Shine Clear's POV
"Zeal, please?" Yakap ako nang sobrang higpit ni Flair.
Parang aatakihin ako sa puso sa sobrang sakit nito. Sobrang laki ng guilt ko dahil pati ang nananahimik na si Kean nadamay dito.
Ang lakas ng iyak ni Flair. Mas idiniin niya ang sarili sa akin para hindi ako makaalis.
Tama bang makipaghiwalay na ako?
Hindi na maganda ang nangyayari sa amin. Puro na lang kami sakitan wala ng katapusan.
"Please.. baby." Hindi na makapagsalita nang maayos si Flair dahil siguro nahihirapan ng huminga.
"Please! Ayaw kong maghiwalay tayo. Mahal kita! Ikaw ang buhay ko! 'Wag mo naman gawin sa akin 'to. Paano ang anak natin? Si Shivelle? Please!"
Natulala ako at napatitig sa kawalan. Pumasok sa isip ko ang masasayang araw naming tatlo bilang isang masaya at buong pamilya.
"Ginagawa ni Marie 'yon dahil may galit siya sa mga Baider. Sinabi niya sa akin na uubusin niya ang lahi ninyo. Ang lahi natin."
Napalingon ako sa kaniya.
Totoo? Hindi kaya sinisira niya lang kami?
"Cherish naman.. hindi mo pa rin ba ako papaniwalaan kahit minsan nang gumawa ng kwento ang babaeng 'yon?"
Wala sa sariling nayakap ko siya. Nagkaroon ng realization sa isip ko na tama siya. Minsan nang gumawa ng kwento ang taong 'yon at hindi malabong gawin niya ulit.
"Hindi ka na ba makikipaghiwalay?" Umiiyak pa ring sabi ni Flair at hinaplos ang ulo ko.
Humagulgol ako ng iyak sa balikat niya.
"I'm sorry." Iyon ang nasabi ko sa kaniya.
Umiling siya. "Ako ang dapat mag-sorry."
Niyakap namin ang isa't isa nang sobrang higpit.
Simula sa gabing ito papaniwalaan ko kung ano ang sasabihin niya. Paiimbestigahan ko ang Marie na 'yon. Maaring may galit siya sa pamilya ko kaya sinisira niya kami.
Inalalayan ako patayo ni Flair. Natanggal ang tinik at mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.
Palaging galit ang nangingibabaw sa akin. Hindi ko alam paano babaguhin 'yon.
Naawa ako nang maisip ko si Kean. Kung hindi ko ginawa 'yon sana nandito pa rin siya pero sa kabilang banda at least nasabi niya kung ano ang nararamdaman niya.
"Baby.." tawag ko kay Flair.
"Hmm?"
"'Wag kang magagalit kay Kean. Wala siyang kasalanan. Ang kasalanan niya lang ay hindi siya maka-move on. Sana sa pag-alis niya makalimutan niya na ako at makapagsimula siya ulit."
"Hindi ako galit sa kaniya." Humalik siya sa noo ko. "Naiintindihan ko siya."
"Mabuti naman."
Pinaghilom ng oras ang mga sugat namin ni Flair. Kapag mahal mo ang isang tao palagi mo siyang tatanggapin kahit ano pang nagawa niya.
Walang masama sa pagpapatawad.
Umuwi kami ni Flair sa mansyon. Sinalubong pa kami ni Taxon at binigyan ng towel dahil basang-basa kami matapos ay pumasok na kami sa kwarto. Naglinis lang ako ng katawan at nahiga na sa kama. Parehas kaming tumitig ni Flair sa kisame. Pagod at malalim ang iniisip. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ulit ang singsing.
"'Wag mo nang huhubarin 'yan."
"Okay."
Yumakap sa baiwang ko si Flair. "I'm sorry talaga my cherish. Palagi kitang nasasaktan."
"Sorry din dahil lagi tayong nagkakasakitan."
Niyakap ko rin siya at inihilig ang ulo sa dibdib.
Nakakapagod.
"Bakit kaya nagagalit si Marie sa mga Baider?" Bigla ay tanong ni Flair.
"Hindi ko rin alam. Aalamin ko 'yon."
"Ang laki ng galit niya."
Napaisip ako sa sinabi niya. Ang daming kalaban na hindi kilala. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung sinu-sino sila.
"Baby.." tawag ko kay Flair.
"Yes, cherish?"
"Noong hinalikan ka ni Marie may naramdaman ka ba?"
"Mayro'n."
Kumunot ang noo ko at natalim siyang tiningnan.
"Umikot ang tiyan ko at nasusuka ako. Gusto ko siyang patayin sa galit ko pero pinipigilan ko ang sarili dahil babae siya."
Napatitig ako sa mukha niya. Humarap siya sa akin at tumitig sa mata ko.
"Ikaw? May.." napahawak siya sa didib, parang sobrang sakit noon. "May naramdaman ka ba noong ano 'yong sainyo ni Kean?"
"Mayro'n." Siya naman ngayon ang kumunot ang noo at nakuyom ang palad.
"Awa, galit sa sarili ko, at guilt. All this time ang buti ni Kean sa akin tapos ng dahil lang sa nangyari nadamay siya. Hindi ko dapat ginawa 'yon dahil nabuhay ko lang ulit ang feelings niya."
"Hindi mo nabuhay 'yon. Matagal niya nang kinikimkim 'yon."
"Bakit hindi siya maka-move on?"
"Siguro dahil hindi naman kayo naghiwalay, palagi pa rin kayong nagkikita. Ex needs a space and time to move on. 'Yong tipong hindi na kayo magkikita pa. In your case, nandiyan siya palaging malapit saiyo. Kailangan na nga talaga ni Kean na lumayo para ma-realize niya na masaya naman siya sa pamilya niya. Sadyang hindi lang niya mabitawan ang pagmamahal niya para saiyo."
"He kiss--"
"Don't say that. Alam ko na nga, eh. 'Wag mo nang ulit-ulitin. Alam ko naman na maganda ang asawa ko kaya kinababaliwan ng mga lalaki."
"Hindi ako maganda! 'Diba nga sabi mo bulag sila?!" Napanguso ako. "Ano bang mayro'n sa akin? Ang pangit ko naman?" Nag-isip ako.
"Pangit ka talaga," tumawa siya nang malakas kaya hinampas ko. "Ano nga bang mayro'n saiyo?" Inilapit niya ang mukha sa akin kaya napaatras ako kahit na wala namang aatrasan.
Pumaibabaw siya sa akin. Malaya kong natitigan ang pamumugto ng mata niya, ang ilong niya na namumula dahil sa pag-iyak at ang labi niya na hanggang ngayon ay kumikibot-kibot pa rin dahil sa sakit na pinagdaanan.
Saglit lang ang sakit na 'yon pero totoong matindi at hindi mapangalanan ang hirap.
"Gusto mong sabihin ko kung anong mayro'n saiyo?"
Wala sa sariling tumango ako. Nilaro niya ang pilik mata ko.
"Mga mata mo nanghahalina, kapag natitigan 'yan parang hindi na gugustuhin pang umiwas ng tingin." Kinurot niya ang ilong ko. "Hindi naman matangos ang ilong mo pero sobrang cute na bumabagay sa mukha mo." Bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Hindi gaanong mapula ang labi mo pero.." dinampian niya ng halik. "Kapag natikman mo na kaaadikan mo."
"Those are just your physical appearance. Wala pa ang iyakin mong attitude na ginugustong aluin ng mga lalaki, wala pa ang galing mong lumandi sa pakikipaglaban para makuha mo ang atensyon ng mga ito kahit pa anong ginagawa nila. Wala pa ang panghahampas mo na kahit masakit.. hahanap-hanapin mo."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "At ang higit sa lahat, ang mga ngiti mo, nakakatulala, nakakapanghina at nakaka-inlove na kahit akong asawa mo araw-araw akong natutulala sa ganda ng ngiti mo lalo na ang tunog ng tawa mo."
Pinulupot ko ang kamay sa leeg niya. "Puro pambobola lumalabas sa bibig mo."
"No! Kailan kita binola?"
"Ngayon."
"I'm saying the truth."
"Truth mo 'to." Natawa kami parehas.
"Akin na." Tatawa-tawa niyang sabi.
"Ito na," nanlaki ang mata niya nang halikan ko siya pero tumigil din ako agad at tumawa. "Parang first time mo. 'Yang singkit mong mata sobrang lumaki at rinig ko pa ang kalabog ng puso mo."
Ngumiti siya nang malapad. "See? Hindi ako nambobola. Sabi saiyo, eh."
"Baby.." hinawakan ko ang pisngi niya. "May date ako bukas."
Awtomatikong kumunot ang noo niya. "Date?"
"Oo, kay Dire Hamilton."
"Sino 'yon?"
"Isa sa nagbigay ng donations sa SCNS. Magdo-donate raw siya ng 10 milyon kung makikipag-date ako. Nag-deal ako kasi sayang naman 'yon malaki ang maitutulong ng perang 'yon para sa mga bata. Naisip kong gamitin 'yon for free school supplies nila kasi nakikita kong karamihan ay nanghihingi ng papel at ang iba ay walang pambili kahit ballpen."
"Date lang?" Kunot noong tanong niya.
"Ya. Para namang hindi mo ako kilala baka siya pa ang umuwing luhaan kapag may ginawa siyang masama sa akin."
"Okay."
Inilapit ko ang mukha sa kaniya at nang gahibla na lang ay huminto ako at ngumiti sa kaniya.
"You're seducing me again and again and again," titig na titig siya sa mukha ko.
"Ya. I love seeing you avoiding yourself."
Ngumiti siya sa akin. "Because I love you. Kung ayaw mo hindi ako mamimilit."
"I know. Lika na sleep na."
Marahan ko siyang itinulak sa tabi ko. "Good night." Humalik ako sa pisngi niya.
"Sa pisngi lang?"
"Bakit saan ba gusto mo?"
"Sa lips," ngumuso siya.
It's been a long time, but my heart never tired of beating for him.
Lumapit ako para halikan siya. Pumaibabaw ako sa kaniya at diniin ang sarili sa kaniya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa baiwang ko at mas idinikit ang katawan ko sa kaniya.
After the fight, I don't know why the kiss is sweetest of all.
"Baby.. stop na," he whispered in between kisses.
"Ayaw ko pa," sinabi ko 'yon nang hindi tinatanggal ang labi ko sa kaniya.
Marahan niya akong hiniga at siya na ngayon ang nasa ibabaw ko. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Beautiful."
Humalik siya sa noo ko. "I," sa pisngi ko. "Love," sa labi ko "You."
"I love you, more."
"Can you promise me one thing?"
"What's that?"
"Promise that you will always trust me. Lahat ng sinasabi ko ay totoo. I'm transparent to you."
From now on, I will listen to him even if what he wants to say can hurt my entire system.
I will keep my promise in my heart.
"I promise."