Javen Flair's POV
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ang laki na ng eyebags ko dahil ilang linggo na si Zeal sa Camarines Norte hindi pa rin umuuwi. Alam naman niya na hindi ako nakakatulog nang hindi yakap ang baiwang niya.
Tawag ako nang tawag tapos hindi pa sinasagot. May kumatok sa pinto kaya binuksan ko. Napangiti ako nang makita si Shivelle na nakanguso at magka-krus ang kamay na nasa dibdib niya. Kinarga ko siya at iniupo sa kama.
"Hindi pa umuuwi si mommy?"
"Hindi pa. Tinatawagan ko na nga."
Natawa ako dahil sa haba ng nguso niya. "Nak, masugatan na ako sa bibig mo."
Padarag siyang humiga sa kama at nagikot-ikot. Tinotopak din katulad ng over melanin na 'yon.
"I'm home!"
Parehas kaming napalingon sa pinto nang bumukas iyon. Nagpaunahan kami ni Shivelle na marating si Zeal. Imbes na ako ang yakapin ay kinarga niya agad si Shivelle.
Hindi man lang ako na-miss? Psh.
"Bakit ganyan ang mata mo?" Tanong niya agad sa akin.
"Tinatanong mo pa! Hindi naman ako nakakatulog ng wala ka."
"Oh.. so sweet of you my impakto." Kinurot niya ang pisngi ko, nakunot ang noo ko nang makitang pulang-pula ang kamao niya.
Ngayon ko lang napansin na may mga galos siya.
Nakipagbugbugan nanaman siya at sa Camarines Norte naman ngayon?
Mamaya ko na ito tatanungin pag-alis ni Shivelle. Kinulit niya pa ang anak at matapos hinatid namin sa kwarto nito.
Pagsarado pa lang ng pinto ay hinila ko na siya paupo sa kama at matalim na tiningnan.
"Ano nanaman ang nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Saan ka nanaman nakipag-basag ulo? Alam mo bang na--" natigil ang pagsasalita ko nang halikan niya ang labi ko.
Suhol niya nanaman 'yan sa pagtatampo ko.
Matunog akong bumuntong hininga.
"Niligtas namin si Taxon at Vinea sa mayor na 'yon kaya hindi kami nakabalik agad."
"'Yong mayor na nakaaway niya noon?"
"Oo, Mayor Calandria."
"Kumusta na sila ngayon?"
"Okay naman na. Iniwan namin sila roon para makapag-usap nang masinsinan sana maging okay na ang lovelife ni Taxon."
"Magiging okay rin 'yon."
Sa mga sumunod na araw ay naiinis na ako kay Zeal. Palagi siyang wala sa tabi ko tuwing gigising tapos laging sugat-sugat hindi ko alam saan nanggaling. Kasama niya palagi si Lance at Nel Jan.
"Aalis ka nanaman? Kararating mo pa lang?"
"Yes.. baby. I'm busy. I'm sorry."
Mabilis niyang dinampian ang labi ko at saka tumakbo paalis. Kinuha ko ang jacket at cap na black.
Sundan ko nga ito.
Hiniram ko ang motor ni Kil para sundan siya. Nalukot ang mukha ko nang makitang sa bahay siya ni Nel Jan pumunta.
Shut! Ano nanaman ginagawa nito dito? Sobrang close naman nila?
Nagngitian ang dalawa habang may pinag-uusapan. Sunod na dumating ay si Lance, naka-motor at black na black, pare-parehas sila.
Napamura ako nang sumakay si Zeal sa motor at sa likod niya ay si Nel Jan. Kumulo ang dugo ko nang humawak siya sa baiwang ng asawa ko. Pababa na sana ako nang umandar ang motor nila kaya sinundan ko.
Huminto ang motor nila sa abandonadong lugar. Nakita kong nagsuot sila ng maskara ng Dreadful Gang. Nanlaki ang mata ko nang tingnan ako ni Zeal at tumakbo papunta sa akin.
Mabilis na umigkas ang paa niya patama sa mukha ko pero inilagan ko. Hindi niya ako nakilala dahil sa helmet na suot ko. Hinapit ko ang baiwang niya. Pumalag siya at pasipa sana sa maselang parte ng katawan ko pero tinanggal ko na ang helmet.
"Baby?" Namaang ang labi niya. "Anong ginagawa mo rito? Sinisira mo ang plano! Umalis ka na!" Pinagtulakan niya ako paalis.
"Ayaw ko! Sasama ako."
Napabuntong hininga na lang siya. Lumapit siya kay Nel Jan at binigyan ako ng maskara.
"Manood ka lang 'wag kang basta kikilos delikado itong misyon namin ngayon."
Isinuot ko ang maskara. "Okay."
Pumasok kami sa loob kasama ang buong miyembro ng Dreadful Gang.
"Nandito na ba si Mr. S?" Tanong ni Nel Jan.
"Nandito na pero ayaw raw makipag-usap kahit kanino."
"Pakisabi Master of Dreadful Gang."
"Sige po."
Maya-maya pa ay lumabas na ang lalaki, takip ang mukha niya.
"My friend!" Bati nito kay Nel Jan.
"Kumusta?" Bati pabalik ni Nel Jan.
"Bibili ka raw ng drugs?"
Drugs? Nanginig ang katawan ko sa gulat.
Ano ito? Anong klaseng misyon ito?
"Oo sa isang kondisyon. Gusto kong makita ang mukha mo."
"Ohh that's bad. I can't."
"Sayang naman ang additional 1 million para makita ko lang ang mukha mo."
Inilibot ng lalaki ang mata at huminto siya kay Zeal.
No way! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag hinawakan niya ang asawa ko!
"Eto raw 'yong girlfriend mo?" Tanong ng lalaki.
Girlfriend? Sira ba ulo niya? Asawa ko 'yan, eh!
"Oo. Halika, babe."
The fuck?
Lumapit si Zeal kay Nel at pinulupot ang kamay sa braso nito. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo kahit alam kong palabas lang ito nakakapag-init ng ulo. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi magulo ang plano.
"So sweet, master. Pwede ko bang malaman ang pangalan ng iyong binibini?"
"Isabel," sagot ni Nel.
Palabas nga. Nakahinga ako nang maluwag pero ngitngit pa rin ako sa selos.
"Ang ganda ng pangalan niya siguro kasing ganda ng mukha niya? Pwede ko bang makita ang mukha n--"
"I'm sorry, Mr. S. Hindi siya ang transaksyon 'wag ka sa kaniya mag-focus."
"Ohh.. my bad. Mahal na mahal mo nga ang babaeng 'yan."
"Oo naman. Balak na namin magpakasal."
Nakuyom ko ang palad ko.
Ano ba Jave! Umayos ka palabas lang ito!
"Going back to transaction. Ipapakita mo ba ang mukha mo?"
"Sayang ang isang milyon kaya deal ako pero gusto ko sa room ko tayo. Tayong dalawa lang."
"Can I join, babe?" Malanding sabi ni Zeal.
Gigil na gigil na ako sa babaeng ito. Ganito talaga siya sa laban pero hindi ako masanay-sanay.
"Okay. Is it okay to you, Mr. S?" Tanong ni Nel.
"Sure para sa magandang binibini."
Umalis silang tatlo papasok sa room. May tumabi sa akin at nasisiguro kong si Lance.
"'Wag kang bibigay sa selos mo masisira ang plano," bulong niya kaya pilit kong pinakalma ang sarili.
Inikot ko ang mata ko. Nakita kong nakapalibot sa amin ang mga lalaki. Nakasukbit sa balikat nila ang mga baril, isang maling galaw namin ay tumba kami gano'n iyon kadelikado.
Naiinip na ako dahil hindi pa rin sila lumalabas. Hanggang sa lumabas na sila magkahawak kamay pa si Nel at Zeal talaga naman oo!
Ganap na ganap! Yari 'to sa akin paglabas.
"Salamat, master!" Masiglang sabi ni Mr. S.
"Anytime, Mr. S."
"Babalik kayo, huh?"
"Oo naman."
"Salamat."
Lumabas na kami. Ang talim ng tingin ko sa kamay nilang hindi pa rin nagbibitaw.
Shemay na 'to!
Hindi ako nagsalita, sumakay kami sa kaniya-kaniyang motor. Sinundan ko sila hanggang sa marating namin ang isang lugar.
"Entrance key," sabi ng bantay.
"z4," tiningnan ako ni Zeal at hinila papasok. "Asawa ko siya."
Pumasok kami sa loob, sa labas kung titingnan mo ay parang maliit na gate lang pero kapag pinasok mo ang laki ng loob noon. May training area na open field, mapuno at carpeted. Maraming kabataang nag-eensayo. Maraming pasikot-sikot sa loob.
Ang naririnig kong tawagan nila ay G, H, LJ, K, MM, mga letra na hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin.
"Tito Rill!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko.
"Pasensya na BossRill naisama ko dito ang asawa ko at ang kaibigan namin na si Nel Jan siya ang tumulong sa amin sa misyon. May nalaman na kaming impormasyon at magiging madali na sa amin na hanapin ang mga branches niya," dire-diretsong sabi ni Zeal.
Nang mapasulyap ako kay Nel ay tiningnan ko siya nang masama. Ngumisi siya at umakbay sa akin.
"Sorry, dude. Parte ng plano alam ko naman na mamamatay ka na sa selos pero 'wag kang mag-alala hinawakan ko lang ang kamay wala akong ibang ginawa."
"Psh," inis kong sabi.
"NJ, Halika," tawag ni Zeal sa kaniya. "Pagkatiwalaan natin siya BossRill marami siyang alam sa information technology kaya niyang mahanap ang mga branches."
Tumango si BossRill, hirap siyang kumilos kaya inalalayan ko. Doon ko lang nakita na may tama siya sa tiyan.
"Okay ka lang, Tito Rill?"
Tinapik niya ang balikat ko. "Okay lang." Ngumiti siya. "Usap tayo mamaya may pabor akong hihingiin saiyo."
Nag-usap sila sa pribadong room. Naiwan ako sa labas. Muntik na akong makatulog dahil sa tagal nila.
"Sige na makakaalis ka na, NJ." Tinapik ni Tito Rill ang balikat niya. "Salamat sa tulong. Alam kong tatanggapin mo ang alok ng organisasyon."
"Pag-iisipan ko," sagot ni Nel at nagpaalam na rin.
"Mag-uusap tayo, Jave, LJ at z4."
Tumango kami at umupo sa harap niya.
"Matanda na ako," ngumiti siya. "Kaya balak ko na talagang iwan ang HTH at magpahinga na. Balak ko itong iwan sa inyo."
Nagulat kaming tatlo. "Pati ako kasama?" Tanong ko.
"Oo. Balak kong labagin ang rule na bawal ang magkapamilya, o mag-asawa sa organisasyon. Ibabasura ko na ang rule na iyon."
Tumango ako, mabuti at makakasama ko na si Zeal hindi na ako mag-aalala.
"Binigyan ko ng imbitasyon si Nel Jan Quijada as NJ na sumali sa HTH, maging sina Revnel Han Sin at Kean Patrick Valencia. Wala pa silang tugon pero kung kakausapin ninyo sila mapapapayag n'yo sila. Malaki ang maitutulong nila sa organisasyon at natitiyak kong hindi n'yo pababayaan ang isa't isa dahil alam kong matindi ang pagmamahal n'yo sa bawat isa."
Tamang-tama ang sinabi niya. "Kapag napirmahan ko na ang pag-alis ko. Gusto kong ikaw Jave ang maging partner ni z4. Si LJ at NJ ang magpartner at si Kean at Revnel naman pero hindi kayo susugod na dala-dalawa, susugod kayo bilang isang malaking pwersa. Matagal kong pinag-isipan ang bagay na ito."
"BossRill hindi ko alam kung kaya namin nang wala ka," nag-aalalang sabi ni Lance.
Ngumiti sa kaniya si Tito Rill. "Hindi mo pinagkakatiwalaan ang sarili mo pero ang totoo napakagaling mo. Negative ka lang mag-isip.. nagagawa mo ng tama ang misyon at talagang dedicated ka sa HTH at iyon ang lakas mo."
Tinapik niya ang balikat ni Lance. "Ikaw lang ang nakita kong Break Bone Adept," tumawa siya. "Ang walang kahirap-hirap na bumabali ng buto."
Napangiti kami ni Zeal, gulat man si Lance sa papuri na iyon ay napangiti rin siya.
"Jave, anong gusto mong maging codename?"
"JF," nakangiti kong sabi.
Lumapad ang ngiti niya. "Ang dali mo talagang mapapayag na sumali."
Napatitig ako sa mata niya, oo nga 'no? Wala pa man lang ay sinabi ko na ang codename, ibig sabihin ay pumapayag ako agad.
"JF, ang tawag sa lugar na ito ay 'sikreto' ito ang hide out ng HTH, Hand to Help Organization. Walang basta-basta nakakapasok dito dahil mahigpit ang seguridad. Hindi ka rin makakasali dito kung traydor ka dahil may mga psychologist o sabihin na natin na katulad mo na nagbabasa ng behaviour ng tao."
Tumitig siya sa mata ko. "Ang pinakamahalagang rule ng organisasyon ay ang tumulong.. Kahit anong oras kapag may nakakita kang kailangan tulungan ay dapat na tumulong. Mahigpit na pinagbabawal ang panoorin lang ang mga taong humihingi ng tulong. Sumumpa na handang mamatay para sa kapakanan ng ibang tao."
"z4, anong gusto mong itawag saiyo kapag boss ka?"
Ngumiti si Zeal sa kaniya. "Boss z4."
"Good! Ikaw ang papalit sa akin bilang boss."
Natigilan si Zeal at napatitig sa kaniya. Maging siya ay ginawan niya rin ng gano'n. Iyong akala mo tinatanong ka lang pero ang totoo pinapapayag ka niya sa isang bagay na kahit hindi niya itanong nasasagot iyon.
"Ikaw ang gusto kong mamuno ng organisasyon, Boss z4."