Tumulo nang tumulo ang luha ni Marie pero tumatawa. "Kung hindi ako magiging masaya dapat siya rin!" Tinuro niya ako at ganoon na lang ang gulat ko nang may tumamang kutsilyo sa hita ko. Nanlamig ang buong katawan ko dahil kung hindi ako nakagalaw ay tatama iyon sa tiyan ko.
Tiim bagang ko siyang tiningnan pero hindi ko na magawang tumayo at manlaban pa.
Awtomatikong pinaputok ni Flair ang baril na tumama sa tiyan niya.
"I will kill you for hurting my wife!" Habang tumutulo ang dugo ni Marie ay sinakal siya ni Flair. "I will kill you!" Galit na galit siya iyong tipong kaya niyang gawin ang sinasabi niya.
Humuhupa na ang kaguluhan kaya nakita ko na si Rev na palapit sa amin. Nang makalapit ay inawat niya si Jave.
"Pre! Baka mapatay mo!"
"Wala akong pakialam!" Patuloy sa pagpupumiglas si Flair sa hawak ni Rev.
Tumawa naman nang tumawa si Marie. "Di ko alam na ako pa pala ang masama.. matapos niyang patayin ang pamilya ko ako pa rin ang masama!" Tumatawa siya habang lumuluha. "I'm Marie Belle Sebastian!" Sigaw niya na ikinatigil ko.
Sebastian? Sebastian?!
Ang pamilya ng taong pumatay sa magulang ko at sa kapatid ko!
Tumulo nang tumulo ang luha ko at kuyom na kuyom ang palad. Pinilit kong tumayo. Si Flair ay patuloy sa pagwawala na inawat na ni Kean at Rev.
Lumapit ako kay Marie. Tinitigan niya ako habang nakangiti. "Sebastian! Ako 'yong batang iniwan ng lolo mong umiiyak! Kahit anong pagmamakaawa ko na 'wag patayin ang pamilya ko pinatay niya! Pinatay niya! Sa mismong harap ko! Pinatay niya!" Paulit-ulit niyang sinasabi iyon habang humahagulgol at tumatawa. Hindi niya man lang sapo ang tiyan na dumudugo. "Pinatay niya! Pinatay niya!"
"Kasi pinatay ng tatay mo ang magulang at kapatid ko!" Sigaw ko. "Kinuha lang ng pamilya ko ang kinuha rin sa amin!"
"No! Hindi 'yon magagawa ni daddy! Mabuti siya--"
"Akala mo lang 'yon! Pinatay niya ang pamilya ko! Siya ang unang nang-massacre sa mismong harap ko rin! Sa mismong pagmumukha ko!" Tumulo nang tumulo ang luha ko. "Wala akong nagawa! Akala mo masaya ang naging buhay ko? Oo masaya pero kapag bumabalik sa ala-ala ko ang ginawa ng tatay mo walang kasing sakit 'yon!"
"Sinungaling ka!" Sigaw niya at akmang tatayo pero bumagsak lang din.."hindi mamamatay tao ang daddy ko!"
"Ginawa niya nga!"
Tumawa nanaman siya at humagulgol. "No... no."
Nakatingin lang ako sa kaniya habang humahagulgol siya ng iyak.
"Pinatay ng tatay mo ang pamilya ng anak ko."
Narinig ko ang boses ni lolo sa likod ko na inaalalayan ni Diamond. Lumapit si Diamond at malakas na sinapak si Marie.
"Matauhan ka! Baliw ka na!" Ubod lakas niya ulit itong sinapak pero wala man lang itong daing bagkos ay tumatawa pa.
"Pinatay niya! Pinatay niya ang pamilya ko! Pinatay niya!" Paulit-ulit na sigaw ni Marie habang nagpapagulong-gulong at tumatawa.
Natigil na si Flair sa pagwawala at lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Si Shivelle ay karga ni Kil. Nakita ko ring palapit na sila Tito Laurex. Si Anton ay inaalalayn ni Leroi at Cristoph.
"Are you okay?" Hinaplos ni Flair ang pisngi ko. Punong-puno iyon ng iba't ibang emosyon pero ang nangingibabaw ay ang pag-aalala. "Ang baby natin? Okay lang ba siya? Sobrang sakit ba ng mga sugat mo? Anong narara--"
"Ahh!" Sapo ko ang tiyan at matutumba na nang hapitin ni Flair ang baiwang ko. "A-ang s-sakit.." halos pabulong kong sabi.
Nabalot sila ng pag-aalala. Ang mga mukha nila ay hindi na maipinta dahil sa takot na nakikita ko.
"H-hindi.. no, Flair," humagulgol ako ng iyak nang may dumausdos na dugo sa hita ko. Hinawakan ko iyon at nanginig ang kamay ko nang mabalot ng dugo iyon. "Ang baby natin.. no, F-flair.."
Mabilis akong binuhat ni Flair at akmang itatakbo nang may di inaasahang pangyayari.
"Jave!"
Sigaw nilang lahat. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Tumakbo si Rev para sanggain ang unang balang dapat ay kay Flair kaya lumagpak siya sa semento na duguan dahil tinamaan sa likod.
Sunod-sunod ulit na pumutok ang baril papunta sa direksyon namin pero walang nakarating sa amin dahil lahat 'yon ay sinangga ni Kean.
"Kean!"
"Rev!"
Malakas na sigawan. Muling nagkagulo at hinanap kung sino ang salarin. Nakita naming si Dire iyon. Namimilipit ako sa sakit habang karga ni Flair. Akmang papaputukin nanaman niya pero natigil iyon sa tama ng kutsilyo na mismong tumarak sa ulo niya.
Nagulat ang lahat at hindi na makapag-react. Ang lalaking may gawa noon ay nakasandal lang sa semento, matalim ang tingin at walang emosyon ang mukha.
No other than Taxon Ken Baider.
Akala ko ay tapos na si Taxon pero malalaking hakbang na lumapit siya kay Dire at napapikit ako nang mata nang saksakin niya pa ulit ito sa dibdib.
"That's for hurting our friends, Shine Clear, my family and kissing Diamond's cheek." Mahinahon niyang sabi pero ang angas ay nandoon pa rin.
Tinakbo ako ni Flair, alalang-alala hindi lang sa akin maging kay Rev at kay Kean. Tulo nang tulo ang luha niya na tumatama sa pisngi ko.
"Fight, cherish. Fight! Please? Hindi ko kayang mawala kayo ni baby.. please!"
Rinig ko ang iyak ni Shivelle. "Mommy.. mommy.." karga siya ngayon ni Kil at inaalo.
"S-sila R-rev.." hinang-hina kong sabi.
"Shh.. masamang damo 'yon di ako iiwan noon," pilit niyang pinatatag ang sarili.
"Just don't leave me, cherish.. please.. please.."
Humigpit ang hawak ko sa braso niya nang unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Tulo nang tulo ang luha ko.
Baby... hold on, baby.. don't leave, mommy.
"Cherish.. 'wag kang pipikit.. please? Please.."
"Shine!"
Rinig ko ang nagkakagulong mga Baider pero wala na roon ang atensyon ko.
Mawawala ba ang baby ko?