako.
"I live my life with fear and anger!" Tumulo nang tumulo ang luha niya. "May umampon sa akin pero.. p-pero--" Pinalis niya nang pinalis ang luha niya. "Itinuri akong hayop. I-i w-was r-raped," halos pabulong niyang sabi.
Sa puntong ito hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ako bato para hindi makaramdam ng awa sa kaniya pero hindi ko pa rin makuha ang puntong ano ang kinalaman namin sa mga paghihirap niya? Alam kong galit siya dahil hindi siya minahal pabalik ni Flair pero bukod doon ano pa ang kasalanan namin?
"You doesn't know that feeling! Nabuhay kang masaya! Samantalang ako naghirap araw-araw gabi-gabi! Bugbog sarado pa ako at hindi pinakain!" Kinagat niya ang labi at marahas na pinalis ang luha. "Happily," ngumisi siya at hinawi ang buhok. "I killed them."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at pinakatitigan siyang mabuti.
"Hear that? I killed them! Using this!" Pinakita niya sa akin ang kamay. "I became a monster!" Ang kamay niya ay bumagsak at kinamot nang mariin ang hita niya. Iyong tipong nasusugat na iyon at dumudugo pero kinakamot niya pa rin. "I b-became m-moster because of him!" May tinuro siya sa likod ko na nasa mataas na lugar.
Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita kong si lolo iyon. Nakabitin at may bomba sa tiyan.
No! No! Lolo!
"Lolo!" Nagtangis ang bagang ko.
"He massacred my family in my own eyes! In front of me senseless, heartless!" Galit na galit na siya makikita iyon sa paraan niya ng pagtingin.
"Pakawalan mo ang lolo ko!" Sigaw ko sa kaniya. "I swear, I will kill you!"
"Go on!" Sigaw niya pabalik. "But I get ahead.. you first!"
"Don't push me to limit! Get down my lolo!"
"Kaparehas ka lang niya! Walang awa!" Sinugod niya ako at sinipa agad.
Naglaban kami ng lakas. Sumuntok siya sa tiyan ko pero agad kong nasalag 'yon.
No one will touch my tummy!
Ubod lakas kong sinuntok ang mukha niya dahilan para matumba siya pero nakatayo agad. Sinipa niya ako na tinamaan naman ako sa baiwang pero siya ang nasaktan dahil sa bakal na nakaprotekta sa tiyan ko.
Tinagilid niya ang ulo at para bang sinisipat ako at may inaalam na kung ano.
"May bakal ka sa tiyan?" Ngumisi siya. "Maybe there is something that you protecting there.." lumapad ang pagkakangisi niya. "Should I say someone?"
Nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang galit. Kapag hindi ko napigil ang sarili ko nasisiguro kong mapapatay ko siya.
"You're... pregnant," nakangisi pa ring sabi niya.
Napako ako sa kinatatayuan ko at lalong pinagliyab ang galit ko. Sa mga ngisi niya siguradong ang balak niyang tamaan ay ang tiyan ko.
"Do I look afraid?" Ngumisi ako. "You can't do something to me because I won't let you."
Ngumisi siya at may pinindot. Ganoon na lang ang paglaki ng mata ko nang makitang umilaw ang bomba na nasa tiyan ni lolo.
No way!
Tumakbo ako para sagipin siya pero nahila ako ni Marie at nasabunutan. Umigkas agad ang kamay ko sa tiyan niya at nagtatakbo ulit pero sa dami ng nakaharang papunta sa kaniya hinahawi ko ang kakampi at sinusuntok ang kalaban.
Narating ko ang lugar kung nasaan si Kean.
"What are you doing here?!" Sigaw niya sa kabila ng pakikipagsuntukan.
"Si lolo may bomba!" Sagot ko habang sumisipa rin at patuloy sa pag-usad.
"Fuck!" Tumakbo agad si Kean papunta roon pero hindi rin siya agad makalakad dahil ang daming harang.
Nakahinga ako nang makita kong si Flair ay nandoon na at inakyat para marating si lolo. Mukhang nakita niyang may bombang nakakabit sa kniya.
Tumalsik ako nang may biglang sumuntok sa likuran ko. Bumagsak ako at tumama ang likod sa mga kahoy. Nasapo ko agad ang tiyan ko at pinakiramdaman kung ayos lang ba pero tumitindi ang pagkirot noon na kanina ko pa nararamdaman.
Nanlaki ang mata ko nang biglang akmang aapakan ni Marie ang tiyan ko kaya napaikot ako papunta sa kanan.
"Kahit ang anak mo lang at ikaw ang mapatay ko.. masaya na ako," nakangiting sabi niya at sinipa ako nang akmang tatayo. Nasapo ko nanaman ang tiyan ko dahil parang di ko na kinakaya ang sakit.
Naglabas siya ng baril at akmang papaputukin na nang lumapit si Flair at pilit na inagaw ang baril sa kaniya. Galit na galit siya, iyong tipong parang kahit hindi ikaw ang kinagagalit niya ay matatakot ka sa awra niya. Sapo ko ang tiyan dahil sumasakit na iyon.
"Gosh.. baby.. don't leave me. Please.." tumulo na ang luha ko. "Hold on, please.." hinaplos ko nang hinaplos ang tiyan ko.
Si Flair ay tinulak si Marie sa semento at muling inagaw ang baril. Nag-agawan silang dalawa kaya ang baril ay pumuputok na kung saan-saan tumatama. Pumutok ulit iyon at sa pagkakataong ito nakita ko kung saan tumama, kung kanino tumama at 'yon ay kay Anton.
"Anton!" Sigaw ko agad. Sapo niya ang tiyan na natamaan.
"Anton!" Akamang tatayo ako pero bumagsak lang ulit.
Ang sakit.. ang sakit ng tiyan ko..
Paulit-ulit kong daing sa isip ko.
"Don't.. l-leave me.. baby," tahimik akong lumuluha habang hinahaplos pa rin ang tiyan ko.
Ang galit na emosyon ni Flair ay lalong nag-apoy nang makita niya akong namimilipit na sa sakit. Sinuntok niya si Marie at hindi na tinigilan hanggang sa makabawi rin ito at sinipa siya. Natumba si Flair pero para bang wala man lang siyang naramdamang sakit. Tinutok ni Marie ang baril sa akin kaya sinunggaban siya ni Flair at tumilapon sila. Nagpagulong-gulong sila habang nag-aagawan pa rin ng baril hanggang sa tumilapon iyon sa kung saan.
Humawak si Marie ng kahoy at ipinalo iyon kay Flair pero katulad kanina parang wala lang iyon sa kaniya.
Ang lahat ay abala pa rin sa pakikipaglaban. Si Kean at Lance ang na kay lolo at ino-operate ang bomba para tumigil iyon.
"Ahh.." mahina kong daing dahil hindi ko na kinakaya ang pananakit.
Nakuha ni Flair ang baril at itinutok kay Marie. Wala siyang emosyon at anumang oras ay kinakikitaan kong papaputukin niya na iyon.
"Kung alam ko lang na magkakaganito ka sana noon pa kita pinatay," madiin na sabi ni Flair. "I can kill if my family is in danger especially my wife and daughter."
Tumawa si Marie pero may tumutulong luha.."Hindi ko alam na mamamatay ako sa kamay ng taong mahal ko."
"'Yan nanaman? Kung pagmamahal 'yan dapat matuto kang maging masaya para sa iba!"