Nang maglabasan ang mga nurse at doctor ay ipinasok si Zeal sa ICU. Nandito nanaman siya ayaw ko nang makita siya sa lugar na ito. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama.
"Baby.." tulo nang tulo ang luha ko. "Di mo ako iiwan diba?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.
Parang naulit lang ang noon na napunta siya rito pero mas malala ito dahil pati ang anak namin ay namimilegro.
"Baby.. cherish.. dito ka lang sa tabi ko." Hinaplos ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Asawa ko.."
Pinapasok nila si Shivelle, ganoon na lang ang paghagulgol ng bata. Pinaupo ko siya sa hita ko.
"Mommy.. mommy ko.." pinunasan ko nang pinunasan ang mukha niya.
"Mommy will be okay. Diba sabi mo?"
Tumango siya at pilit pinatahan ang sarili. "Mommy won't leave us. She loves us." Humalik ako sa noo ni Shivelle.
Hindi ako natulog nakatingin lang ako sa mukha niya. Pinagmamasdan ang bawat parte noon habang tumutulo ang luha na para bang wala nang katapusan.
Lumabas ako para puntahan si Rev. Nasa pinto pa lang ako ay pinanghina na ako at napahawak na sa gilid ng semento. Lumapit ako sa kaniya. Halos hindi na ako makahinga sa sakit ng dibdib ko. Nakatagilid siya at ang likod niya ay may bandage. Kakatanggal lang ng bala. Wala pa rin siyang malay.
"Pre.." tinitigan ko ang mukha niya. "Kabaklaan mo talaga. Mas mahal mo pa ako kaysa sa buhay mo! Siraulo ka!" Tulo nang tulo ang luha ko. "Gumising ka na at nang mabatukan kita." Pinahid ko ang luha pero halos hindi lang din iyon nawala. "Gumising ka na. Hinihintay ka na ng asawa't anak mo."
"H-hinihintay m-mo r-rin ba ako?" Nanlaki ang mata ko nang magsalita siya at ngumisi. "M-makaiyak k-ka p-parang p-patay na ako."
Napangiti ako. "Ang masamang damo nga naman matagal talagang mamatay."
"K-kapag p-pogi m-matagal m-mamatay."
Tumawa ako kahit lumuluha ang mata.."Nandiyan ka na nga nagbibiro ka pa rin."
"P-pres a-are p-pres.." halos paos niyang sabi. Tumulo ang kapirasong luha niya. "H-hindi k-ka n-namin i-iiwan."
Pinalis ko ang luha ko pero mayroon pa ring pumapatak. "Salamat, pre. Kahit mag-isa ako noon pa may mga kaibigan naman akong laging nandito para sa akin. Mga baliw na kaibigang sasalo ng bala para sa akin. Grabe kabadingan mo."
Tumawa siya pero nauwi lang sa ubo. "E-ewan k-ko ba hindi ako nagdalawang isip na saluhin 'yon dahil.." umubo siya. "Alam kong kaya mo rin gawin 'yon para sa amin."
Napatakip ako ng kamay sa mukha. "Pagaling ka, ah. 'Wag mo akong iiwang siraulo ka."
Mahina siyang natawa. "Bakit naman kita iiwan? Edi wala na akong naasar."
"Sweetie!"
Napalingon kami nang bumukas iyon. Pumasok si Ali habang karga si Renvert at humagulgol na ng iyak.
"Shh. Makaiyak ka parang patay na ako.. okay lang ako."
"Pre, punta lang ako kay Kean. Pagaling ka," tipid akong ngumiti bago lumabas.
Nang marating ko ang pinto ni Kean ay hindi na ako makapasok dahil sa sobrang pag-iyak. Nakahawak lang ang kamay ko sa door knob.
"True friends."
Nilingon ko ang nagsalita sa tabi ko. Si Taxon iyon, walang emosyon ang mukhang nakatingin sa akin.
"Swerte mo dahil may mga totoo kang kaibigan. Ako? Wala akong kaibigan.. kung hindi kayo dumating wala talaga kahit isa.. pero nagkaroon nang dumating si Vinea Clee.. naging best friend ko pa nga." Tinapik niya ang balikat ko. "Nakakainggit ka dahil mayroon kang sila. Tiwala lang.. lalaban sila."
Tumango ako at pinatatag ang sarili. Pinihit ko ang door knob at dahan-dahang lumapit kay Kean. Wala pa rin siyang malay. Pinigil ko ang pagpatak ng luha ko. Gaya ng sabi ni Taxon tiwala lang lalaban sila.
Pinakatitigan ko ang mukha niya. "Grabe naman, pre. Talagang sinangga mo nanaman ang bala?"
Dati kasi noong mapaaway kaming tatlo sinalo rin ni Kean ang bala na dapat ay para sa akin. Ito ang pangalawang beses na ginawa niya ito. Nagpapatunay na kahit ilang beses dumating ang sitwasyong iyon gagawin at gagawin niya pa rin.
"Sorry.. sorry kung nagkagusto tayo sa isang babae at hindi ko nagawang ipaubaya siya saiyo pero heto ka pa rin.. niligtas kami." Tumulo ang luha ko pero pinalis ko at pinigilan ang muling pagpatak. "Pagod na akong umiyak, pre. Kanina pa mugto ang mata ko at nauubusan na ako ng tubig. Alam kong lalaban ka. Hindi mo naman siguro balak iwan ang asawa mong buntis diba? Sige ka, hindi mo makikita ang anak mo."
Napahawak na ako sa dibdib ko dahil habang pinipigil ang emosyon tumitindi lang ang paninikip nito.
"Pre, gumising ka na."
Nanatili ako sa kwarto ni Kean. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa pumasok na sina Carme at Lance. Sila ang nagbantay kay Kean. Si Yannie ay nasa tabi ng kama niya nakahiga rin dahil wala pa ring malay.
Lumabas ako at pumasok sa kwarto ng asawa ko. Nandito pa rin si Shivelle sa loob. Ang mga Baider ay nasa labas dahil bawal ang maraming tao rito.
Mapungay na ang mata ni Shivelle Flear pero pinipilit na dumilat habang nakatingin sa ina.
"Halika na.. baby. Sleep ka na."
"No, dad. I'll wait for mommy to wake up."
"Yes, but you need to rest." Kinarga ko siya at sinandal ang ulo sa balikat habang nagsi-sway para makatulog na siya. Nang makatulog ay hiniga ko sa sofa. Pinagmasdan ko ang mukha niya at hinaplos iyon pagkuwan ay hinalikan sa noo.
"Don't worry, baby. Mommy will wake up. I know that.." sinulyapan ko si Zeal. "Because she will never leave us."
Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang tiyan niya. "Baby.. are you okay? I'm excited to see you.." humalik ako sa tiyan niya at pagkatapos ay humalik sa noo niya. "Magpagaling ka, okay?"
Si lolo ay nasa kabilang kwarto rin. Inaatake siya ng sakit niya dahil sa sobrang pag-aalala, may tama rin siya ng baril. Sa isa pang kwarto ay si Anton na maayos naman na ang lagay nito.
Pumasok si Tito Laurex at hinaplos ang pisngi ni Zeal. "Don't worry too much, Jave. She's Baider, there's no thing that she can't pass." Tinapik niya ang balikat ko. "Ikaw ang lakas niya kaya hangga't nasa tabi ka niya malakas siya."
Tumango ako at pinakatitigan lang ang mukha ng asawa ko. Bumukas ulit ang pinto at niluwa noon si Kil.
"Kean is awake."