Javen Flair's POV
"What the shut?" Nanlaki ang mata ko nang palabas ako ng mansyon ay nakita ko ang humaharurot na kotse ni Taxon at padarag na tumabi ang sasakyan.
Kuyom niya ang palad at nanlilisik ang mata.
"What happened?" Tanong ko agad.
"Fucking asshole. If I could kill that Brekley!" Galit na galit na sabi ni Taxon.
"Anong ginawa?"
"Ugh!" Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Sinilip ko ang kotse niya. Nandoon si Vinea, natutulog.
"Anong balak mo?"
"Edi dadalhin siya sa Camarines Norte para malayo siya sa Brekley na 'yon!"
Pumasok siya sa loob ng mansyon. Sinilip ko pa muli si Vinea. Kawawa naman ang hitsura niya parang galing sa iyak at ang laki ng shirt niya.
Nagmamadaling pumasok ulit si Taxon sa kotse kasunod ay si Zeal.
"Aalis ako sasama ako kay Taxon. Babalik rin ako agad. Si Shivelle, huh?" Mabilis siyang humalik sa labi ko.
"What? No! Ilang araw ka ro'n?"
"Saglit lang," yumakap siya sa akin.
"Ingat kayo!"
Wala nanamang tao sa mansyon lahat sila pumunta ng Camarines Norte. Ang naiwan lang ay ako at si Shivelle. Bigla-bigla na lang sasama roon ang over melanin na 'yon.
Nakanguso akong bumalik sa loob at kinuha si Shivelle.
"Where are we going, dad?"
"At my office, baby. Wala si mommy umalis. Ilang araw 'yon doon."
"Bakit hindi ako sinama?"
"Nagmamadali."
Parehas kaming nagmaktol ni Shivelle kaya natawa ako sa hitsura niya. Kuhang-kuha niya ang pagkakanguso ng labi ko.
"Why are you laughing, dad?"
"Because you're cute!"
"I'm beautiful."
Pinisil ko ang pisngi niya. "Monay!"
"No! I'm not. Sexy ako."
Hindi naman ako mabo-boring at masiyadong malulungkot dahil nandito ang batang ito.
Pre..
Biglang pumasok sa isip ko si Kean. Isang buwan na siyang wala. Walang bumubuntot sa akin. Nalungkot ako sa naisip ko. Matawagan nga 'yon mamaya.
Hindi ako galit saiyo. Hindi ko kayang magalit saiyo.
Karga ko si Shivelle nang pumasok ako sa clinic. Dami na agad tao, parang naging gallery ni Kean itong clinic dahil sa mga paintings niya.
"Hi, Jave!" Malanding bati sa akin ng isang babae kaya napangiwi ako.
"Hello, I'm his daughter. He's already married with my mom, Shine Clear Baider so back off," mataray na sabi ni Shivelle.
Natigalgal ako sa sinabi niya.
Bata ba talaga ito?
"Ohh..." lumapit ang babae at akmang kukurutin ang pisngi niya.
"Don't touch me. You don't have my permission."
Halos malaglag ang panga ko.
Shut? Is it really my daughter?
Napamaang din ang babae at tumitig kay Shivelle, nagugulat sa sinasabi niya.
"And one more thing.." nakita ko ang pagtalim ng mata ni Shivelle. "Don't look directly to my eyes it makes my blood boil."
Siguro kung may timba dito napuno na ng laway ko dahil sa gulat sa mga pinagsasasabi ng anak ko.
I think she's the highest level version of me and cherish.
Ang tapang niya ay lagi niyang dala sa lahat ng pagkakataon.
Ilang ulit ko pa bang sasabihin na ang bata niya pa pero kakaiba siya mag-isip.
"Let's go, dad."
Wala sa sariling naglakad ako dumiretso sa hallway. Noon si Zeal lang ang nakakapanginig at nakakayang pahinain ang tuhod ko pero ngayon ang batang karga ko ay kaya niya ring gawin sa akin ang takot na nararamdaman ko kapag nagagalit sa akin si Zeal.
I'm raising a fearless. Obvious that she really don't know the word 'fear'. Hindi siya marunong matakot at dapat pang siya ang katakutan.
'Don't look directly to my eyes it makes my blood boil'
Tindi niya! Pati pagtingin diretso sa mata niya ay ayaw niya?
Iniupo ko siya nang makapasok ako. Nilibot niya ang mata at pinag-krus nanaman ang braso at binti.
"Dad, I want chocolates." Nagpa-cute pa siya sa akin.
Kuhang-kuha niya ang kaadikan ng nanay niya sa chocolates. Kapag ito sumakit ang ngipin tatawanan ko ito.
"Okay."
Ano raw, Jave? Okay?
Walang pagdadalawang isip kong sinusunod ang batang ito katulad ng nanay niyang may toyo.
"Santi?" Tawag ko sa sekretary ko.
"Yes, sir?"
"Pakibilhan naman ng chocolates ang anak ko." Inabutan ko siya ng pera.
"Okay, sir."
"Thanks."
Nagsimula akong asikasuhin ang mga researches ko para sa mga client at i-determine ang sakit nila according to their behaviour.
Natigilan ako nang lumapit si Shivelle sa player na nandito.
"Dad, can I open the player?"
"No. I have readings here."
Matalim niya akong tiningnan para namang nayanig ang katawan ko.
"O-okay."
Lumapit ako at binuksan ang player. Bumalik din ako sa upuan at itinuon ang atensyon sa ginagawa. Natigilan ako nang makita kong sumasayaw si Shivelle habang kumakanta pa.
Cute na cute siya!
Nakuha niya pala ang pagiging talented namin ni Zeal.
"Nak!" Saway ko sa kaniya dahil pinipilit niyang umakyat sa mataas na lamesa baka malaglag.
Binuhat ko siya at inilagay sa lamesa roon siya sumayaw. Umupo siya at ginawang drum ang lamesa. Nakangiti akong napailing-iling. Siguradong si Kil ang nagturo sa kaniya tumugtog. Muli niyang naagaw ang atensyon ko nang may kung ano siyang dinukot sa bulsa at idinampi sa labi niya.
Lipbalm! Talaga si Diamond!
Dumating ang sekretary ko kaya natigil siya sa pagsasayaw at kumain ng chocolate. Napatakbo ako nang akmang bababa siya at 'di maabot ang semento. Binuhat ko siya at ibinaba.
"Look.. daddy!" Ipinakita niya sa akin ang chocolates na nakadikit sa ipin niya na pinagmukha siyang bungal kaya natawa ako.
"Dad. I'm dirty." Ipinakita niya ang kamay niya na puro chocolate kaya binuhat ko nanaman papunta sa banyo at hinugasan ang kamay niya.
Nanlaki ang mata ko nang wisikan niya ako ng tubig at tumawa.
"Laki ng mata mo, dad!"
"Ikaw talaga!" Mahina kong kinurot ang ilong niya.
Nanood siya ng loud house kaya nanahimik ang buhay ko.
"Dad.." pupungay-pungay ang mata niyang lumapit sa akin.
Kinarga ko siya at inilagay sa hita ko. Inaantok na ito. Nakatulog siya sa akin kaya dahan-dahan kong inihiga sa sofa.
"Pre!"
"Shh!" Asik ko kay Rev.
"Ohh.. alaga mo pala si Shivelle ngayon. Nasaan si Elle?"
"Umuwi ng Camarines Norte."
"Bakit 'di ka sumama?"
"May trabaho ako."
"'Di pa rin bumabalik si Kean?"
"Hindi pa."
Naalala ko bigla na tatawagan ko nga pala siya. Tinawagan ko siya akala ko ay sinagot niya.
'When you hear this, I'm busy healing my heart so don't disturb me.'
Sabay kaming natawa ni Rev. Loko talaga ang Kean na 'yon.
"Healing my heart?" ang lakas ng tawa ni Rev kaya binato ko.
"Noisy! Mamaya magising si Shivelle."
"Oh.. sorry." Umupo siya sa harap ko. "Ano kaya kung ipakasal natin si Renvert at Shivelle?"
Napabungisngis ako. "Baliw ka ba? Ilang taon ang tanda ng anak ko sa anak mo na ngayon ay sanggol pa lang."
"So what? Age doesn't matter."
"Ikaw pati anak mo dinadamay mo pa sa kalokohan mo."
"I'm just suggesting," bumungisngis siya. "Gagong Kean nakakamiss din ang gago. Wala akong mabatukan nang malakas. Gago talaga."
Natawa ako sa kaniya.
Ilang beses niya bang babanggitin ang salitang gago?
"Ano ba kasing nangyari?" Bigla ay tanong niya.
Natahimik ako. Ayaw ko nang buksan pa ang issue inaayos na nga.
"'Wag kang chismoso, pre."
"Gago kasi kayo. Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo sa iisa pa kayo nagkagusto? Well.. alam ko naman na kapag tumibok ang puso wala ka na--" natigil siya sa pagkanta nang tumawa ako.
"Ikaw kapag nandito ka sumasakit ang tiyan ko kakatawa! Pakanta-kanta ka pa!"
"Ewan ko sainyong mga gago kayo. Basta ang akin lang umuwi na ang gagong Kean na 'yon. Paalis-alis pa siya babalik din naman."
"Hayaan muna natin siya. Healing his hearts nga raw."
"Anyways, Jave.. kumusta kayo ng iyong una at huling pag-ibig?"
"Ayos naman kami."
"Buti naman kung gano'n."
"Kayo ni Ali?"
"Masaya pa rin. Binabato ako ng kaldero dahil sa pang-aasar ko sa kaniya araw-araw kapag ako nainis aanakan ko ulit 'yon."
Napahagalpak ako ng tawa. "Loka ka talaga!"
"Alam mo ba pre. Nilagyan niya ng langgam na pula ang susuotin kong damit dahil nainis sa akin. Ako naman 'ayon punong-puno ng kagat ng laggam. May sapak talaga sa ulo i-check mo na nga 'yon."
Napatakip na ako sa bibig dahil ayaw kong magising si Shivelle sa tawa ko.
"Bawat pananakit niya sa akin hinahalikan ko tahimik agad." Humagalpak siya ng tawa.
"Loko ka talaga. Bawasan mo kasi mga kalokohan mo sa buhay."
"Baka ikamatay ko kung babawasan ko."
Sabay kaming tumawa. Tinakpan ko ang bibig niya dahil lumalakas ang tawa niya.
Bakas ang pagkakangiti ko kahit umalis na si Rev. Loko talaga ang isang 'yon parang hindi marunong malungkot.
Kil calling...
Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Hello?"
"Jave.. nandito ako sa Camarines Norte paki-order naman ako ng okra."
"Huh? Aanhin mo naman ang okra?"
"Paborito 'yon ni Arahmel. Ipadala mo sa bahay nila."
"Gano'n ba ang manligaw ngayon? Gulay na ang dinadala?"
"Gawin mo na lang tapos lagyan mo ng note na 'I'll be back soon, babe.'"
"Seriously?"
"Oo, in denial muna ako kala lolo tungkol kay Arahmel baka madaliin ako."
"Ikaw bahala."
"Sige.. thanks.. bye!"
"Bye!"
Sinulyapan ko si Shivelle, tulog pa rin. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Kamukha ko siya pero minsan humahawig din kay over melanin. Na-miss ko tuloy ang babaeng 'yon.
Bakit kasi sasama-sama pa siya roon?
Kinulit ko nang kinulit sa text na umuwi na st panay ang tawag ko.
I miss you, my cherish...