Chapter 78

Shine Clear's POV

Ang tindi ng emosyon ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko pati pagluha ko ay sagad na sagad na. Iyak ako nang iyak na pati si Kean ay nakikipagpalakasan. Siguro sobrang tindi rin ng dinaramdam niya dahil ang tagal na panahon na niya 'yong kinimkim sa sarili niya. Palagi lang siyang mapagbigay para sa best friend niya.

"Elle.. ang totoong dahilan kung bakit kita pine-paint ay dahil mahal pa rin kita. This is awkward at wala namang magbabago kahit sabihin ko saiyo pero 'yon ang totoo."

Naawa ako sa hitsura niya. Ang Kean na kaharap ko ngayon ay malayo sa noon 'yong tipong hindi sinasabi ang nararamdaman niya pero ngayon ay malakas ang loob na sinasabi niya.

"Salamat sa pagmamahal pero sa ngayon umuwi ka na sa pamilya mo. Dito muna ako. Makinig ka.. 'wag mong sirain ang pamilya mo. Kahit anong mangyari ito na ang buhay natin ngayon. Hindi na natin maibabalik pa ang noon."

Gusto kong umatras nang ilapit niya ang mukha sa akin at pinagdikit ang noo namin. Hindi ko matagalan ang ganitong sitwasyon.

"Sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako. Itataya ko ang lahat para saiyo. Wala na akong pakialam sa friendship namin ni Jave o sa pamilya ko ngayon. Maiintindihan naman ni Qiera kung ang tatay niya ay iba ang mahal. Magpapakagago ako Elle.. handa akong iwan ang lahat kung sasama ka sa akin."

"Gago na kung gago ayaw kong sinasaktan ka niya. Lumalalim ang pagsisisi sa puso ko," pinunasan niya ang luha ngunit patuloy lang iyon sa pagpatak. "Ewan ko ba.. ewan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang alam ko ayaw kitang makitang ganito. Ang tagal ko nang tinitiis ang mga ginagawa saiyo ni Jave."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit pinunas ang mga luha. "Bawat luha mo tumutusok sa dibdib ko."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Bawat sakit na nararamdaman mo triple sa akin," suminghot-singhot siya. "My beautiful.. sabi ko saiyo noon na you're always be my beautiful." Pinakatitigan niya ang mukha ko. "Sasama ka ba sa akin?"

Napamaang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya pero hindi ko siya magawang sisihin dahil kapag pagmamahal na ang kalaban, talo ang sinumang nakakaramdam noon.

Mahal ko si Flair! Asawa ko siya at hindi ako sasama sa ibang lalaki kahit pa si Kean ka. Ang lalaking minsan ko ng minahal pero wala na kami sa past, lipas na ang kwento naming dalawa.

Bakit nandito pa rin sa kasalukuyan ang pagmamahal niya?

This is unsettled.

Inilayo ko ang sarili kay Kean. "Hey.. 'wag mong sirain ang buhay mo. Siguro hindi mo lang nakikita pero masaya ka." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Bitawan mo na ang nakaraan. Tapos na 'yon.. hindi mo ma-realize na maligaya ka naman sa pamilya at propesyon mo. Hanggang kailan mo hahawakan ang pagmamahal mo sa akin?"

Niyakap ko siya, ganoon na lang iyon kahigpit dahil pakiramdam ko kahit ito lang maibigay ko sa kaniya.

"Ayaw kong saktan ka pero kailangan mong gumising sa reyalidad na parehas na tayong may pamilya. Kung anuman ang away namin ni Flair labas ka roon. Umuwi ka na sa pamilya mo hinihintay ka ng asawa't anak mo."

Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko. Sumisinghot-singhot dahil patuloy pa rin sa pagtulo ang luha.

"Okay. Tingin ko kailangan ko talagang mag-move on. Hindi ko magagawa 'yon hangga't nakikita kita." May kinuha siyang susi sa bulsa. "Ito ang susi ng penthouse. Magpapadala ako ng tao dito kapag nangailangan ka ng kung ano. Aalis ako.. isasama ko ang pamilya ko sa ibang bansa at magpapakalayo-layo. Ayaw ko rin makita si Jave. Kailangan kong bigyan ng oras ang sarili at pamilya."

Tumango ako sa kaniya. "Good decision."

"Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa taong papapuntahin ko dito."

Tumayo na siya at tumingala sa langit. "Can I have a favor?"

"What's that?"

"Can I.. k-kiss you?"

"Huh?" Halos malaglag ang panga ko.

No! Hindi ako manloloko pero nagawa ko ngang gawin 'yon sa harap ni Flair. Nagkagulo-gulo na ang mundo.

Napaatras ako nang ilapit ni Kean ang mukha. Gusto kong tumakbo nang hawakan niya ang batok ko at halikan ako. Hindi ako makapalag. Hindi ko siya magawang sipain o suntukin.

Flair...

Guho na ang mundo.

May pag-asa pa bang maayos 'to?

Tulo nang tulo ang luha ko.

"Kean!" Saway ko sa kaniya dahil ayaw niya akong bitawan. "Kean!"

"I'm sorry. I'm really sorry. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko ito kakalma ako, kumalma nga ako." Hinilamos niya ang kamay sa mukha. "Pres are pres," paulit-ulit niyang binanggit ang salitang 'yon. "Gago ko!" Tumakbo siya papunta sa buhanginan at pinagsusuntok iyon.

"Gago ako! Ang bobo ko!"

Lumapit na ako at pinigilan ang kamao niya sa pagsuntok. Dumudugo na iyon dahil siguro sa lakas ng suntok niya.

"Tama na, ano ba, Kean." Hindi siya nagpapaawat kahit anong gawin ko.

"Handsome," natigilan siya sa akmang pagsuntok at tumitig sa akin.

"Beautiful.." bulong niya. "I'm sorry.. I'm so sorry." Mahigpit niya akong niyakap. Ramdam ko ang tindi ng pag-iyak niya.

Nakakaawa siyang talaga dahil sa pinapakita niyang emosyon, pagsisisi, sakit, galit sa sarili, panghihinayang, samu't saring emosyon na kung ikaw ang makakakita ay pipilitin mong 'wag na lang siyang tingnan dahil tumatagos 'yon sa akin. Ramdam ko rin ang sakit niya.

Ano bang nangyayari sobrang gulo na ng lahat.

"Mag-iingat ka," pinaglayo niya ang katawan namin. "Aalis na ako. Kailangan kong umalis."

Tinalikuran niya ako at tumakbo na palayo.

Gustuhin ko mang habulin siya pero hindi ko ginawa dahil alam kong kailangan niya 'yon.

"Goodbye, Beautiful!"

Napaluhod ako at hinayaan kumawala ang tunog ng iyak ko. Niyakap ang tuhod at tumingala sa langit.

Ang gulo na ng lahat.

Poging Flair calling...

Ilang ulit nang nag-ring 'yon pero hindi ko sinasagot.

Quits na ba tayo dahil nakipaghalikan ka sa iba at ako rin? Bakit laging gantihan? Kailangan bang laging nauuna ang galit?

Flair!

Javen Flair's POV

"Kean!"

Durog na durog ang puso ko. Ang makita ang best friend mo at asawa sa mismong harap mo sa ganoong sitwasyon ay para bang pinanghina ako at anumang oras ay malalagutan na ng hininga.

Hinarap ko si Marie at akmang sasapakin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Fuck! You should go to the mental hospital! You have illusion!"

Lalo akong nainis nang makita ang ngisi niya. "The game is about to start. Pagod ka na agad makipaglaro?"

"Ano bang kasalanan ko saiyo? Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko? Huh?!"

"Malaki," madiin ang pagkakasabi niya no'n. "Na kahit buhay mo ang kapalit kulang na kulang! Unti-unti kong sisirain ang pamilya mo hanggang wala nang matira saiyo! Uubusin ko ang lahi ng mga Baider," tumawa siya nang malakas at lumabas ng office.

Mga Baider? Anong kasalanan nila saiyo?

Pinaharurot ko ang kotse at kung saan-saan hinanap si Zeal.

Preng Kean calling..

"Hey, fucking Jave!"

"What the heck? Where is my wife?!"

"Listen.. I'm sorry. Hinalikan ko si--"

"What the fuck, Kean?!"

"Yeah, what the fuck me? Asshole me?! I'm on the airport, anyways."

"What?! Sinong kasama mo?! Nandyan ang asawa ko?!"

"Wala! Kasama ko ang pamilya ko. Gusto kong lumayo saiyo at sa asawa mo! Malapit ko na talaga siyang makidnap. Pre.. humihingi ako ng tawad. Seryoso ako.. hinalikan ko si Elle." Narinig ko ang buntong hininga niya. "Nahibang ako."

Ang sakit ng dibdib ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Bukod sa best friend kita at itinuturi nang parang kapatid ang sakit, paulit-ulit na tusok sa dibdib na nagpapatindi ng paninikip nito.

Rinig ko ang mahinang hikbi ni Kean sa kabilang linya.

Umiiyak siya? Ganoon ba katindi ang sakit na nararamdaman din niya sa puntong ito?

"Isang gabi lang akong nagpakagago, pagbigyan mo na ako. Nasa penthouse ko siya puntahan mo. Gago mo naman kasi bakit mo ba sinasaktan? Aalis ako, pre. Ilang taon akong mawawala.. sana kayanin ko ngang taon mawala..sana pagbalik ko mag-best friend pa rin tayo.. Jave. Kailangan kong makalimot sa gabing ito. Mahal kita, pre. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Kung hindi mo na ako mapapatawad tatanggapin ko 'yon.. basta lagi mong tatandaan.. m-mahal k-kita, pre.."

Tulo nang tulo ang luha ko. Sobrang sakit na nanggagaling ito sa matalik kong kaibigan. Kung hindi naman dahil sa baliw na Marie na 'yon hindi magkakagulo nang ganito. Alam kong ginawa 'yon ni Zeal dahil galit siya sa akin at kilala ko siya kung paano magalit.

As in kapag galit. Galit talaga siya abot hanggang dulo ng mundo.

"Kung anuman ang nagawa mo ngayong gabi. Kahit hindi ka humingi ng tawad papatawarin pa rin kita dahil pres are pres. Ingat ka sa flight mo. Balik ka agad."

Nawalan ng imik sa kabilang linya. Nangibabaw ang segundong katahimikan.

"S-salamat, pre." Garalgal niya iyong sinabi.

Ibinaba niya ang linya. Sa totoo lang ngayon lang malalayo si Kean sa akin dahil nga siya ang dakila kong buntot. Kahit paulit-ulit ko siyang itaboy palagi siyang nasa tabi ko at sinasamahan ako.

Pre.. hanggang sa muling pagkikita. Para namang namatay na si Kean?

Gusto kong matawa sa sariling naisip.

Pinaharurot ko ang kotse papunta sa penthouse ni Kean. Hinanap ko si Zeal sa buong bahay pero wala siya. Naisip kong baka nasa tabing dagat kaya lumabas ako.

Nakita ko siya na nakaupo sa tubigan at yakap ang tuhod. Humahagulgol ng iyak.

"Magso-sorry ka nanaman? Ayaw ko na Flair," sinabi niya 'yon habang hindi nakatingin sa akin.

Lumuhod ako at mahigpit na niyakap siya. Humagulgol kami ng iyak.

"Ayaw ko nang magsalita o magpaliwanag. Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan."

"Si Kean--"

"Alam ko na. Sinabi niya sa akin."

Hinarap niya ako at ang sakit-sakit makitang nahihirapan siya.

"Bakit? Anong nangyayari sa atin? Kanina lang masaya pero biglang ganito. Ayaw kong mag-away kayo ni Kean. Nakita ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa."

"Hindi kami nag-away. Kaya ko siyang tanggapin kahit pa anong ginawa niya. Hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay ang pagkakaibigan."

Nawalan siya ng imik. "Kung sasabihin ko ba ang totoong nangyari makikinig ka?"

"Talk. I'll listen."

"Busy ako sa office may tinatapos ako nang biglang pumasok ang baliw na 'yon na hindi ko alam saan dumaan. Bigla na lang nanghalik ang siraulo at eksaktong dumating kayo."

Natahimik siya, nakatingin lang sa malayo.

Madalas, sobrang gulo na ng pagsasama namin. Bigla na lang kasing may manggugulo tulad ni Marie. Puro away, iyakan, tampuhan, sigawan at sakitan.

Kahit ano pang pinagdadaanan namin umaasa ako palaging yakap pa rin ng isa't isa ang huling tagpo.

"Mag-divorce na tayo, Flair."

Napatitig ako sa mukha niya. Seryoso siya.

Hindi kami dito sa Pilipinas nagpakasal kung hindi sa ibang bansa dahil nga may nanggugulo dito. Posibleng mangyari ang gusto niya.

Naguho ang mundo ko nang hubarin niya ang singsing at ilagay sa palad ko.

Diretso siyang tumingin sa mata ko.

"Maghiwalay na tayo."

"Hindi! Ano bang sinasabi mo?! Maaayos natin 'to, baby.. please maaayos 'to. Patawarin mo ako." Naging matunog ang pag-iyak ko at niyakap siya nang mahigpit.

"Baby.. no please! Paano si Shivelle? Hindi ko kaya! Please!"

Tahimik siyang lumuluha. Akmang tatayo siya pero hindi ko binitawan.

Paulit-ulit kong minura sa isip ko si Marie. Tingin ko wala talaga siyang gusto sa akin makikita iyon sa paraan niya tumitig sa akin kanina na galit ang mga mata parang ginagawa niya lang 'yon para manira.

"Zeal." Kapit ko siya nang mahigpit. Ayaw kong bitawan, at kahit kailan hindi ko bibitawan.

Mas matindi ang laban na ito kumpara sa bugbugan.

Dito.. kahit anong laban ko nasa kaniya ang desisyon sa pagkapanalo ko.

"I'll file a divorce."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.