Shine Clear's POV
"I have a meeting, baby." Nagmamadali akong sumakay sa kotse.
Si Flair ang nagmamaneho. "Bakit ka nagmamadali?"
"Darating na ang malalaking personalidad sa SCNS magbibigay sila ng donations. Kailangan daw nilang makilala ang may-ari ng school."
"You're so busy this past few weeks."
"Ya. I'm sorry."
Nagmadali akong lumabas ng kotse. Akmang tatakbo ako papasok ng SCNS pero napahinto ako. Bumalik ako para gawaran ng halik si Flair. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"I'll fetch you, cherish."
"Okay. Bye!"
Malalaki ang hakbang ko papasok ng school. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa ang mga ka-meeting ko. Nag-ayos muna ako ng sarili at pinaayos ang conference room.
Prente akong umupo nang tawagin ako ng sekretarya ko.
"They're here."
Isa-isang pumasok ang mga naggwa-gwapuhan at nagga-gandahang mga bisita. Nakipagkamay ako sa kanila.
"Good morning." Sunod-sunod na pagbati ko sa bawat isa sa kanila.
"I'm Sinister Hindmon," kumamay ang isang lalaki.
Natigilan ako nang kamayan ang huling lalaking pumasok.
"Dire Hamilton?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngumiti siya pabalik. "Oh. We see each other again." Gusto kong pagkunutan siya ng noo dahil kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon pero hindi ko ginawa nakangiti lang ako sa kaniya.
Baka ganoon lang talaga siya.
"Good morning everyone! I'm Shine Clear Baider-Imperial, the owner of this school. Actually this is a gift from my husband."
"Husband?" Tumaas ang kilay ni Dire. "You have a husband?"
"Ya."
"Of course, she has. Look how beautiful she is," nakangiting sabi ni Sinister Hindmon.
"Ohh.. by the way how's the school? Marami na ba ang nag-enroll?" Tanong ng babae na nagngangalang Mrs. Mendez.
"As of now, we have 6,800 students not that big population, but we are doing our best to help those people in need and thanks for your donations."
"I'm glad we can help," nakangiting sabi ni Sinister Hindmon. "By the way if you're interested in my company to invest or something we are open always."
"Thank you, Mr. Hindmon, but I am focusing on my school to help people. How about you ask others?"
Kinausap ni Mr. Hindmon ang iba. Nailang ako nang mapasulyap kay Dire Hamilton, nakangisi siya sa akin at 'di matanggal ang tingin sa mukha ko.
Natapos din kaagad ang meeting dahil busy rin sila kailangan ng umalis agad.
"Thank you," nakipagkamay ako isa-isa sa kanila. Nakangiti naman silang lumabas.
Nakalikom ako ng 10 million para sa pondo ng school. Naglabasan na silang lahat maliban kay Dire na nakaupo pa rin.
"Hi, just want to talk to you," nakangiti niyang sabi.
"Yes, what is it?"
"Kung magbibigay ba ako ng 10 milyon makikipag-date ka?"
Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. Diretso na ang pagtatagalog niya kumpara noong una ko siyang nakita.
"You're fluent."
"Yeah.. inaral ko talaga para kapag nagkita ulit tayo I'll fully understand you."
Umupo ako sa harap niya.
"Ano deal ka ba?" Tanong niya pa ulit.
"I'm sorry b--"
"Sayang ang sampong milyon. Malaki na ang mararating no'n para sa school mo. Para rin naman sa mga bata 'yon, 'diba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman siya.
Ano ba naman 'yong date? 'Diba? Kaya lang magwawala nanaman ang impaktong 'yon.
"Date lang ba talaga?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hey.. of course. I'm not what you think."
Tumango ako sa kaniya. "Okay, deal."
"Good." Inilahad niya ang kamay sa akin. "See you tomorrow. Give me your phone."
Ibinigay ko ang phone ko sa kaniya. Tenext niya ang number niya.
"See you, Shine Clear. Bye."
"Bye."
Wala namang masama sa date 'diba?
Sasabihin ko na lang kay Flair para rin naman 'yon sa mga bata dito. Malaki ang maitutulong no'n para sa school.
Nang oras na para umuwi si Kean ang nabungaran ko sa parking lot.
"Oh? Wala si Flair?"
"As usual busy. Tara na ihahatid na kita pauwi."
"Nasaan siya?"
"Nasa clinic may tinatapos."
"Ihatid mo na lang ako roon sasamahan ko siya."
"Okay."
Sumakay na ako sa kotse. Napangiti ako nang makitang may egg pie nanaman doon.
"Kumain ka," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
"Thanks."
Clench calling...
"Hey!" Masigla kong sabi.
"Punta ka dito sa saturday. We're going to have a best friend bonding! At 'yong pasalubong ko hindi mo pa nakukuha."
"Woah! Sige!" Abot langit ang pagkakangiti ko.
Ibinaba ko na rin ang tawag.
"Ano raw 'yon?" Tanong ni Kean.
"Pupunta kami kala Clench ng saturday."
Tinahak namin ang mahabang hallway ng clinic. Madilim na dahil kaunti lang ang ilaw na nakabukas.
"Beautiful?"
"Hmm?"
"Kailan uwi ni Shivelle? Namimiss ko na."
Napabuntong hininga ako. "Ayaw pa pauwiin ni lolo."
"Ang tagal niya na roon, ah."
"May kailangan kasi siyang gawin."
Nuuna si Kean maglakad kaya nasa likod niya ako. Awtomatikong tumulo ang luha ko nang masilip ang loob ng opisina ni Flair.
Nasa loob si Marie at magkahalikan sila!
Bigla akong hinapit ni Kean at tinakpan ang mata ko.
Huli na nakita ko na!
Humagulgol ako sa dibdib niya habang yakap ako.
"Cherish.."
Gusto kong silipin ang mukha niya pero tinakpan ni Kean ang mata ko at hindi niya tinanggal.
"Fuck you, Jave!" Mura ni Kean sa kaniya.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa galit.
"Cherish.. let me explain."
"Babe. Don't hide our relationship since nakita niya na."
"Shut up, Marie!"
"Fuck, Jave. You're so annoying!" Sigaw sa kaniya ni Kean.
Hindi ko magawang umalis sa dibdib ni Kean dahil sa pag-iyak ko.
Heto nanaman nasasaktan nanaman ako. Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan? Napapagod na ako.
Paulit-ulit niya nang dinurog ang puso ko. Ubos na ubos na ako. Heto nanaman at mag-aaway, magsisigawan at magpapatawaran sa huli? Cycle na lang ang nangyayari. Iyak ako nang iyak hindi ko mapatahan ang sarili ko.
"Ano nanaman ba ito, Jave? Akala ko ba okay na! Anong ginagawa niyang Marie na 'yan dito?!" Sigaw nanaman ni Kean.
Hindi ko sila magawang silipin hanggang sa magpumiglas ako sa kamay ni Kean at nakita ko sila. Hawak pa ni Marie ang braso ni Flair. Nagtiim ang bagang ko, nanuyo ang luha ko at matalim ko silang tiningnan. Nakuyom ko ang mga palad ko.
"Cherish.. magpapaliwanag ako pumunta siya dito nang hindi ko alam at bigla na lang pumasok sa--"
"Babe! 'Wag ka nang magsinungaling. Pinapunta mo ako dito dahil wala ng tao," singit ni Marie.
"What the hell are you talking?! Hibang ka na! Gumagawa ka nanaman ng kwento!" Galit na galit na sabi ni Flair.
Sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan? Sino ang dapat kong paniwalaan?
Hey, impakto. Pagod na ako. Tao ako at nasasaktan din!
"Why are you shouting at me? Bakit ba hindi mo ako ipaglaban sa asawa mo? Sabihin mo sa kaniya na ako ang mahal mo at gusto mo-"
"Shut the fuck up! Gustong-gusto na kitang suntukin kung al--" sinapak siya ni Marie.
"Walang hiya ka! Kakasabi mo lang kanina na ako ang mahal m--"
"Stop lying!"
"Jave! Fuck you! Fuck you!" Galit na galit na sabi ni Kean.
Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Gusto mo bang maglaro, impakto? So what if we are married? Ilang ulit pang mangyayari ito? Ilang beses pa akong iiyak?
"Kean makinig ka alam mo naman na--" naputol ang sasabihin ni Flair.
"Babe.." humagulgol na ng iyak si Marie. "Sabi mo ako ang mahal mo kakasabi mo lang kanina bago mo ako hali--"
"What the fuck?!" Galit na galit na sabi ni Flair at nahampas na ang lamesa.
Nakita ko ang kuyom na kuyom na palad ni Kean. Akmang tatahakin niya na ang distansya nila ni Flair para suntukin siya pero yumakap ako sa baiwang niya dahilan para matigilan ang lahat.
It's play time.
Hinawakan ko ang batok ni Kean at siniil siya ng halik. Nagulat ako nang hawakan din niya ang likod ng ulo ko at tumugon sa halik. Hindi ako makakilos, napako ang paa ko at kumalabog nang sobra ang dibdib ko.
No way! Anong ginawa ko? Naging isip bata ako. Mali 'to. Hindi ko sinasadya! Nadala nanaman ako ng galit ko.
Natulala ako sa ginawa ni Kean sobrang intimate ng halik na para bang may pinaglalaban siya. Ayaw niyang bitawan ang labi ko at nakapikit pa siya. Hanggang sa isang malakas na suntok ang tumama sa mukha niya.
"Fuck you!" Tumulo na ang luha ni Flair. Akmang susuntukin niya nanaman si Kean pero humarang na ako sa gitna.
Nanginginig ang buong katawan ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.
"How's the feeling of seeing your wife kissing another man? Is it happy?" Garalgal ang boses kong sabi sa kaniya. "Magmula nang ikasal ako saiyo puro sakit na ang dinanas ko! How dare you to do this to me?!" Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kaniya.
Tumayo si Kean at matalim na tiningnan si Flair. Tumulo rin ang luha niya.
"Pres are pres, but.. pre, 'wag mo naman siyang lokohin."
Hinila ako ni Kean palabas ng office.
"Kean!" Galit na tawag sa kaniya ni Flair.
"Zeal!" Rinig ko pa ang tawag niya pero tinakbo na ako ni Kean at pinasok sa kotse niya.
Pinaharurot niya ang sasakyan. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Ano bang nangyayari sa relasyon namin?
Parang ferris wheel, minsan nasa taas at masaya pero bigla na lang bababa, malungkot, iiyak, at masasaktan. Ngayon pati si Kean ay damay. Masisira ang pamilya ni Kean kapag nakarating ito kay Yannie. Magkakagulo na ang lahat.
Anong gagawin ko?
Nasira ko ang friendship nilang dalawa. Iyon ang ayaw kong mangyari kahit kailan. Huminto ang kotse sa hindi pamilyar na lugar.
"Halika," pinagbuksan ako ni Kean ng kotse at inilahad ang kamay niya. Kinuha ko iyon at bumaba.
"Penthouse namin."
Iginala ko ang mata. Ang ganda naman dito at tahimik.
"Kean, 'yong kanina. Sorry hindi ko sinasadya. Nadala ako ng galit ko kay Flair at gusto kong maghiganti sa kaniya. I'm so sorry."
Nilingon niya ako at nakita ko ang malamlam na mga mata niya matapos ay hinila niya ako papunta sa labas ng penthouse. Dagat pala ang labas no'n. Umupo kami sa tabing dagat.
"I'm sorry. Masisira ang pamilya mo dahil sa nangyari. Hindi ka dapat nadamay sa away namin ni Flair at 'yong friendsh--" natigilan ako nang makita kong tinakip na niya ang kamay sa mukha niya, nagtataas baba ang balikat at umiiyak.
"Wala akong pinagsisisihan."
Napatitig ako sa kaniya.
Anong sabi niya?
"Pinilit ko naman, eh. Pinilit kong makalimutan ka kaya nga kami nagkaanak ni Yannie pero bakit gano'n ang tagal na panahon na ikaw pa rin?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sino ba ako para gustuhin niya nang ganito? Gaano ba ako kaganda at ang daming nabaliw sa akin?
Napatanong tuloy ako kung anong mayroon sa akin?
Ano nga bang mayro'n sa akin na ginugusto nila?
"Imagine na ikinasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal tapos ang mangyayari 'yong tarantado mong best friend sinasaktan ang babaeng mahal ko? This fucking life sucks!" Patuloy siya sa pagluha.
Humahagulgol na rin ako dahil para bang nasasaktan din ako para sa kaniya. Wala akong magagawa sa bagay na ito dahil kahit bali-baliktarin ko ang mundo si Flair ang mahal ko.
"Ngayon ko tuloy pinagsisihan kung bakit hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko para saiyo kahit alam kung kahit kaunti ay mayro'n ka pa ring nararamdaman sa akin noong huli tayong mag-usap at sinabi ko ang totoong dahilan ng break up."
Hinila niya ako at dinala sa tubig na hanggang tuhod lang.
"You asshole Jave! Fuck you for hurting Elle!" Sigaw niya sa dagat.
Humarap siya sa akin at tinitigan ang mata ko.
"Sabihin mo sa dagat kung gaano ka kagalit sa kaniya. Isigaw mo lahat ng hinanakit mo. Isigaw mo lahat ng laman ng puso mo."
Tumulo nang tumulo ang luha ko. Parehas kaming humahagulgol ni Kean.
"I hate you so much! Pinagsisisihan ko na pinakasalan kita! Galit na galit ako saiyo!" Sigaw ko.
Pinagsisisihan ko nga ba o baka galit lang ako sa kaniya kaya ko nasasabi ang ganitong bagay?
"Galit ako saiyo dad! Galit na galit ako kasi kahit kailan hindi mo ako sinuportahan sa gusto ko! Lahat na lang bawal saiyo! Ang sama mong ama! Sana minsan iparamdam mo naman na mahal mo ako bilang anak mo!" Sigaw ni Kean.
Napatitig ako sa mukha ni Kean na ngayon ay bakas ang hinanakit at sakit. Noon niya pa problema ang daddy niya hindi ko alam na pati pala ngayon ay 'yon pa rin ang problema niya kahit may asawa na siya at may sarili ng buhay.
"Sana hindi na lang kita nakilala!" Sigaw ko.
Pero kahit ganito 'yon ang pinaka-hindi ko malilimutang araw ng buhay ko.
"Sana pinaglaban ko si Elle!" Sigaw niya.
Ang mga luha ko ay pilit na pinipigil pero hindi ko kinaya masakit talaga at sa ngayon ang pagluha ang tanging magagawa ko.
"Sana si Kean na lang ang pinakasalan ko!"
Gusto kong takpan ang bibig dahil umiiral nanaman ang matinding galit ko para magsalita ng bagay na walang kahulugan.
Biglang napalingon sa akin si Kean at natigilan. Tumitig siya sa mukha ko na bakas pa rin ang pagkagulat. Pagod na pagod akong napaluhod.
Tuluyan na akong umupo sa tubigan. Wala na akong pakialam kung nababasa na ako. Ang sakit lang talaga ng dibdib ko.
"Kung ikaw ba ang pinakasalan ko naging masaya ako? Kung ikaw ba ang naging tatay ni Shivelle hindi ba ako iiyak nang ganito? Parang mali yata ako ng desisyon na pinili kong mahalin siya."
Ayaw kong mag-isip ng ganito pero 'yon ang lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang hinagpis ko.
Lumuhod na rin si Kean at yumakap sa akin. Naging matunog ang iyak naming dalawa.
Hindi na maibabalik pa ang noon. Walang time machine na pwede kang bumalik sa nakaraan.
Ito ang kasalukuyan...