Chapter 105

Javen Flair's POV

"Cherish.. wake up.. please?"

Takot na takot ako sa puntong ito. Natatakot akong mawala ang asawa ko. Nanginginig ang kamay ko habang karga siya at tumatakbo papasok ng hospital. Hindi ko kayang tingnan ang dugong lumalabas sa mga sugat niya lalo na ang dumadaloy sa hita niya.

Our baby...

"Bilisan ninyo!" Sigaw ko sa mga nurse. Inihiga siya sa stretcher. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Pikit na ang mga mata niya.

"Baby.. 'wag mo akong iiwan... hindi ko kaya kung mawawala ka.. please.. please naman, oh. Lumaban ka.. lumaban ka.." tulo nang tulo ang luha ko habang itinatakbo siya papunta ng ER..

"Mahal na mahal kita..mahal na mahal kita.. 'wag mo akong iiwan.." paulit-ulit kong bulong sa kaniya.

Mas lalo pa akong pinanghina nang makita ko si Anton, Rev at Kean na nasa stretcher din tinatakbo ng mga Biader. Hinang-hina ang buong katawan ko na kahit sugatan ay hindi ko na maramdaman. Natatakot ako ngayon, natatakot akong mawala ang anak ko, ang asawa ko at ang dalawa kong best friend.

Parehas silang nakapikit ngayon at sa tingin ko ay naghahabol na ng hininga. Si Rev ay isa lang ang tama pero mukhang tumama iyon sa lungs niya. Si Kean ang maraming tama.

Ganito ba nila ako kamahal para itaya ang buhay nila?

Kung hindi nila sinalo iyon tumama dapat 'yon sa amin ni Zeal. Magalit man ako ngayon wala nang magagawa iyon nangyari na ito. Patay na si Dire at si Marie ay hindi ko alam kung nasaan na dahil hindi ko na napagtuunan ng atensyon.

Napaluhod ako nang ipasok si Zeal, Anton, Kean at Rev sa ER.

"Daddy.." lumapit si Shivelle at iniyakap ang munting kamay sa batok ko. Matunog ang naging iyakan.

"Mommy and baby will be okay," paulit-ulit na bulong ni Shivelle sa tainga ko.

Noong ma-hospital si Zeal at hindi magising halos ikamatay ko iyon pero ngayong nasa panganib nanaman siya at hindi lang siya ang baby namin at ang dalawa kong best friend parang mamamatay na talaga ako sa sakit ngayon pa lang.

Si Taxon ay walang emosyong nakasandal sa pader at malalim ang isip. Si Kil ay nakaupo, sapo ang noo at nakapikit ang mata. Si Lance ay nakasilip sa ER, tahimik na lumuluha. Si lolo ay tumutulo rin ang luha habang nakasakay sa wheelchair at ginagamot. Si Tita Laureyna ay nagpapabalik-balik sa paglalakad at ang iba pang Baider ay nakasalampak sa semento, walang emosyon pero makikitaan ng pag-aalalang nakatago sa blankong emosyon na iyon.

Mahigpit akong nakayakap kay Shivelle habang umiiyak.

Hindi ko ito kaya, hindi ko kaya..

Nagkaroon ng ingay dahil sa tumatakbong mga yabag. Si Carme, Clench, Rozel, Yannie at Ali tumatakbo palapit sa amin.

"Nasaan ang asawa ko?! Where is Kean?!" Malakas na sigaw ni Yannie at pilit na pumapasok sa ER. "No! Anong nangyari?! Anong nangyari?! Kean! Honey!" Humagulgol siya ng iyak.

"Rev! No way! Rev!" Sigaw rin ni Ali at nagwala na gusto ring pumasok sa ER.

Ano bang pumasok sa utak ng dalawang siraulong iyon at sinalo ang bala?

Hindi ba nila naisip na may pamilya rin sila?

"Rev! Rev! Sweetie! No! Rev!" Humagulgol ng iyak si Ali. Lumapit na si Kil, Leroi at Semon para pigilan sila ni Yannie.

Kinuha ko si Yannie at niyakap siya. Mahigpit niya akong niyakap din. Naalala ko ang sabi ni Kean noong gabi na buntis daw si Yannie at hindi makakabuti sa kaniya ang ganito.

"Anong nangyari, Jave? Bakit nandito siya? Bakit?" Matunog siyang umiiyak ako naman ay lumuluha rin.

Paano ko sasabihin sa kaniya na sinalo ng siraulong 'yon ang bala na para sa amin?

Sumisikip na ang dibdib ko. Nanatili akong tahimik kahit ang daming tanong ni Yannie habang umiiyak. Nanlaki ang mata ko nang mawalan siya ng malay.

"Yannie? Yannie?!" Tinapik ko ang pisngi niya at nabilis na binuhat.

Tiningnan siya agad ng ibang doctor dahil si Kuya Zen ay nasa loob ng ER ginagamot ang kapatid. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Samu't saring emosyon at matinding sakit na nagpapasikip ng dibdib ko. Sinilip ko si Yannie na ngayon ay nakahiga na at nakapikit pa rin ang mata.

Sana okay lang siya.

"I'm sorry.. kasalanan ko."

Napasulyap ako kay Kuya Zeke na nakasilip din sa ER, kuyom niya ang palad at bumubulong.

"Kaya mo 'yan.. kaya ninyo 'yan," paulit-ulit niyang sinasabi habang lumuluha.

Si Kuya Zaimon ay nasa isang tabi rin at tahimik na lumuluha habang nakatakip ang kamay sa mata.

Lahat kami ngayon ay nasasaktan at nag-aalala. Hindi ko magawang sumilip sa ER dahil ang makita ang mga taong mahalaga sa akin na nandoon pakiramdam ko mawawalan din ako ng malay.

"Lumaban kayo.." halos paos kong bulong.

"Emergency! Emergency!" May lumabas na nurse at nagtawag siya.

"Si Kean!" Sigaw ni Clench dahil nasa loob din siya at tumutulong sa paggamot sa kaniya.

"Kean.." napatayo ako nang makita ko ang mga nurse at doctor na pumasok sa kwarto kung nasaan si Kean.

"Kean! Pre?! Pre!" Akmang papasok din ako sa loob nang pigilan ako nila Taxon. "Pre!" Hindi na ako makahinga dahil sa takot na lumulukob sa akin.

"Pre! Siraulo! lumaban ka!" Sigaw ko na nakatingin sa pintuan ngER. "Lumaban ka! Gago ka! Lumaban ka! Pre.. 'wag mo akong iwan.. Damn you!" Sigaw ko sa ER na para bang naririnig iyon ni Kean.."Pre.." mahina kong bulong parang nauubusan na ako ng tubig sa katawan dahil wala na akong mailuha.

"Pre!"

Nagkakagulo sa loob na para bang nire-revive nila si Kean.

"Pre.." nasapo ko ang dibdib at nanlulumong umupo. "Bakit ba nangyari ito? Nakakapagod na.. pagod na ako." Tinakip ko na ang kamay sa mukha at hinayaang muling umiyak.

May tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko ay si daddy iyon.

"Dad?"

Mahigpit niya akong niyakap. "Lalaban ang asawa't mga best friend mo 'wag kang mawalan ng pag-asa panghawakan mo iyon dahil iyon ang magpapalakas saiyo. Mahal ka nila kaya hindi ka nila iiwan."

Hindi ako umimik tahimik akong lumuluha pa rin.

Mabilis akong lumapit kay Clench nang lumabas siya sa kwarto kung nasaan si Kean.

"Kumusta na siya? Okay lang ba siya?"

Tumango siya at nag-angat ng tingin. Malungkot niya akong tiningnan. "Under observation. Ang daming tama ni Kean, limang tama ng baril na kung saan-saan tumama muntik na nga siyang mawala kanina buti na lang na-revive ulit."

Nanghihina akong inihilamos ang kamay sa mukha. "Magiging okay lang naman siya diba?"

"Sana.." tinapik niya ang balikat ko.

Sunod na lumabas ay si Kuya Zen galing sa room ni Zeal.

"Kuya? Kumusta ang asawa ko? ang baby namin? Maayos na ba ang lagay nila?"

Tinapik niya ang balikat ko. "Muntik na, Jave." Tumulo ang luha niya.."Nag-agaw buhay na rin siya kanina katulad ni Kean pero buti na lang ligtas na siya ngayon.. ang baby.." tumulo ang luha niya.

"Kuya, sabihin mong okay lang ang anak namin.. kuya?"

"Critical."

"No.." napailing-iling ako.

"Critical silang dalawa ngayon. Sana maging maayos siya."

"Kuya, gawin mo lahat. Diba gagawin mo naman lahat? Ililigtas mo ang mag-ina ko diba?"

Tumango siya. "Gagawin ko lahat para sa kapatid ko at sa pamangkin ko."

Nanlulumo akong umupo.

'Critical'

Nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.

Tumulo nanaman ang luha ko na para bang wala nang balak tumigil.

Sana maging maayos din kayo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.