Chapter 39

Pero ang maririnig mo lang ay parang electric guitar. May nage-strum ng gitara.

Niyanig ng malakas na tugtog na iyon ang buong Shine Clear's National School. Ito ang school na niregalo sa akin ni Flair. Naghahanap pa ng mga batang maaring matulungan ang school kaya medyo kaunti palang ang estudyante pero nagsisimula na ang klase may mga humahabol nga lang.

Sabi nila 'wag na daw ako magturo pero dahil mahal ko ang pagtuturo ginagawa ko pa rin.

Mad Lyrics

By: Ne-Yo

Hindi ko naituloy ang paglalakad ko nang marinig ang boses ni Flair. Kahit saan talaga magawa niya lang ang gusto!

Sumilip ako sa ibaba dahil nasa sixth floor ako. Nakita ko siya sa quadrangle ng school, nasa stage at nakatingala sa akin.

Galing mo kumuha ng atensyon! Papansin ka talaga. Napatitig ako sa hawak niyang bugkos ng rosas. Alam mo rin talaga ang kiliti ko? Unti-unting pinalalambot ng ginagawa niya ang puso ko.

Hindi ko magawang maglakad palayo kaya pinanood ko na lang ang panghaharana niya. Kung umasta siya parang teenager.

Gosh!

Sabagay twenty six years old palang kami. Hindi pa kami masyadong matanda.

Nanlaki ang mata ko nang umangat ang stage na tinutungtungan niya paakyat papunta sa floor na kinatatayuan ko.

Paano nangyari 'yon?

Nakakatakot ang tumayo sa stage na 'yan kung gano'n kataas pero nagkaroon 'yon ng harang sa gilid kaya safe.

Inakyat niya ang railings nang matapos ang kanta. Napatakbo tuloy ako para alalayan siya dahil nakakatakot kung gaano kataas 'yon.

"Baliw ka ba?!" Asik ko sa kaniya.

"Yes, baliw saiyo." Malapad siya ngumiti.

Nag-iingay na ang buong campus, kinikilig at pumapalakpak.

"Tinuturuan mo ng kalandian ang mga bata."

"Kalandian ba ang magpakita ng affection?"

Hinila ko siya papuntang elevator. Hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa niya.

Oo, kinikilig ako at masaya sa ginawa niya.

Sinong hindi? Ikaw kaya ang haranahin?

Walang tao sa elevator kaya kaming dalawa lang. Hindi ako nagsalita dahil naiilang ako. Nagulat na lang ako nang hapitin niya ako at halikan.

Doon ko naramdaman ang pagka-miss ko sa kaniya. Doon ko naramdaman ang pagmamahal ko sa kaniya. Ang mga labi niya ay winaksi lahat ng hinanakit at sakit.

Marupok.

Muntanga.

Mapagbigay.

Ano pang M ang dapat ilarawan sa akin?

Ipinulupot ko sa leeg niya ang kamay ko. Hindi ko napansin na tumutulo na ang luha ko.

"Don't cry, cherish.." madamdamin niyang sabi. Humalik siya sa noo ko. "Trust me, trust my love to you. You are my only cherish. I miss you."

"I miss you too."

Tumango ako sa kaniya. Doon ko natanggap at pinagpasyahang pagkatiwalaan siya at pakinggan ang lahat ng sabihin niya.

Nitong mga nakaraang araw naging bingi ako sa sariling emosyon. Hindi ko nalaman kung ano ang totoo dahil puro hinala ang pumapasok sa isip ko.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa kotse.

"'Wag mo na ako ulit aawayin." Tumango na lang ako sa kaniya.

Preng Kean calling...

Nakita ko ang phone niya pero dahil nagda-drive siya ako ang sumagot.

"Pre, naayos ko na ang clinic natin. Tumawag din dito ang ibang client mo dati. Pwede na ulit tayong mag-start sa trabaho. Tahimik na ulit ang buhay mo. Good luck sa panunuyo sa kasalanang wala ka namang ginawa." Tumawa si Kean.

Natigilan ako.

Huh? Clinic natin? Nagtayo sila ng clinic? Silang dalawa? Kasalanang hindi niya ginawa?

"Buhay ka pa, pre?"

Hindi ako nakasagot kay Kean.

"Anong sabi, cherish?" Nilingon ko si Flair.

Wala talaga siyang kasalanan?

"What do you mean, Kean?" Nasagot ko iyon.

"Oh beautiful ikaw pala 'yan. Dalaw ka sa clinic namin ni Jave at nga pala 'wag ka na magalit sa kaniya. Blinock niya number ni Marie, hindi na mangungulit 'yon ikaw ba naman ang sigawan sa harap ng maraming tao, iyak siya."

Sinigawan niya si Marie?

"Tell me what happened?"

"Eh kasi makulit talaga si Marie kahit noon pa hindi naman pinapansin ni Jave, noong nag-away kayo dahil sa kaniya galit na galit si Jave sinigawan niya at nagbasag pa ng vase."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ako naniwala kay Flair pero sa salita ni Kean naniniwala ako.

Ano 'yon?

"Ah, okay." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

"Pagkatiwalaan mo siya mahal ka niya. Remember his darkest secret, the first and last love thing.. kapag siya ang nagsalita paninindigan niya 'yon." Natameme ako sa katotohanang iyon.

Hindi ako nakinig kay Flair. Nagsayang ako ng mga oras na sana ay masaya kami. Wala talagang magagawa ang pinangungunahan ng selos at galit.

I realized that listening is really important in a relationship and trust is the significant ingredient to shield a successful marriage.

Walang patutunguhan ang galit at selos kung 'yon ang paiiralin mo.

Yumakap ako sa baiwang ni Flair, nilingon niya ako saglit at bumalik lang din ang mata sa kalsada.

"I'm sorry." Sinsero kong sabi.

And the key to unlock the nonsense fights is to apologize, swallow your pride and admit your mistakes.

We argue for nothing.

Be matured.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.