Chapter 89

Shine Clear's POV

"Lance!"

Napabalikwas ako ng bangon. Takot ako na baka kung ano ang nangyari sa kaniya dahil natamaan ako ng bala. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Nilingon ko ang gilid ko, napahagulgol ako nang makita ang katabing kama. Nakahiga roon si Lance at mukhang nagpapahinga. Nilibot ko ang mata nasa hospital kami.

"Partner?" Tawag ko sa kaniya.

Marahan siyang nagmulat ng mata at ngumiti. "Hindi ko talaga lubos akalain na magagawa ko 'yon habang buhat ka," tumawa siya nang malakas. "Tama ka kailangan kong magtiwala sa sarili.." nangilid ang luha niya. "z4, mission accomplished."

Tulo nang tulo ang luha ko sa sobrang saya. "The best ang partner ko!"

Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa dahil ang sakit ng mga sugat ko lalo na sa gilid ng tiyan.

"'Wag ka nang tumayo. Okay lang ako mas malala ang natamo mo."

"Okay," humiga ulit ako. "Salamat, partner."

"Really? Baka ako ang dapat mag-thank you sinalo mo ang balang para sa akin."

"Sumumpa tayo sa organisasyon na.." nilingon ko siya nang sabayan niya ang sinasabi ko. "Itataya ko ang buhay ko para sa kaligtasan ng partner ko at ng ibang tao."

Tumitig kami sa kisame. "Thank you for everything, z4. Thank you for the friendship. I'm not showy when it comes to our friendship, but I can now tell what's on my mind. Mahal na mahal ko kayo nila Clench dahil kayo ang mga best friends ko. Mas mahal ko nga lang si Carme at si Lane Glace dahil sila ang buhay ko."

"Ohh.. sweet of you. Kaya mo naman pa lang maging cheesy ayiiie!" Pang-aasar ko sa kaniya.

Biglang nag-iba ang mukha niya, kumunot ang noo at sumimangot.

"Just for today. Don't annoy me, z4!"

Bumalik nanaman ang masungit niyang pagkatao na tinawanan ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Zen.

"What are you doing, Princess?! You really don't know!" Masama niya akong tiningnan. Hawak niya ang papel na hindi ko alam kung ano.

"What makes you so mad, z1?"

"You don't know!" Sigaw niya nanaman.

"Kuya ang puso mo," tumawa ako. "Hindi ka pa ba sanay sa akin? Lagi naman akong may sugat at nababaril o kung ano pa man."

"For fuck's sake!" Inis niyang nasapo ang noo. "Masasabi mo pa kaya 'yan kapag nalaman mo?"

Kumunot ang noo ko. "Ang alin ba?"

"Princess! You're pregnant!"

Nanlaki ang mata ko at natutop ko ang bibig ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at bigla akong napabalikwas ng bangon. Namayani sa buong sistema ko ang takot at pangamba para sa anak ko. Wala sa sariling nahawakan ko ang tiyan ko.

"Anong nangyari sa baby ko? Ano?okay lang ba? Kuya? Sabihi--" hindi ko na maituloy ang pagsasalita ko nang tuluyan na akong humikbi.

Niyakap ako ni Kuya nang sobrang higpit. "Okay lang siya," matunog siyang bumuntong hininga. Ako naman ay nakahinga nang maluwag. "As of now, buti na lang sa gilid ka ng tiyan tinamaan."

"Kuya, 'wag mong sasabihin ito kay Flair."

"He needs to know!" Si Lance ang sumagot.

"Mag-aalala lang siya. Marami pa tayong kailangan gawin sa organisayon! Pagbabawalan niya lang ako," inangat ko ang tingin. "Kuya, maselan ba ang lagay ko katulad ng pinagbuntis ko si Shivelle?"

Pilit siyang ngumiti siya. "Hindi. Buti na lang mas healthy ka ngayon kumpara noon pero kailangan mo pa ring mag-ingat."

Nagbaba ako ng tingin at tinitigan ang tiyan ko. "Please?" Tiningnan ko si Lance at si Kuya Zen. "'Wag ninyong sabihin kay Flair. Ako ang magsasabi sa kaniya."

Nag-iwas ng tingin si Lance. "Buntis ka pala tapos hinarang mo pa ang sarili mo para sa akin?" Inis siyang napasabunot sa ulo. "Ano na lang ang gagawin ko kung may masamang nangyari saiyo at sa anak n'yo? Wala akong kwentang best friend!"

"No! Ano ka ba? Look at me, I'm okay."

Matunog siyang bumuntong hininga. "Magpahinga ka na." Tumalikod siya ng higa. Kilala ko si Lance, hindi siya matatahimik hangga't may gumugulo sa isip niya at hindi lang siya basta ganyan, may gagawin siyang solusyon baka nga ang iniisip niya mag-isang gawin ang misyon.

"Promise n'yo muna sa akin hindi ninyo ito sasabihin kahit kanino. Ako na ang bahalang magsabi sa mag-ama ko."

Sabay silang bumuntong hininga, bumaling sa akin at sabay ring nagsalita.

"Promise."

"Salam--"

Biglang bumukas ang pinto, bumungad sa akin ang masamang tingin ni Flair. Tumakbo naman si Shivelle at yumakap sa akin. Si Carme ay humahagulgol nanaman na akala mo namatayan. Si Clench ay lumapit para tingnan kaming dalawa maging si Nurse Rozel.

"Okay ka na?" Tanong ni Clench, tumango ako sa kaniya.

Nilingon ko si Kuya Zen at Lance na ngayon ay nag-aalala ang tingin sa akin matapos ay sinulyapan ko si Flair. Aba't ang impakto hindi lumapit, umupo sa sofa at ang haba ng nguso. Napangiti na lang ako nang maisip na may pangalawa na kaming anak. Kailangan kong mag-ingat. Nang magtama ang tingin namin ay inismiran niya ako.

Problema nito?

"Mom, si dad nangbababae."

Nanlaki ang mata ko sa sumbong ni Shivelle.

"Nginingitian niya 'yong mga nurse na nagha-hi sa kaniya," segunda niya pa.

Nagtawanan naman sila pero si Flair ay ganoon pa rin, nakasimangot.

"Hoy! Impakto.. come here!" Inis kong sabi sa kaniya. Pasimple kong sinapo ang tiyan ko.

Matutuwa ito kapag nalaman niya pero sa ngayon 'wag muna dahil marami pa akong gagawin para sa organisasyon.

"Come here mo ulo mo!" Asik niya kaya nagtawanan nanaman sila.

"Ano bang kinakagalit mo riyan?" Kunot-noo kong tanong.

"Iiwan mo ako habang natutulog? Tapos hindi mo sinasagot ang tawag ko? Naiirita kaya ako kay Diamond dahil siya ang nagluto! Nag-away kaming dalawa tapos 'yang anak mo kinukulit pa ako kung nasaan ka! Tapos tatawag na lang bigla si Lance na nasa hospital ka na! Ano? papatayin mo ako sa pag-aalala?!" Dire-diretso niyang sabi nang matapos ay naghabol ng hininga.

"Inhale.. exhale," pang-aasar ni Clench habang tumataas baba pa ang kamay.

"Ano? Sagot!" Inis na sabi ni Flair.

"May misyon nga."

Humalik si Shivelle sa pisngi ko at bumulong. "'Wag mo pansinin 'yan babaero."

Natawa naman ako. Sulsolera itong anak ko.

"Ano? Shivelle? Kakampi ka pa sa nanay mong basagulera!" Inis na sabi ni Flair.

"Babaero!" Dinilaan pa ni Shivelle ang ama kaya tawa kami nang tawa.

Nag-away pa ang dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa mag-ama ko.

"Come here, impakto." Tawag ko kay Flair, parang wala siyang narinig. "Baby.." ang lambing ko kaya lumiwanag ang mukha niya at nakita ko ang pagpipigil ng ngiti.

Abnormal talaga!

"Heh!" Asik ni Shivelle sa kaniya. "Mommy, lang love ko!" Siniksik ni Shivelle ang sarili sa akin.

"My angel.. 'yong sugat ni mommy."

"Sakit ba, mommy? Kiss ko?" Paglalambing ng cute na cute na batang ito.

Pinaghahalikan niya ako sa mukha kaya ang sarap sa pakiramdam.

Nilingon ko si Carme na yakap na yakap kay Lance at tumabi pa sa kama. Itinabi niya rin si Lane Glace, napapagitnaan na nila si Lance.

Hinapit ko ang batok ni Flair at dinampian ng halik sa labi.

"I'm sorry. Kapag kasi nalaman mo susunod ka."

"Alam mo naman pala! 'Diba nga partner mo na ako?"

"Hindi pa. Hangga't wala pang pirma si BossRill at hindi ka pa sumusumpa sa HTH."

"Ang tagal naman."

"Buti nga saiyo, dad! Bleh!" Inis na inis si Shivelle sa ama.

Pinaningkitan ko si Flair ng mata kaya nanlaki ang mata niya.

"Nag-hi 'yong nurse kaya ngumiti ako 'di ko naman alam na pati pala pagngiti bawal sa batang ito."

"Mommy lang dapat!" Di na matanggal ni Shivelle ang pagkakayakap sa akin, inilalayo siya ni Flair.

"Baka matamaan mo ang sugat ni mommy."

"Ayaw!" Umiyak na si Shivelle kaya sabi ko kay Flair ay hayaan na.

Bigla ay napatingin kami sa pinto nang may malakas na bumukas noon.

"Hindi kayo safe dito! May papasok na mga lalaki sa entrance at hinahanap kayo! Si z4 at LJ daw!" Hingal na hingal na sabi ni Rev.

Nagmadali silang kumilos at inilagay kami sa wheelchair. Binuhat ni Rev si Shivelle at Lane Glace. Tinakbo nila ang daan papunta sa exit.

"Mommy, why are we running?" Inosenteng tanong ni Lane. Hindi siya sinagot ni Carme at tumakbo na lang.

Napatago kami nang makita ang mga lalaki na naghahanap.

"Nandito lang 'yon! Hanapin ninyo!"

Mabilis kumilos si Flair hanggang marating namin ang kotse. Pinaharurot niya papunta sa mansyon.

"Nakilala kaya nila tayo?" Tanong ko kay Lance.

"Hindi pero sa codename, oo."

"Palaki nang palaki ang hawak n'yong misyon wala na bang katahimikan ang buhay n'yo?" Tanong ni Rev. "Okay lang sa akin sumama kung kasama ko kayo pero ang malagay sa panganib ang mag-ina ko delikado 'yon."

Tama naman si Rev lalo na ngayong buntis ako.

"Okay lang kahit hindi ka sumama. Naiintindihan kita," sabi ko.

"Syempre hindi pwede 'yon hindi ko hahayaang mapahamak kayo." Umupo siya sa sofa. "Hindi pa ba uuwi si Kean?"

"Hindi pa raw. Ang siraulo surprise raw kung kailan siya babalik," si Flair ang sumagot.

Kinarga niya si Shivelle at inihilig ito sa balikat niya, pinapatulog na.

"Dito muna kayo, Carme." Inabot ko ang maliit na kamay ni Lane Glace. "Are you sleepy, baby?"

"Yes, tita," humakay pa siya.

"Join Shivelle to her room, want that?"

Ngumiti nang malapad ang bata. "Yes!"

"Impakto.." masama niya akong tiningnan.

"Bakit ba impakto ka nang impakto riyan?! Hindi naman tayo magkaaway kaya dapat baby ang tawag mo!"

"Baby.." sarkastiko kong pinalambing ang boses kaya napabungisngis sila. "Pakisama si Lane Glace sa kwarto ni Shivelle, please?" Nag-puppy eyes pa ako.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Lane Glace at dinala sila sa kwarto.

"Kayong dalawa marami namang kwarto riyan," sabi ko kala Carme at tinawag ang kasambay para samahan sila.

"Aalis na ako," paalam ni Rev.

"Bye, ingat."

"Kayo rin."

Hirap kong itinulak ang wheelchair at saka ko lang napagtanto na wala naman akong sugat sa paa at tumayo na.

Baliw ko.

Napasigaw ako nang buhatid ako ni Flair papunta ng kwarto. Iniupo niya ako sa kama at sinipat ang tiyan ko.

"Masakit?" Malambing niyang sabi.

"Hindi. Maliit na sugat."

Pero nakakatakot dahil may laman ang tiyan ko.

Dugtong ko sa isip ko.

Kumunot ang noo niya. "Kayabangan mo rin katulad ni Kil paboritong linya ang small wound kahit ngumingiwi sa sakit."

I shrugged. "Eh, that's small wound. I will not die with that."

But our baby does. I will blame to death myself if our child die because of me.

"Psh. You rest."

Dahan-dahan niya akong inihiga. "Sa susunod na tumakas ka pa sa akin lagot ka sa akin," madiin ang pagkakasabi niya noon.

"Takot ako," my voice was full of sarcasm.

"Tigilan mo ako, cherish. Galit ako saiyo." Padarag siyang humiga sa tabi ko.

Iniyakap ko ang kamay sa baiwang niya. "Sorry na."

"Always sorry.. you didn't mean it."

"I am."

"No! You are good at escaping. I'm so mad at you. Pwede mo naman akong isama nang hindi ka nababaril." Tumitig siya sa mukha ko. "Bakit ka nga ba nabaril? Nasaan si Dangerous Fight?"

"I got shot because of Lance. Sinalo ko ang bala na para sa kaniya."

Inalis niya ang tingin sa akin at tumitig sa kisame. "I remember Kean, he did the same thing to me."

"Talaga?"

"Yeah. Kaya sobrang mahal ko ang lokong 'yon at nababading na ako dahil nami-miss ko siya."

Tumawa ako. "Babalik din ang isang 'yon."

"Bilisan niya na naiirita na ako sa mga fans niya ako tuloy ang nililingkis."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "What did you say again?"

Napangiwi siya. "Ako ang pinagkakaguluhan na may guwapo raw pa lang best friend si Kean kaya 'ayon sinisigawan ko na umalis na naiingayan ako."

"Okay."

Clench calling...

"Hello?"

"Elle! May pumasok sa bahay! Nandito--"

Napabalikwas ako nang bangon nang sunod-sunod na marinig ang pagdamba sa pinto nila at ang hikbi ni Rozel sa kabilang linya.

"Pupunta--ouch!" Bigla akong tumayo pero naupo rin nang sumakit ang tiyan ko.

No, my baby.

"He badly needs me!"

Mabilis na bumangon si Flair at hinila ang phone sa akin.

"What the shut, Clench?! What is happening?" Nanlalaki ang matang sabi ni Flair. "Sandali!"

Ibinaba niya ang tawag at hinawakan ang pisngi ko.

"Rest. 'Wag na 'wag kang aalis ako na ang bahala, okay?"

I nodded. "Keep them safe! I'm begging!"

"I will."

Tumakbo na si Flair palabas ng kwarto namin.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila.

Please be safe!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.