Chapter 88

Shine Clear's POV

Nagbihis na ako ng itim na itim, naglagay ng mask at cap. Kinuha ko ang backpack ko. Sinilip ko ang natutulog na si Flair.

11 pm.

Pupuntahan namin ni LJ ang unang branch na malapit at pasasabugin. Delikado ito dahil siguradong maraming bantay roon.

Humalik ako sa labi ni Flair bago lumabas. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Diamond. Pupungay-pungay siyang lumabas.

"What? You disturb my beauty rest. Magbabayad ka ng malaki."

"Oo na. Alagaan mo si Shivelle. Aalis na ako at si Flair pagbaunan mo ng pagkain."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ano ako? Ako, me ba ang wife?" Nag-roll eyes siya.

Niyakap ko na lang siya. "Thanks, cousin. Mwa!"

Tinalikuran ko na agad siya at pumasok sa kwarto ni Shivelle para humalik sa pisngi. Paglabas ko ng mansyon ay nandito na pala si LJ.

"Tagal mo!" Asik niya agad.

"Ang inipin mo, partner."

"Yeah. You know."

Pinaandar na niya ang kotse. Huminto kami sa 'di kalayuan. Sinilip namin, may limang bantay agad.

"What's our plan?" Tanong ko kay Lance.

"Nakita mo 'yon?" Tinuro niya ang mataas na pader sa gilid. "Aakyatin natin 'yon. Pinag-aralan ko kung ilang perimeter makakarating tayo doon sa loob ng limang minuto kung magmamadali tayo."

Tumango ako. "What if sa main en--"

"No! Stop the flirt act, z4! Makinig ka sa partner mo."

"Okay."

Isinuot namin ang backpack na may lamang bomba. Dahan-dahan kaming lumapit sa tabi. Binato ko ang lubid, ilang beses ko iyong ginawa hanggang kumapit sa bakal. Pinauna akong umakyat ni LJ. Napamali ako ng apak sa lupa kaya natapilok ako, tinakpan ko ang bibig ko para hindi makasigaw sa sakit ng paa. Sunod ay tumalon na si LJ.

Luminga-linga kami kung may tao. May nakita kaming lalaking umiihi. Mabilis siyang pinaamoy ni Lance ng pampatulog kaya tumba na agad.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob, napatago kami nang biglang may magpaputok. Parehas kami napamura ni LJ.

"Dami pa naman nila," inis na sabi ni LJ.

"Let's do this! Fight!" Pinagbunggo namin ang kamaong nakatiklop at sabay lumabas.

Nanipa agad ako dahil may sumugod agad. Kinuha ko na ang kutsilyo sa hita ko at itinutusok sa hita ng bawat lalapit. Sinipa ko sa dibdib ang isa at sinuntok ang nasa harap ko. May nagtutok ng baril pero hinawi ko lang 'yon kaya tumalsik sa kung saan. May muling nagtutok kaya pinilipit ko ang kamay habang abala sa paninipa. Ang sunod kong ginawa ay pinagsisipa ang mga birdy nila kaya pumalahaw sa sakit. May nakasuntok sa likod ko kaya pinilit kong bumalanse para hindi matumba nang harapin ko siya ay nasuntok ako sa mukha kaya natanggal ang cap ko.

"Babae?" Nanlilisik ang matang tanong ng lalaki, akmang susugod siya ulit pero ubod lakas kong sinipa.

"Partner?" Tinatawag ko si Lance kahit hindi nakatingin sa kaniya.

"I'm good," tugon niya.

Mabilis na kumikilos si Lance para baliin ang buto sa kamay ng mga kalaban. Kapag pagod na siya ay naninipa at suntok na rin.

'Di na maubos-ubos! Kailangan nang kumilos!

Pumunta ako sa gilid habang si LJ ay nakikipagsuntukan pa rin. Mabilis kong inilabas ang bomba at sinet 'yon. Pagtingin ko kay LJ ay pinagkukumpulan na siya kaya tinakbo ko agad ang pagitan namin. Sipa ako nang sipa kaya tumatalsik sila sa kung saan. Itinapon ko kay LJ ang backpack ko.

"I-set mo na."

"Pero.." nag-alangan pa siya.

Ganyan siya palagi, kulang siya sa tiwala sa sarili niya hindi niya nakikita kung gaano siya hinahangaan ng mga tao sa HTH lalo na ni BossRill at ako.

"Magtiwala ka sa sarili mo."

Pagkasabi ko noon ay umaliwalas ang mukha niya at mabilis na tinahak ang mga kantong paglalagyan namin. Madalas si LJ ang may hawak ng computer at pinag-aaralan ang area at ako naman ang sugod nang sugod kaya alangan talaga siya kapag siya na ang gagawa dahil takot siyang magkamali.

Nasuntok nanaman ako sa mukha kaya inis kong sinuntok din ang lalaki. May nakahawak sa braso ko at nasuntok ako sa balikat, agad ko siyang sinipa. Marami na akong sugat at pasa dahil sa dami nila.

Nilingon ko si LJ na tumatakbo papunta sa iba pang silid. Hinawakan niya ang braso ng isa at napangiwi ako nang marinig ang tunog ng nabaling buto.

See? Tiwa lang. Ganoon siya kalakas.

Nang-apak siya sa paa, ganoon siguro kalakas 'yon para humiyaw sa sakit ang lalaki. Maluha-luha na rin ang isa pa dahil pinilipit niya ang kamay papunta sa likuran. 'Di rin niya pinaligtas ang papasugod pa lang sinipa niya na agad at inapakan pa nang matumba.

Napapangiti ako habang pasulyap-sulyap sa kaniya.

Lakas ng partner ko.

Tiningnan ko ang nasa harapan ko laking gulat ko nang may hawak pala siyang kutsilyo kaya dagli akong umiwas nadaplisan ako sa braso. Umilig ako pakanan nang itatarak niya nanaman sa akin. Nahawakan ko ang kamay niya at pinilipit, napangisi ako nang makuha ko ang kutsilyo at itinarak ko sa tiyan niya. Ganoon na lang ang pagputla ng labi niya at saka ako tumawa kasi hawakan naman ang itinarak ko hindi 'yong mismong talim. Sama-sama rin naman silang mamamatay kapag sumabog ang bomba.

Tumutunog ang phone ko sa kalagitnaan ng laban. Pagod na pagod na ako kaya naman gusto ko nang magpahinga pero ang dami pa rin.

Sumenyas si LJ na okay na nailagay na niya lahat. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking sinisipat si LJ at babarilin na. Gumapang ang kaba at takot ko sa buong sistema ko. Hindi ko kakayaning mawala ang partner at the same time best friend ko. Halos lumipad na ako sa bilis ko pero humaharang ang mga lalaking ito kaya sipa at suntok ang ginagawa ko. Umikot ako at ginamit ang kutsilyo pinagdadaplisan ko sila sa hita kaya napaupo sila.

"LJ!" Panay ang tawag ko sa kaniya kahit hindi niya ako naririnig dahil nakikipagsuntukan at nangbabali pa rin siya ng buto.

Takbo ako nang takbo para malapitan ko siya kahit ramdam ko ang iba't ibang bagay na tumutusok sa balat ko. Kahit sugatan na ay si LJ ang iniisip ko. Muli kong tiningala ang lalaking sumisipat sa kaniya sa taas, malapit na niyang kalabitin ang gatilyo kaya naman kumuha ako ng kahoy at ibinato sa kaniya natamaan siya at napaatras. Matalim niya akong tiningnan at ako naman ngayon ang sinipat, humawak ulit ako ng kahoy at ibinato sa kaniya sa taas. Tinakbo ko ang daan paakyat kung saan-saan ako naglambitin para lang makaakyat. Nilingon ko si LJ pinagtutulungan nanaman siya kaya wala akong choice kung hindi ang bumaba muli at tulungan siya.

Sinipa ko agad ang mga lalaki, napapamura na ako dahil hindi kami makaalis sa dami nila. Nilingon ko ulit ang lalaki sa taas.

Papuputukin na niya!

Hinarangan ko si LJ. Ramdam ko ang sakit na gumapang sa gilid ng tiyan ko, ang kirot na unti-unting lumalala.

"z4!"

Rinig ko pa ang huling sinabi ni LJ.

"Mag--tiwala ka sa sa--rili mo!" Ubos lakas kong sigaw sa kaniya. Hanggang lukubin na ako ng dilim.

Pauwi na kami galing sa bakasyon, ako, si Lance, Clench at Carme, nagkakantahan kami sa loob ng van hanggang sa may mga lalaking humarang kaya nauntog kami pare-parehas sa unahan sa lakas ng preno.

"Kunin n'yo na! 'Yong babae, ah. Carmelane Niebres!" Sigaw ng lalaki.

Bumukas ang van namin at pilit na kinukuha nila si Carme kaya kaming dalawa ni Lance ay nanlaban. Pinagsusuntok at sipa namin ang mga lalaki. Si Clench ay nanginginig sa isang tabi pero pinilit ding lumaban dahil gano'n kami hindi namin hahayaan na mapahamak ang kahit isa sa amin.

Handa naming itaya ang buhay para sa aming pagkakaibigan.

Bata pa kami ni LJ kaya hindi pa kami lubos na malakas. Kung saan natuto si LJ makipaglaban? Kay daddy, sumasama siya tuwing may ensayo kami. Si Clench ay takot talaga sa suntukan at si Carme naman ay may sakit sa puso kaya hindi siya sumasama. Bata pa lang kami ni LJ ay partner na talaga kami sa labanan.

"Don't touch me!" Pinagpapalo ni Carme ang nakahawak sa braso niya.

"Bite!" Utos ni Lance kaya kinagat nga ni Carme. "Yuck! Pwe! Kadiri ang balat mo! Ang alat, ang lansa at ang baho!" Pag-iinarte pa niya at pinagsasapak ang lalaki.

Patuloy kami sa pakikipagpambuno sa kanila hanggang sa may pumutok na baril kaya natigilan kami. Napailing ako nang itutok sa amin ang baril. Tumulo ang luha ko nang makitang kinukuha na nila si Carme.

"No! Carme!" Sigaw ni Lance.

Kung si Lance ang partner ko sa pakikipaglaban. Si Carme naman ang companion niya sa lahat ng oras, mas close silang dalawa at kami naman ni Clench ang dikit.

"Carme!" Sigaw naming tatlo dahil wala na kaming magawa may nakatutok na baril sa amin. Sa murang edad hindi na namin alam paano kikilos.

Hanggang sa may sumaklolo sa amin. Nagkagulo na ang lahat nakipagsuntukan sila at barilan habang kaming tatlo ay nakayuko sa van at nagtatago. Pasilip-silip kami dahil tinitingnan namin kung nasaan na si Carme. Bumukas ang van at nakangiti kaming tiningnan ng isang babae.

"Ligtas na kayo."

Lumabas kaming tatlo at ganoon na lang ang pagluha namin nang makita si Carme, tinakbo namin siya at nagyakapan kaming apat.

"Balak nilang kidnapin ang kaibigan n'yo para kuhaan ng pera ang magulang niya," ani ng isang lalaki.

Mayaman kasi ang mga Niebres kaya siguro ganoon.

"Salamat po," madamdamin naming sabi sa kanilang dalawa.

"Gusto ko ang tapang mo," hinaplos ng babae ang pisngi ko at tumingin din kay Lance. "Ikaw rin."

Malapad siyang ngumiti. "Kapag malaki na kayo papadalhan ko kayo ng email at iimbitahan ko kayong sumali sa organisasyon."

"Ano pong organisasyon?" Kunot-noong tanong ni Lance.

"HTH, Hand to Help Organization. Walang ibang mahalaga kung hindi ang pagtulong."

Nagkatinginan kami ni Lance at ngumiti sa isa't isa. Pinagsuntok namin ang kamay na nakakuyom. Nagkaintindihan kami na sasali kami dahil parehas kaming mahilig sa aksyon pero sa tamang panahon katulad ng sinasabi ng babae.

"Bye. Ingat kayo," patalikod na nagpaalam ang lalaki at babae.

"Sandali po!" Pigil namin ni Lance sa kanila.

"Ano pong pangalan niyo?"

Nilingon kami ng babae at malapad na ngumiti.

"Rose, Rose Imperial."

Ngumiti rin ang lalaki. "BossRill."

Napangiti ako habang pinapanood ang paglayo nila.

Umakbay si Lance sa akin at ngumiti.

"Sali tayo, partner."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.