Chapter 38

Shine Clear's POV

Sinilip ko si Flair sa kwarto pero sumakit lang ang dibdib ko nang makitang may ka-text siya. Kinarer niya na talaga ang pagiging malandi kaya umalis na rin ako agad. Humiga nalang ako at natulog sa tabi ni Shivelle Flear.

Ilang linggo ang lumipas hindi pa rin kami nagkakaayos. Palagi kong namumulatan si Flair na inaasikaso si Shivelle. Tinotooth-brushan niya na ngayon ay nakaupo sa sink.

"Be a good girl, huh? Palagi mong sundin ang sinasabi ni Tita Diamond?" Bilin ni Flair kay Shivelle.

Si Diamond kasi ang nag-aalaga sa kaniya tuwing papasok kami sa trabaho at saka si lolo. Pinagkakaguluhan siya ng mga Baider kaya alagang-alaga siya.

Hindi ako bumangon agad. Iniupo ni Flair si Shivelle sa tabi ko.

"Magbihis ka na. Hindi pwedeng bihisan ka ni daddy, diba?" Sinilip kong inabutan niya ng damit si Shivelle Flear. Pumasok agad ang bata sa banyo.

Train si Shivelle sa pagiging independent kahit bata palang. Tinuturuan namin siyang bawal ipakita ang private parts sa lalaki kahit pa sa daddy niya. Iyon ang dapat na ginagawa ng mga magulang kahit pa gaano ka katiwala sa mga tao sa paligid niya.

Naramdaman kong hinaplos ni Flair ang pisngi ko.

"Gising ka na. Nagluto ako ng breakfast. Ihahatid na rin kita sa trabaho." Malambing niyang sabi.

Nagmulat ako ng mata at agad dumiretso sa kwarto. Ni-isang tinig mula sa akin wala siyang narinig. Nakabihis na si Shivelle nang makita ko.

Ipinaghanda kami ni Flair ng breakfast. Ako ang madalas na gumagawa no'n pero simula nang mag-away kami ayaw niya akong pakilusin siya ang gumagawa ng lahat.

Nagpapalakas!

Inasikaso niya si Shivelle at sinubuan. Kapag nagtatama ang tingin namin iniiwas ko agad ang mata.

"Cherish.. ingat ka. I'll bring you lunch pupunta ako dito mamaya sabay tayo kumain."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at diretsong bumaba ng kotse. Akmang hahalik pa siya sa labi ko pero iniwasan ko na. Gusto kong magtanong kung may pasok ba siya sa trabaho dahil hindi siya nag-asikaso parang walang balak pumasok. Ilang linggo ko na siyang nakikita na hindi pumapasok sa trabaho.

Iniwan ko siya at pumasok na lang sa loob. Mabilis na nagsimula ang mga klase ko. Ang lesson ko ngayong araw ay mitosis. Mahilig akong magpa-activities at magpa-report kaya iyon ang ginawa ng mga estudyante ko.

Lumipas ang oras at nag-lunch break na nga. Hindi ko ikinagulat na pagpasok ko sa faculty ay nandito si Flair. Umupo ako sa tabi niya pero hindi nagsalita.

Pinanood ko lang ang pag-aasikaso niya sa akin.

"Nagluto ako ng paborito mong adobo." Nakangiti niyang sabi.

Tahimik akong kumain kahit siya ay ang daming sinabi alinman sa mga 'yon ay hindi ko pinakinggan.

"Can we have a date?" Bigla ay tanong niya.

Natigilan ako at tumingin sa kaniya. "No."

"Please?"

"No."

"Ayaw mo na ba sa akin, cherish?" Nakanguso niyang sabi. Hindi ako nagsalita.

"Silence means yes."

"I didn't say that."

"So ako pa rin ang gusto mo?" Ngumiti siya nang malapad.

Haler! Asawa ko siya. Malamang siya ang gusto ko. Gumagawa lang siya ng coversation.

Nilagyan niya ng maraming kanin ang plato ko. "Eat a lot."

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Nakangiti niya akong sinusulyap-sulyapan.

Hindi ba siya napapagod?

Sana pumasok nalang siya sa trabaho do'n siya sa babe niya. Nakakahiya naman dahil naiistorbo ko siya.

"Hindi rin ako masyadong pinapansin ni Shivelle. Galit siya sa akin. Ngayon, dal'wa ang sinusuyo ko" kwento niya.

Kasalanan mo naman.

"Hindi ka ba naaawa sa akin?"

At ikaw ba naawa sa akin? Kalandian mong impakto ka!

"Sagutin mo naman ako hindi ka naman hangin 'diba?"

Hindi nga pero ayaw kitang kausap.

"Kinakausap mo ako sa isip mo."

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Oo nga pala, psychologist siya madali niyang nahuhulaan ang kilos ko.

"Yeah, tama ka kasi psychologist ako. Magkakaintindihan pa rin tayo kahit itago mo ang mga linya mo."

Pinilit kong 'wag mag-isip ng kung ano.

Silip siya nang silip sa phone niya kaya nakunot ko ang noo ko.

Waiting for someone's text or call? Talagang pinagpapalit niya ako sa kabet niya. Kadiri.

"I'm not waiting for Marie's text or call. I'm waiting for my client's text."

Whatever you explain.

"Yeah, whatever I explain."

Naiirita ako dahil gano'n siya kagaling para makuha niya ng eksakto ang sinasabi ko.

Natigilan ako nang nguniti siya nang malapad at pinunasan ang gilid ng labi ko. Gumapang ang kilig sa katawan ko.

Gosh! No! Don't be fragile.

Wait lang naman galit ako sa kaniya 'diba? Pero sino ba ang di kikiligin sa hitsura niya? Sabihin niyo nga!

Pinigilan ko ang maglabas ng masayang emosyon, pilit ginawang seryoso ang mukha.

Narinig ko ang matunog na buntong hininga niya.

"I love you." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya. "Wala bang I love you always? I love you forever? Kalungkot ang buhay." Gusto kong tawanan ang pagsimangot niya pero hindi ko ginawa.

Masyadong matigas ang puso ko.

"Mahal kita, mahal din kita Flair. Kain ka ng marami Flair.. asawa ko." Pagkausap niya sa sarili.

Gosh! Natatawa ako!

Tumayo nalang ako. "Papasok na ako sa klase."

"Huh? Pero thirty minutes pa."

"Marami pa akong gagawin."

"Tutulungan na kita."

"Umuwi ka na lang." Walang gana kong sabi.

"Cherish.." hinapit niya ang baiwang ko.

"Jave, ano ba!"

"'Wag mo akong tawaging Jave!"

"Javen, then."

"No!" Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha.

Para kaming bumabalik sa pagiging college student kung saan kami nagsimula. Kung walang Shivelle Flear siguro naghiwalay na kami nito.

"Don't you call me that way. I hate it!" Inilapit niya nang inilapit ang mukha.

"Lumayo ka nga!" Itinulak ko siya.

"Ganyan ka ba kagalit sa akin?" Na-corner niya ako sa gilid.

"Oo! Ayaw kitang kausap!"

"Pero kinakausap mo ako." Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Inirapan ko na lang siya. Hindi talaga natatapos ang kwento sa kasal. Mayro'n at mayro'ng mangyayari pagkatapos no'n at aandar patuloy ang pahina. Ito ang nangyayari sa amin ngayon. May mga bagay na nangyayari na palagi na lang ginugulo ang tahimik naming buhay.

"Dont be mad at me. Isang araw kang galit okay lang pero ang ilang linggong suyuan at habulan nahihirapan ako, mamamatay na ako." Kita ko ang pagiging emosyunal niya.

OA! Patay agad? Hindi ba pwedeng magkasakit muna?

"Gagawa ka ng kasalanan tapos anong gusto mo tawanan kita?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo na kasalanan ko na kahit wala naman." Mas inilapit niya ang mukha 'yong tipong gahibla nalang ang pagitan.

"Can I kiss you my wife?" Kumislap ang mga mata niya.

Mabilis akong lumusot sa ilalim ng braso niya at tumakbo palabas. Bahala ka talaga sa buhay mo.

Hindi na siya nakasunod nang pumasok na ako sa klase. Hindi niya gagawing istorbohin ang mga bata. Umandar ang oras hanggang sa mag-uwian na.

Napahinto ako nang umalingangaw sa buong school ang tugtog.

Ano 'yon? Bakit ang lakas ng pagtugtog?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.