Chapter 107

Javen Flair's POV

Nagmadali akong puntahan ang kwarto ni Kean at ang loko tumatawa pa.

"Iniiyakan ninyo ako? Bakit lamay ko na ba?" Mahina siyang tumawa dahil hinang-hina pa rin.

Malapad akong ngumiti. "Kahit si kamatayan talaga ayaw saiyo," biro ko.

Tumawa siya pero nahirapan lang din kaya mahina siyang tinampal ni Yannie. "Bakit ka ba tumatawa? 'Ayan tuloy!"

"Sungit mo naman, honey." Naglalambing niyang hinawakan ang kamay ng asawa. Bumaling siya ulit sa akin. "Utang mo 'to sa akin."

Natawa ako. "Magkano ba ang bayad?"

"Halik lang dito," tinuro niya ang noo. "Okay na ako."

Napangiwi ako. "Ano ka si Rev? Nahahawa ka na sa kaniya."

Nanlaki ang mata niya.."kumusta na pala 'yon? At si Elle?"

"Gising na si gago pero ang asawa ko hindi pa rin."

Nanahimik si Kean bago muling nagsalita. "Malakas naman 'yon maniwala ka sa kaniya."

Lumipas ang mga linggo pero hindi pa rin nagigising si Zeal. Sila Kean at Rev ay medyo umaayos na ang lagay. Ang lakas talaga ng Kean na 'yon siya itong maraming tama nagising agad. Palibhasa kasi laging nakakakuha ng sugat sa riot kaya nasanay na rin sa sakit.

Sinusubuan ko si Shivelle, malamya siyang kumain at sa bawat subo ay sumusulyap sa ina.

"Ang tagal ni mommy mag-sleep."

Napabuntong hininga ako. "Sabi ni Tito Zen okay lang naman daw siya baka kailangan lang ng pahinga."

Tumango si Shivelle na animong naiintindihan niya talaga. Matalino talaga ang anak kong ito.

"Kumain ka pa para paggising ni mommy matuwa siya kasi malusog ka na."

"Does mommy really happy when I'll be chubby?"

"Not chubby, healthy."

"Okay! I'll eat, then!" Malalaki ang subo niya at nanghingi pa ulit.

Si Clench ay naglapag nanaman ng chocolate cake sa sidetable pero kinakain niya lang din dahil hindi pa raw gising si Zeal at masisira lang.

"Tagal mo gumising.." hinawakan niya ang kamay ni Zeal. "Nag-aalala ako sobra."

Pumasok na rin sila Carme at Lance. Inilipat na kasi siya ng kwarto sa private room hindi katulad noong una na nasa ICU. Hindi naman na kami gaanong nag-aalala dahil kagaya nga ng sabi ni Kuya Zen kailangan niya ng pahinga kaya siguro di pa nagigising.

"Bebs, tumataba ka na kakatulog mo," nakangusong sabi ni Carme. "Mas sexy na ako saiyo."

"A-am I-i?"

Nanlaki ang mata namin nang magsalita siya. Takbuhan agad kami palapit sa kaniya.

"Baby cherish, are you okay? May masakit ba? Nagugutom ka ba?"

Ngumiti lang siya pagkuwan ay natigilan at hinaplos ang tiyan. "S-si b-baby? Diba okay lang siya? Diba?"

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. "Okay lang siya." Hinalikan ko ang kamay niya.."Ang lakas din talaga ng anak natin."

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ka nanaman natulog."

"Hinihintay kitang magising."

Nagpapakarga si Shivelle kaya kinuha ko at iniupo sa gilid ng ina. Hinalik-halikan niya si Zeal at marahang niyakap para hindi masaktan.

"Mommy, are you fine now?"

Tumango ang ina at yumakap sa kaniya. "Yes, my angel."

Ang makita sila sa ganitong sitwasyon ay tinunaw ang puso ko kaya namalisbis ang luha sa pisngi ko.

Finally, she's safe.

"Party people!"

Napalingon kami sa may pinto at 'ayon ang siraulong Rev naka-wheelchair at abot langit ang pagkakangiti.

"Di ka pa lubos na magaling nangungulit ka na agad!" Piningot siya ni Ali.

"Ang sakit Ali my life, ah."

Pinagtaasan siya ng kilay ni Ali. "Papalag ka ba?"

"Hindi syempre," niyakap niya ang kamay ng asawa.

Nakangiti akong yumakap kay Zeal, marahan lang iyon dahil baka masaktan siya.

"I love you," bulong ko sa tainga niya at saka pinaliguan siya ng halik.

"Ayiee!" 'Ayon nanaman ang impit na kilig ni Carme.

"Elle, kainin mo na ito. Siguradong kailangan mo ng lakas," nakangiting itinaas ni Clench ang chocolate cake.

"Woah! Sarap!"

Nilagyan siya ni Clench sa plato at kumain na siya. Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas wala na ring gulo.

Si Dire ay nilibing na. Si Marie ay nasa mental hospital tuluyan ng nabaliw. Sa totoo lang naawa rin naman kami sa kaniya dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Hindi biro ang lahat ng nangyari sa kaniya kaya siguro nagawa niya rin ang ganoon kalalang bagay para maghigante.

"Shine, apo ko," niyakap siya ni Mr. Baider at hinaplos ang buhok.

Niyakap siya ng bawat isa maging ang mga Suarez. Masaya na ang lahat ngayon kahit dito pa rin kami namamalagi dahil sa pagpapagaling nila.

"Mabuhay ang lahat dahil buhay kami!" Malokong sabi ni Kean, naka-wheelchair din ang loko at nangungulit pa kahit na ngumingiwi dahil sa mga sugat niya.

"Hoy! Magpahinga ka nga roon! Akala mo kapag nabinat ka! Ang dami mong tama aba't naglayas ka na agad!" Inis na sabi ko sa kaniya at hinawakan ang wheelchair niya palabas na sana nang ituon niya ang paa sa semento at kumapit doon nang mahigpit.

"Ayaw ko! Ayaw kong humiga roon! Nakakalungkot! Dito lang ako!"

"Siraulo ka talaga!"

Wala na akong nakagawa kung hindi hayaan siya sa loob. Ang ingay nilang lahat dahil panay ang kwentuhan at tawanan.

Sinusubuan ko si Zeal ng chocolate cake habang nakangiti.

Hinaplos niya ang tiyan. "Nagugutom pa rin ako gusto ko ng spaghetti."

"Sige magpapabili ako."

"Ako na bibili," presenta ni Lance at mabilis na lumabas.

"Impakto.."

"Hmm?"

"Matulog ka na. Halika rito sa tabi ko." Tinapik niya ang gilid.

"Okay lang ako baka matamaan ko lang ang sugat mo."

"Halika na. Ang laki ng eyebags mo at mugto ang mata. Mamaya ikaw naman ang maratay rito hindi na tayo nakauwi."

Dahan-dahan akong humiga. Kinuha niya ang kamay ko at iniyakap sa tiyan niya. Sumampa rin ang makulit na batang si Shivelle at humiga sa tabi ko. Hinaplos ko ang tiyan ni Zeal at bumaba para halikan iyon.

"Excited ka ba?" Nakangiting tanong niya.

"I'm always excited."

"Anong pangalan ng baby natin?"

"Hindi na ba ako baby kapag lumabas na si baby?" Nakangusong sabi ni Shivelle.

"Syempre baby ka pa rin!" Mahigpit ko siyang niyakap. "Magiging dalawa na ng baby namin ni mommy."

"Sana lalaki naman, Cherish."

Niyakap niya ang kamay sa baiwang ko.."Mag-isip ka na kung ano ang pangalan niya."

"Shiven Tlair.." nakangiti kong sabi. "Babae man siya o lalaki 'yon ang pangalan niya."

"Gondo!" Malokong sabi ni Kean. Nandito pa pala ang siraulo at hinahalungkat ang drawer sa sidetable parang naghahanap ng makakakain. "Ganda ng pangalan. Dapat pala mag-isip na rin ako."

"Mag-iisip ka pa! Totoy na lang ipangalan mo tapos nene kapag babae!" Singit ni Rev na ngayon ay hawak ang gulong ng wheelchair niya at parang siraulong nagpapabalik-balik, naglalaro.

"Pangit naman no'n."

"Mas pangit ka 'wag kang papatalo," malokong sabi ni Rev.

Nagbungguan silang dalawa ng wheelchair kahit umaaray-aray na dahil fresh pa ang mga sugat ay sige pa rin. Nakangiti akong napailing-iling, mga loko talaga.

"Aray! Natamaan mo 'yong sugat ko!" Sigaw ni Rev.

"Ikaw rin naman! Tingnan mo, oh! Dumudugo!"

"Kasalanan mo!"

"Ikaw 'yon! Nasiko mo ako!"

Nag-away pa sila hanggang dumating si Yannie at Ali. Parehas silang napingot dahil sa kakulitan nila.

"Iilang linggo pa lang nangungulit ka na agad!" Inis na sabi ni Ali.

"Ikaw rin!" Masamang tiningnan ni Yannie si Kean.

Sa kalagitnaan ko ng panonood sa kanila ay nakaramdam na ako ng antok. Pinikit ko ang mata, ramdam ko ang paghaplos ni Zeal sa buhok ko hanggang sa makatulog na ako.

Nang magising ako ay maayos na ang pakiramdam ko dahil parang nabawi na ang tulog ko.

"Jave, coffee," naglapag si Taxon ng kape sa sidetable. "Good morning."

"Morning? Ang haba pala ng tulog ko?"

Sinulyapan ko si Zeal na natutulog sa tabi ko.

"Yup."

"Where is Shivelle?"

"Na kay Diamond at Kil."

"Okay. Ang mga Baider?"

"Nasa mansyon nagpapahinga."

"Sila Kean?"

"Nasa mga kuwarto nila."

Ang tipid talaga ni Taxon, bihira lang magsalita. Kung ano ang tanong 'yon lang din ang sagot.

Humalik ako sa noo ni Zeal bago umalis sa kama.

"Good morning, baby," napalingon ako nang magsalita siya.

"Cherish.." malapad akong ngumiti. "Good morning."

"Lalabas muna ako. Call me if you need me," sabi ni Taxon at humalik sa noo ni Zeal bago umalis.

"Hug?" Ibinuka niya ang mga braso. Nakangiti naman akong yumakap at dinampi-dampian ng halik ang pisngi niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako," kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa tiyan niya. "Kapag nandito ang kamay mo parang ang saya ko."

Matunog akong ngumiti. "My baby knows his father."

"Oo nga."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Anong gusto mong kainin?"

"Pandesal."

"'Yon lang?" Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Oo, 'yon lang ang gusto kong kainin pinakain na ako ni Taxon kanina pero gusto ko pa noon."

"Okay."

Masigla ko siyang pinakain at pinagtimpla na rin ng gatas.

"Apo!"

Napalingon kami sa pinto nang pumasok si lolo kasama si Kil at Diamond. Si Shivelle ay karga ni Kil kaya kinuha ko nang makalapit.

"Kumain ka na ba ng breakfast?"

"No, dad. Ayaw ko..ang taba ko na."

"Shivelle Flear, you need to eat. Ang bata bata mo pa."

"I'm on my diet, dad."

Inayos ko ang buhok niyang humaharang sa mukha.

"Diet-diet ka pang nalalaman ang bata mo pa. Iilang taon ka pa lang."

Nakanguso at nakakunot noo na siya ngayon. "Tito Kil bullied me he said I'm fat."

"Eh, ano naman? Normal 'yan sa edad mo."

"I don't want to be fat, dad!"

Nakamot ko ang ilong ko. "Nak naman."

"Angel.." nakangiting sabi ni Zeal, tumakbo naman agad ang bata at sumampa sa kama.

"Shivelle Flear, matamaan mo ang sugat ni mommy."

"I'm okay, baby," sagot ni Zeal habang hinahaplos ang buhok ng anak.

Buwan kami nanatili sa hospital para sa tuluyang paggaling nila. Hindi naman ako napagod na alagaan ang mag-ina ko at ang mga best friends na pasaway. Minsan sa kakulitan nila dumudugo ang sugat nila katulad na lang ngayon na ginagamot si Rev ni Clench dahil dumugo nanaman ang sugat sa kakagalaw niya. Hindi na talaga mapakali ang isang ito.

"Di ka pa magaling talaga kaya 'wag kang makulit, Rev," pangaral ni Clench sa kaniya.

Tumawa naman ang siraulo. "Naiinip na ako rito. Gusto ko nang umuwi."

"Kapag magaling ka na nang tuluyan."

"Kailan pa 'yon?" Tumingin siya sa akin. "Pre, iuwi mo na ako."

Lumapit ako at mahina siyang binatukan.."Hindi ka pa magaling!"

"Tingnan mo nangbabatok ka pa? Kaya hindi ako gumagaling, eh."

"Hindi ka gumagalimg kasi makulit ka. Sasayaw-sayaw ka pa riyan di ka naman marunong."

"Wow!" Pumalakpak siya. "Ikaw na ang talented!"

"Nangulit nanaman ba si Rev?"

Napalingon kami sa pinto nang marinig ang boses ni Ali.

"Oo, dumugo nga ang sugat," sumbong ko.

Lumapit si Ali at piningot si Rev. "Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Ahh!" Hinimas-himas niya ang tainga. "Kaya di ako gumagaling, eh. Lagi n'yo na lang akong sinasaktan."

"Ang drama mo. Makapunta na nga lang kay Kean."

Lumabas ako ng kuwarto niya at pumasok naman kay Kean. Isa pa itong loko na ito nagpe-paint na agad.

"Kailan ba tayo lalabas? Nabo-boring na ako rito."

"Gusto mo lumabas ka na ngayon din?"

"Talaga?" Malapad siyang ngumiti.

"Lumabas ka ng room edi nakalabas ka na," nakangisi kong sabi.

Napabuntong hininga siya. "Sarkastiko mo naman."

"Maghintay ka kasi di ka pa magaling talaga."

Nakipag-kwentuhan pa ako sa kaniya bago ako lumabas.

Natigilan ako nang tumatakbo si Kil papunta sa akin.

"Jave! Si Shivelle Flear nawawala nanaman!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.