Chapter 90

Javen Flair's POV

Pinaharurot ko ang kotse papunta sa bahay ni Clench. Naabutan ko ang lalaking sinisipa ang pinto ng kwarto nila.

Loko 'to, ah!

Tinalon ko agad ang pagitan namin at sinipa siya kaya nahulog sa hagdanan at nagpagulong-gulong. Nanlaki ang mata ko nang mabilis na nakabawi ang lalaki at tinutukan ako ng baril.

"Clench, yumuko kayo riyan!" Sigaw ko dahil baka nasa harap sila ng pinto at matamaan.

Tumambling ako para iwasan ang pamamaril ng lalaki.

Sino ba ito?

Napatago ako sa pader. Napangisi ako nang makita ang makapal na medical book. Sa kapal nito baka makatulog ito kapag natamaan. Kinuha ko agad iyon at inaasinta ang mukha ng lalaki na ngayon ay nanginginig ang kamay, hawak ang baril na nagpapalinga-linga at hinahanap ako.

"N-nasaan ka?" Nanginginig nitong tanong.

Baliw ba siya? Bakit ko naman sasabihin kung nasaan ako?

"Hanapin mo," maloko kong sabi sa kaniya sa paraang may tono pa.

Nagulantang ang hitsura niya nang lumabas ako at binato sa kaniya ang makapal na libro na eksaktong tumama sa mukha niya. Hindi ako nagkamali nakatulog nga siya. Sa kapal ba naman noon.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Parang magnanakaw lang, nakumpirma ko iyon nang buklatin ko ang bulsa niya ay naroon ang mga mamahaling alahas. Binuksan ko rin ang bag niya at kung anu-anong bagay ang kinuha niya.

Shut! Sana kung kailangan mo ng pera sabihin mo sa akin nang hindi ka nagnanakaw tinakot mo pa 'yong mag-asawa!

Inambahan ko siya ng sipa pero 'di ko tinuloy naawa ako. Tinali ko ang kamay niya at paa. Kinatok ko ang kwarto nila Clench.

"Okay na."

Todo hikbi si Rozel habang nakayakap si Clench sa kaniya.

"Painumin mo ng tubig at pakainin mo ng matamis para kumalma."

"Salamat, Jave."

Pinaupo niya si Rozel sa sofa at hinaplos-haplos ang mukha nito.

How sweet.

"Jave, hindi siya pwedeng umiyak nang umiyak kasi buntis ang asawa ko."

Nagulat man ay ngumiti ako. "Congrats."

"Thanks," pinunasan niya ang luha ng asawa. "Shh. Stop crying. Wait for me okay?" Tumango lang ito.

Lumapit ako kay Rozel. "Inhale.. exhale."

Sinunod niya naman at unti-unti nang kumalma. Dumating si Clench na dala ang ice cream at tubig.

"I think you need securities. Napasok kayo ng magnanakaw. Magpapadala ako dito ng magagaling na tauhan ng mga Baider."

"Salamat, Jave."

"Welcome, aalis ako mamaya pagdating ng mga pulis."

Maya-maya pa ay dumating na sila. Kinuha agad nila ang lalaki.

Inis na sinuntok ni Clench ang lalaki na inawat naman ng mga police. Inintay kong maging maayos ang lagay ng mag-asawa bago sila iwan.

"I-lock n'yo ang pinto o kaya naman kung gusto ninyo sa mansyon muna kayo?"

"Hindi na. Okay na kami. Salamat."

"S-salamat, Jave," sabi ni Rozel.

"Welcome. Aalis na ako. Ingat kayo tawag na lang kayo kapag may problema."

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa. Pagdating ko sa mansyon ay nandito si Nel Jan kausap si Zeal sa sofa. Nagtago muna ako para pakinggan sila.

"Ayaw niya nga sa akin. Ano bang dapat kong gawin?" Inis na sabi ni Nel Jan.

"'Yan! Kinakarma ka na! Napapala mong babaero ka!"

Anong pinag-uusapan nila?

"Ikaw lang malapitan ko. Ayusin mo naman ang payo mo. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ako sanay na maglambing or what."

Umirap si Zeal. "Padalhan mo ng flowers, chocolates, letters at aminin mo nang gusto mo! In denial ka ano mala-Kil?"

"Hindi ko nga masabi nauutal ako."

"Ay ewan ko saiyo pati ba 'yan poproblemahin ko pa?" Dinukot ni Zeal ang phone at nagtipa. Nanlaki ang mata ko nang tumunog ang phone ko at sabay silang tumingin sa akin.

"Baby.. kumusta si Clench? Ang mag-asawa? Kanina ka pa riyan?"

Lumapit ako sa kanila na kunwari ay wala akong narinig. Matalim kong tiningnan si Nel Jan.

"Okay na sila napasok ng magnanakaw."

"Buti naman." Nakahinga nang maluwag si Zeal.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" Kunot noo kong tanong.

Ngumisi si Nel Jan. "My future girl."

Natawa ako nang sobrang lakas at napahawak na sa tiyan ko.

"Funny?" Sarkastikong sabi ni Nel.

"For real?" Ang lakas pa rin ng tawa ko. Tinapik ko ang balikat. "Congrats! Nabaliw ka na sa pag-ibig."

"Thanks, but I'm here to hear an advice. Paano ba manligaw?"

Walang patid akong tumawa.

Si Nel Jan Quijada? The legendary playboy manliligaw? Nasaan na ang pinagmamalaki niyang karisma niya?

Poor, girl.

"Hindi ako expert diyan dapat kay Rev ka magtanong," ngumisi ako.

"As if may matino kang mapapala sa isang 'yon," si Zeal ang sumagot. Lumapit ako sa asawa ko at sumiksik sa gitna nila. "Singitero ng taon." Umirap si Zeal.

"Kidnapin mo kung ayaw talaga," tumawa ako.

"Pabebe pa kasi siya may anak na nga kami."

Napamaang ang labi ko. "Anak?"

"Ay 'di ko pa pala saiyo nasasabi 'yong babaeng gusto ko 'yong pumunta sa bahay at ibinibigay ang anak namin. Nagustuhan ko kaya nililigawan ko ngayon."

Napangiti ako nang malapad. "Good to know."

"Pero 'yong isa ko pang problema ay 'di ko pa rin nahahanap 'yong isa ko pang anak."

Natawa ako. Patawa talaga ang legendary playboy na ito at hindi lang isa ang anak, dalawa o baka mayroon pa?

"Dami mong problema lumayas ka na nga! Chupi!" Pinagtabuyan siya ni Zeal.

Dinuro niya si Zeal. "Kapag ikaw tinutulungan kita agad kapag ako--"

"Ano?" Pinandilatan siya ng mata ni Zeal.

"Wala." Tumawa siya. "Okay. Papadala ako ng chocolates at marami pang iba sa kaniya tapos baka maganda anakan ko ulit?"

Sabay kaming tumawa ni Zeal at umiling. "Bahala ka kung 'yan ang trip mo. Umuwi ka na gabing-gabi na kabaliwan mo pa ang iniisip mo."

Malapad na ngumiti si Nel Jan. Sa unang pagkakataon hindi ako nainis sa ngiti niya. Ramdam kong unti-unti nang gumagaan ang loob ko sa kaniya baka makita ko na lang ang sarili ko na tinatawag na rin siyang 'kaibigan'.

"Nababaliw na ako sa kaniya. Bye! Tatawag ako kapag hihingi ng advice," tatawa-tawa siyang lumabas ng mansyon.

Kitang-kita sa kaniya na masaya siya. Bumaling ako kay Zeal at binuhat siya papunta ng kwarto.

"I'm not pilay," inismiran niya ako.

"Sungit mo." Niyakap ko siya.

Kwenento ko sa kaniya ang nangyari sa bahay ni Clench hanggang makatulog na siya.

KINAUMAGAHAN

Nagising ako nang tapik-tapikin ni Zeal ang pisngi ko.

"Baby?" Malambing niyang tawag sa akin.

Pupungay-pungay ko siyang tiningnan. "Bakit?"

"Gusto ko ng dragon fruit."

"Huh?" Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ang aga naman 'yon agad ang kakainin mo?" Lalong kumunot ang noo ko. "Hindi ka naman kumakain noon dahil sabi mo ang pangit ng lasa?"

"Ey!" Nakanguso siyang bumangon. "Basta bilhan mo ako! Kung ayaw mo bahala ka sa buhay mo!" Ang lakas ng sigaw niya at bigla na lang nagalit. Padabog siyang pumasok ng banyo at binagsak ang pinto.

Anong problema no'n?

Napabuntong hininga na lang ako at bumangon na. Nagmadali akong lumabas at naghanap ng dragon fruit. Nakakapagtaka talagng gusto niya nito. Sabi niya noon kadiri raw ang lasa at ang pangit ng hitsura. Nasa banyo pa rin si Zeal pagpasok ko sa banyo kaya nilapag ko na lang ang dragon fruit sa sidetable.

Napadaan ako sa kwarto ni Shivelle at natigilan nang marinig ang hagikgik ng dalawang bata. Binuksan ko agad ang pinto tumambad sa akin ang gulo-gulong kwarto ni Shivelle at naghahabulan ang dalawa. Sa unang pagkakataon ay nagulo ang kwarto niya, madalas ay nililigpit niya ang kalat. Napangiti na lang ako habang pinapanood sila.

"Tito! We're now best friend," anunsiyo ni Lane Glace at umakbay pa kay Shivelle.

"That's good."

Kinarga ko sila parehas at dinala sa kusina. Natutuwa ko silang pinagmasdan dahil nakikita kong tumatawa si Shivelle, alam naman namin na palaging walang emosyon ang batang 'yan. Pinagtimpla ko sila ng gatas. Maya-maya pa ay gising na ang lahat.

"Nasaan 'yong tatlo?" Tanong ni lolo.

"Busy sa lovelife as usual."

Lumapad ang ngiti ni lolo. "Ang aga nilang lumandi," sabay kaming napahagikgik ni lolo.

Tinapik ni lolo ang balikat ko. "Mabuti na rin 'yon baka hindi ko maabutan ang apo nila kapag nagpatagal pa sila. Nasasabik na akong makita si Anmela Eris."

"Lolo, 'wag ka magmadali e-enjoy mo pa ang buhay."

"I'm enjoying my life apo, but it will never be the same again since Anmela Eris passed away."

"Love of your life," nakangisi kong sabi.

"My bebe girl," ngumisi rin siya.

"Corny ka rin pala, lolo," tumawa ako.

"Sa kaniya lang."

Dumating na sila Carme, Lance, Zeal at ang mga Baider. Maliban doon sa tatlong problemado ang buhay pag-ibig. Kumain kami, sinusubuan ko si Zeal at Shivelle, ang dalawa kong baby.

"z4, uuwi na rin kami," sabi ni Lance at uminom ng tubig.

"Delikado pa."

"Okay na kami roon tatawag na lang kami kapag may kailangan. Hindi ako komportable kapag wala sa bahay."

"Sige, magaling ka na ba?"

"Okay na. Hindi naman masiyado akong nasugatan."

Tumango si Zeal. May kung ano sa tinginan nila ang hindi ko maintindihan.

May hindi ba ako alam?

"Kumain ka ng marami at magpahinga," bilin pa ni Lance sa kaniya. Inabutan siya ng apple. "Eat fruits."

Nagtataka kong tiningnan si Lance.

Bakit parang ang lambot niya ngayon kay Zeal?

Madalas sinisigawan niya ang best friend niya at masungit.

Baka dahil sa pagligtas sa kaniya ni Zeal?

"Bebs, pagaling ka."

"Yes, bebs."

"Bebs, oh!" Napalingon kami kay Lane Glace na nagsalita at binigyan ng hotdog si Shivelle.

At ano raw? Bebs?

"Dad, dito muna si bebs." Napamaang ang labi ko nang sabihin iyon ni Shivelle.

Nagkatitigan kaming apat napalingon na lang kami kay Mr. Baider nang tumawa siya.

"They're cute."

Ngumiti ako. "Sige dito muna ang 'bebs' mo." Pinakadiinan ko pa ang bebs.

My Shivelle Flear is now started to be friends with the other.

"Yey!" Sabay sabi ng dalawang bata at nag-apir pa.

"Ang cute niyo!" Pinanggigilan ni Carme ang pisngi nilang dalawa.

"Hey, everyone! People of the mansion ye yo ye!"

Nilingon namin si Rev na sumasayaw-sayaw pa habang hawak sa kamay ang anak na si Renvert.

"Mamamasko raw si Renvert."

Natawa kami sa kaniya. "Baliw ka ba? Ang aga pa para mamasko!"

"Maaga raw." Ngumisi si Rev at tiningnan si Shivelle. "Kita mo 'yon?" Pagkausap niya sa anak na iilang taon pa lang. "Ipapakasal ko saiyo 'yon."

Binato ko siya ng crumpled tissue. "Puro ka kalokohan pati mga bata pinagdidiskitan mo at malay nila riyan mas matanda pa anak ko saiyo."

"Basta silang dalawa gusto ko magkatuluyan 'diba? Renvert?" Nakipag-apiran pa siya sa anak.

"Yes, dad!" Mallit na boses na sabi nito.

Nakikita ko na ang kapugian ng batang ito na nagmamana sa tatay niyang siraulo pero ang bata niya para kay Shivelle.

"Elle!"

Nilingon nanaman namin ang pinto. Hindi na matahimik ang buhay namin bakit ba gustong-gusto nila dito? Si Nel Jan naman ngayon ang dumating.

"Nahanap ko na 'yong isa pero galit ang nanay niya sa akin ayaw niya na akong makita pa at ang nakakainis hindi ko sila naabutan ngayon nakaalis na hindi ko alam saan pupunta!" Nanlulumong umupo si Nel Jan. "Kaedad ni Shivelle, lalaki."

"May anak ka?!" Napatakip kami sa lakas ng sigaw ni Carme. "Kawawa ka naman! Play--hmm." Sinubuan siya ni Lance ng tinapay dahil ang lakas ng bibig niya.

"Too loud, sweetheart."

"Buti nga saiyo, fucker. Good luck kung makuha mo pa ang anak mo," nang-aasar na sabi ni Rev.

"Yeah. I'm tired. Finding my son and pursuing the girl I love. Sobra-sobrang karma."

Lumapit ako at tinapik siya sa balikat. "'Wag kang mawalan ng pag-asa pero kung mababaliw ka na ire-ready ko na ang reservation mo sa mental." Nagtawanan silang lahat maging si Mr. Baider.

Napasulyap ako kay Zeal na ngayon ay parang walang pakialam sa paligid niya basta siya ay kumakain. Nakailang rice na siya at kumuha pa ng chocolate cake sa ref.

Ang takaw niya naman?

Matapos ng almusal ang mga siraulo hindi na umuwi agad sa bahay nila, tumambay dito sa mansyon at nag-swimming pa. Napalingon kami sa bagong dating, si Arah kasunod si Kil.

"Ayiiee! Kayo na?" Kantyaw agad ng reyna ng mga bunganga na si Carme.

Yeah.. I'm crazy creating sign call to them. Shut!

"Hindi 'no?" Umirap si Arah kay Kil.

Ohh? For the first time?

Ngayon ko lang nakita na tinarayan niya si Kil. Kinulit siya ni Kil pero iritado na si Arah.

"Kiss mo si Shivelle," utos ni Rev sa anak kaya binatukan ko.

"Ang sakit!" Hinimas-himas niya pa ang ulo.

"Ikaw siraulo ka talaga. Ano bang trip m--"

"Dad, saan ko iki-kiss sa lips o sa cheek?"

Nanlaki ang mata ko at binuhat si Renvert palayo sa tatay niyang siraulo.

"Baby, listen." Hinawakan ko ang tig-kabila niyang pisngi. "Masama 'yon. Promise mo sa akin na iki-kiss mo lang si Shivelle kapag malaki na kayo at ginusto ka rin niya, okay?"

Tumango ang bata at ngumiti. "Yes po."

"Very good. 'Wag ka makikinig sa utos ng may keleleng mong tatay, huh?"

"Opo." Humalik ako sa pisngi niya bago ko ibigay kay Ali.

Posible nga kayang sila ang magkatuluyan ni Shivelle in the future o baka may makilala pang iba ang anak ko?

Ay, ewan. Kahit sino pa ang magustuhan niya...

I will always be a supportive father.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.