Shine Clear's POV
"Ikaw ang gusto kong mamuno ng organisasyon, Boss z4."
Napamaang ang labi ko sa gulat.
Ako? Ako ang pinipili niyang mamuno?
Isa iyong karangalan subalit malaking responsibilidad. Lahat ng kilos, utak at plano ay magmumula sa akin. Nakasalalay sa akin ang buhay ng mga tao. Hindi ko kakayaning dumating ang araw na may mamatay na kahit isang miyembro ng HTH pero kapag naiisip ko na sasamahan ako ng asawa ko, ni Lance, Nel, Kean at Rev, lumalakas ang loob ko dahil alam kong kahit anong laban hindi na ako mag-isa, kasama ko sila.
"Alam ko kung ano ang kaya mong gawin, z4. Nakita at napatunayan ko na 'yon. Kung malakas ka na kahit mag-isa mas lalakas ka pa kapag kasama mo ang mga kaibigan mo lalo na ang asawa mo. Kitang-kita ko kung gaano kabuti ang puso mo para sa iba. Hindi lang ganda, talino, at galing ang myro'n ka, may malaki kang puso."
"Salamat, BossRill," nangilid ang luha ko.
"Matatag ka na dahil pinatatag kita. Kahit umiiyak ka hindi pa rin mapapantayan noon ang lakas mo sa pakikipaglaban." Tumayo si BossRill upang yakapin ako, isang mahigpit na yakap at saka niya binalingan si Flair.
"Itutuloy mo ang gustong gawin ni Rose, ng aking partner."
Ngumiti siya nang malapad. "Isa 'yong malaking karangalan at nasisiguro kong matutuwa si mommy at magiging proud sa akin."
"That's Rose's son," tinapik-tapik niya ang balikat ni Flair.
Mahigpit niya kaming niyakap, kaming tatlo nila Lance.
"Naniniwala ako sainyo."
Matapos noon ay dumiretso na kami sa bahay ni Rev para kumbinsihin ang loko na 'yon. Si Kean ay hindi namin alam kung papaano namin pupuntahan, hindi siya sumasagot sa tawag.
"Ayaw ko! Tahimik na ang buhay ko makikipag-balibagan nanaman ako!"
"Pre.. kailangan ka namin," inis na sabi ni Flair.
Ngumisi bigla si Rev. "Sabihin mo munang love mo ako tapos.." sinenyas niya ang pisngi. "Kiss mo ako rito."
Natawa kami ni Lance. Akala ko seryosong hindi sasali sa HTH tapos ngayon ay heto ang siraulo iniinis nanaman si Flair.
"Suntukin ko pisngi mo!" Inis na sabi ni Flair.
"Fine!" Tumalon siya sa sofa na kinauupuan namin kaya halos tumalsik kami. "'Di ako sasali! Kiss lang at I love you ayaw mo pa gawin?"
Siraulo talaga! Halata namang nangtri-trip lang siya.
"Ako nga tigil-tigilan mo!" Asik ni Flair sa kaniya.
"Tigilan mo rin ako! Hindi ako sasa--" bigla ay napasulyap siya sa akin at ngumisi. "Kung ayaw mo gawin edi asawa mo na lang."
Napatayo si Flair at tiningnan siya nang masama. "Talaga ikaw Revnel Han Sin ka! Bagay na bagay ang apilyedo mong makasalanan! Ang lakas talaga ng sapak mo!"
Tumawa nang malakas si Rev, biglang huminto at nagseryoso. "It's a no!" Diniinan niya ang salitang 'no.'
Inis na inis na si Flair at nahilamos ang mukha.
Alam ko na!
Lumapit ako nang kaunti kay Rev. "Sige, ako na lang ang hahalik," akmang ngunguso na ako nang biglang tumakbo si Flair at mabilis pa sa alas kwatro na hinalikan ang pisngi ni Rev at mabilis na nagsalita.
"Labyu, pre.."
Napahagalpak kami ng tawa sa hitsura ni Flair. Pinunasan niya ang labi at lukot na lukot ang mukha.
"Bading!" Ang lakas ng tawa ni Rev. "Labyu, too, pre." Mabilis niyang dinampian din ng halik ang pisngi ni Flair at niyakap na parang bading.
Tawa kami nang tawa. Inis na inis si Flair habang nagpupunas ng pisngi niya.
"Kabaklaan mong Sin ka!" Asik ni Flair sa kaniya. Ang lakas pa rin ng tawa naming tatlo.
Ang sarap talagang asarin ng impaktong ito.
"Sabihin ko kay Kean magpakipot din at humingi ng kiss kay Elle," mala-demonyong tumawa si Rev kaya binatukan ni Flair.
"Puro ka kalokohan! Siraulo rin naman ang isang 'yon mamaya totohanin!"
"Edi masaya," tumawa nanaman ang Rev, nahawa kami kaya tawa rin kami nang tawa kahit si Flair ay nanlilisik na ang tingin.
Pinuntahan muna namin ang room ni Renvert Aliro Sin.
"Ang baby," kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Ang cute mo!" Pinangigilan naman ni Flair ang pisngi niya.
Si Lance naman ay nilaro ang kamay niya. Napaka-cute ng batang ito. Matapos namin siyang panggigilan ay umalis na rin kami.
"Paano natin mapapapayag si Kean?" Tanong ni Lance.
"Madali lang 'yon," ngumisi si Flair. "Pero 'di ko alam kailan babalik, nage-emote."
"Bakit?"
"Secret," malokong ngumisi si Flair.
Mahal talaga niya si Kean, kahanga-hanga, tunay na kaibigan.
Umuwi na rin si Lance kami naman ni Flair ay sa mansyon dumiretso. Naabutan namin si Diamond na sinusuotan ng dress ang anak namin. Ang daming paper bag na pinamili.
"Mommy, daddy! I'm a princess!" Umikot si Shivelle at ipinakita sa amin ang pabukang pink na dress, may korona pa siya.
Ang cute niya.
Kapag na kay Diamond siya babaeng-babae, kapag na kay Kil rakista! Itim na itim ang suot at lalaking-lalaki kumilos. Kapag na kay Taxon, tahimik, walang emosyon at nakaupo lang siya habang nagbabasa ng kung anu-ano.
Iba't iba tuloy ang personalidad niya pero madalas kapag kaharap ang ibang tao wala siyang emosyon at matapang na parang laging naghahanda sa anumang laban.
"Wow! Always beautiful!" Kinarga ni Flair ang anak at hinalik-halikan sa pisngi. Lumapit din ako para gawaran siya ng halik.
Sinukat-sukatan pa siya ni Diamond kaya pumasok na ako sa kwarto at naghanap ng isusuot. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may yumakap sa likuran ko.
"Mmm," inamoy-amoy ni Flair ang buhok ko. "Ang bango ng asawa ko."
"I know."
Humarap ako sa kaniya, nauwi sa halikan bago ako pumasok ng banyo at naligo. Lumabas ako ng banyo ng naka-robe lang, sunod na naligo ay si Flair. Dumapa ako sa kama at hinanap sa data ng laptop ang mga sinend ni Nel Jan.
Nakita ko na ang mukha ni Mr. S at ikinagulat ko kung sino siya.
Si Sinister Hindmon!
Muntik pa niyang ipatanggal ang maskara ko at ni Nel buti na lang at pumayag siyang 'wag na dahil sabi ni Nel.
"Kapag nakita mo ang mukha ko at ng girlfriend ko. Tig-limang milyon ang kapalit noon bali sampong milyon gano'n kamahal ang makita man lang ang mukha namin."
Kakaiba ang tapang ni Nel Jan at awtoridad. Sanay na sanay sa ganoong bagay. Iyon ang sinabi niya na nakapagpabago sa isip ni Mr. S.
Sinister Hindmon, one of the top druglord around the world. He invests and donates money to the other company, school and organizations to gain a costumer, friends and partners to his drugs' business. He is the most dangerous man because of his undeniable power and authority. He has many branches around the world especially in the Philippines.
May biglang dumagan sa likod ko at yumakap sa akin. Naglalambing nanaman ang isang ito.
"I love you, my wife," humalik siya sa leeg ko.
"I love you, too. Mamaya ka na lumandi busy ako."
"Okay."
Yumakap na lang siya habang nakadagan pa rin sa likod ko.
Tinawagan ko si Lance.
"Si Mr. S ay si Sinister Hindmon. Sobrang laking sindikato na hawak niya. Nakilala ko na siya dahil isa sa nag-donate sa SCNS. Kailangan natin pagplanuhan ito. Since wala pang bisa ang pagsali ni Rev at Nel tayong dalawa ang aasahan dito."
"May nakalap akong impormasyon na may branch siya dito sa Makati. Nanghingi ako ng pahintulot kay BossRill.. papasabugin natin 'yon."
"Sige.. we need a tightly well plan."
"Isasama ba natin si Nel?"
"Hindi na siguro."
"Sige, partner. Bye ingat."
"Ikaw rin, bye partner."
Tiningnan ko si Flair na ang mukha ay nasa balikat ko, nakatulog na siya sa likod ko. Dahan-dahan kong inayos ang pagkakahiga niya. Hinaplos ko ang noo, ilong at labi niya.
"Sleep well, my impakto." Humalik ako sa noo,"I," sa ilong. "Love," at sa labi. "You."
Hindi pa ako natulog at binasa pa ang documents. Ang dami niyang branches at lahat 'yon ay dapat pasabugin para mawala na at tuluyang bumagsak siya.
Bigla ay naisip ko si Kean kaya dinial ko ang phone niya.
"Hello?"
Kinabahan ako nang sagutin niya. Nakakailang naman.
"Kumusta?"
"Okay lang."
"Kailan balik mo?"
"Hindi na ako babalik."
Nanlaki ang mata ko. "Huh? Bakit? Ano ka ba--" natigil ako nang marinig ang tawa niya sa kabilang linya.
"Naniwala ka naman? Bakit miss mo na ako?"
Natahimik ako. Miss ko naman talaga siya dahil kaibigan namin siya.
"Joke lang," tumawa nanaman siya. "Ang awkward ba? Sorry. Dito muna kami nag-eenjoy ang mag-ina ko."
"Mabuti naman. Natanggap mo pala ang email ni BossRill?"
"Oo."
"Sasali ka?"
"Hindi. Ayaw ko na makipag-bugbugan."
"Sumali ka na.. please?"
"Sa isang kondisyon."
Kinabahan naman ako sa kondisyon niya.
"Ano 'yon?"
"Patawarin mo ako at ni Jave."
Tumawa ako nang malakas. "Hindi mo na kailangan humingi ng tawad. Pinatawad ka na namin."
"Baka galit ka pa rin si Jave? Takot ako, eh." Tumawa nanaman siya.
"Hindi nga."
"Baka mamaya pag-uwi ko lamay ko na agad dahil galit si Jave."
Tumawa nanaman ako. "Hin--" naputol ang sasabihin ko nang agawin ni Flair ang phone. Tinitigan niya ang caller at ikinagulat ko ang pagngiti niya.
"Kapag ako ang tumatawag saiyo busy ka! Kapag asawa ko sagot agad! Umuwi ka na at ng mabatukan na kita! Wala akong mabatukan sa clinic at naiirita na rin ako sa mga fans mo na hanap nang hanap saiyo," dire-diretsong sabi ni Flair.
Nakangiti kong pinanood ang pagtawa ni Flair. Isang kisap mata ay okay na sila. Mas lamang ang pagmamahal niya para rito kaysa sa galit. Kung anu-ano ang napagkwentuhan nila ni Kean na halos hindi na matapos ang tawag.
Miss na miss siguro nila ang isa't isa.
Nagpapagulong-gulong na si Flair kakatawa sa hindi ko alam na dahilan. Habang nakahiga siya ay dumagan ako sa ibabaw niya at doon ko na ipinikit ang mata ko. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko habang kausap pa rin si Kean.
Real friend will never be broken no matter how big your mistake they will accept you without hesitation.
Walang papantay sa pagmamahal ng tunay na kaibigan.
"Lagi akong handa kang patawarin."