Chapter 91

Kean Patrick Valencia's POV

Ayaw kong iwan si Elle sa ganitong sitwasyon pero kailangan baka hindi ko mapigil ang sarili ko.

Ang tagal na pero tumutusok pa rin sa dibdib ko ang pang-iiwan ko sa kaniya noon.

Bakit? Bakit di ko siya magawang kalimutan?

Tumakbo ako habang pinapakawalan ang mga luha. Gustong-gusto ko siyang lingunin at muling yakapin.

Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon? Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa nakaraan?

Nang makapasok sa kotse ay inumpog ko ang ulo ko sa manibela.

Kailan pa ako naging gago? Mapapatawad pa kaya nila ako?

Tulo nang tulo ang luha ko. Pinaharurot ko ang kotse at sa 'di kalayuan ay inihinto ko.

"Elle," lumuluhang sabi ko.

Mahal pa rin kita. Mahal pa nga ba kita o hindi ko lang mapakawalan ang nakaraan?

I'm a piece of shit! Sinira ko lahat!

The kiss was replaying to my mind again and again, but when I remember of Yannie and Qiera my heart fill of so much anger to myself. I should not do that!

Gago mo, Kean! I regret what I did!

Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa bahay.

"Honey.. you home! Nagluto ako ng paboritong mong pagkain. Maayos na rin ang room mo for your papers and naplantsa ko na--" niyakap ko si Yannie nang sobrang higpit.

"What's the problem?" Kunot-noong tanong niya.

"Daddy!" Yumakap si Qiera sa tuhod ko kaya kinarga ko.

What the heck, Kean? You have two gorgeous lady here. Fucking idiot. Why did I do that? I shoudn't kiss Elle! Fucking hell!

Nilamon ako ng guilt, takot at pangamba pero kailangan kong sabihin kay Yannie.

No matter what the consequence, I accept.

"Can we talk?" She nodded.

I gave Qiera to our maid and hold the hand of Yannie.

"What's the problem, honey?" She touched my cheek that makes me cry and hug her.

"I kiss Elle, I'm so sorry," I cried out loud.

Yannie pushed me in an instant. Her tears automatically flow.

"Akala ko ba okay na?! Akala ko nakalimutan mo na siya?! Ilang taon na Kean at ang nakakatawa pa may asawa na siya! May anak! Kean naman!" Humagulgol ng iyak si Yannie. Pinipilit kong hawakan siya pero ayaw niya na magpahawak.

"Tiniis ko lahat! I'll do everything to make you happy and contented, but I was never enough! Tell me, why did you kiss her? Because you still love her?"

Napatitig ako sa mukha niya at nahinto ang pagluha ko.

Mahal ko pa nga ba siya katulad ng sinasabi ko palagi sa sarili?

Tumayo si Yannie habang tumutulo pa rin ang luha niya. "Okay, I know the answer."

Tumalikod siya at akmang iiwan ako pero niyakap ko siya sa likuran.

"Are you going to leave me?"

"Yes."

Nagulantang ang buong sistema ko at naramdaman ko ang pinakamasakit na pakiramdam sa dibdib ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko at diretsong naglakad.

"Maghiwalay na tayo! Akin si Qiera!"

Napaluhod ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Humagulgol ako ng iyak at napahawak na sa dibdib.

Mahal kita, Yannie.

Wait! What?

Natigilan ako at tiningnan ang palayong bulto niya. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang katagang pumasok sa isip ko.

Mahal kita, Yannie. Mahal ko kayo ni Qiera.

Sinabunutan ko ang sarili ko.

You moron, Kean! Why the heck I am thinking of getting Elle and be with her if I can't leave my own family?

Isa lang ang ibig-sabihin noon.

Si Yannie ang mahal ko at hindi ko siya kayang mawala sa akin.

Pain is the proof and my suffering is the sign of having a huge love to Yannie.

Tumakbo ako at sinundan si Yannie, pasakay na sana siya ng kotse nang yakapin ko siya. Nasa loob na si Qiera at umiiyak na.

"No! Hindi mo ako iiwan! Hindi n'yo ako iiwan dahil kayo ang mahal ko. What happened is just a mistake. Naguluhan lang ako pero ngayon alam ko na.." iniharap ko si Yannie sa akin at pinalis ang mga luhang pumapatak sa kaniya. "Ikaw ang mahal ko. Sapakin mo na lang ako 'wag mo lang akong iwan." Lumuhod ako sa harapan niya. "Patawarin mo ako.. 'wag niyo akong iwan. Please?"

Pinatayo ako ni Yannie at niyakap. "I will always forgive you, but please tell me that you won't repeat that again. Do you really love me?"

Hinalikan ko ang labi niya, marahan at mabagal ko iyong ginawa.

Yeah.. she's the girl I love. I did not feel the same way how I kiss Elle.

"I love you, Yannie."

"I love you more, Kean."

"Wait for me here." Humalik ako sa noo niya at sa pisngi ni Qiera.

Inilagay ko ang ilan sa mga gamit namin sa maleta. Siguro doon na lang kami mamimili ng mga gamit namin.

"Ano 'yan?" Takang tanong ni Yannie nang makita ang maleta.

Ngumiti ako nang malapad. "We're going on a vacation. A family bonding."

Nang makarating kami sa airport ay tinawagan ko si Jave at humingi ng tawad sa kaniya. Ikinagulat ko pa ang walang alinlangan niyang binigay sa akin ang kapatawaran.

He's the best best friend ever. Wait for me, pre. I will give you my huge hug.

Niyakap ko si Yannie at idinikit ang bibig sa tainga niya. "I'm sorry. Let's start again, honey." Hinalikan ko ang pisngi niya.

Nakaakbay ako sa kaniya habang karga si Qiera.

This will be the happiest vacation.

Maswerte lang talaga ako dahil ang mga taong mahal ko ay mapagpatawad. Kung gaano ko sila kamahal mas mahal nila ako para sabihing napatawad na nila ako agad kahit malaki pa ang kasalanan ko. Nahihiya ako sa nagawa ko kay Jave at Elle hindi ko alam paano ko sila haharapin pero ipagpapabukas ko na ang pag-iisip ang mahalaga ngayon hindi na ako nalilito sa nararamdaman. Siguro kung hindi ito nangyari patuloy pa rin ako sa pag-iisip sa nakaraan.

Nang makarating kami sa Korea ay nagpahinga na agad ang mag-ina ko. Hinalikan ko sila parehas sa noo habang natutulog.

It's time to make a move.

Nang magising si Yannie ay nakatunghay ako sa kaniya at nakangiti. Dinampian ko ng halik ang labi niya.

"Nasabi ko na ba saiyo?"

"Na?" Kunot-noong tanong niya.

"Na maganda ka," I smiled widely.

Nag-iwas siya ng tingin at nakita kong nag-blush siya.

"You're extra beautiful while blushing," she chuckled. "Magbihis kayo ni Qiera, aalis tayo."

Hinintay ko silang makapagbihis, naupo na lang ako sa mahabang sofa.

"Honey.."

Nang lingunin ko si Yannie ay parang bumagal ang paggalaw ng lahat. Napaawang ang labi ko dahil sa sobrang ganda niya.

My wife is beautiful, why I can't see that?

Natulala ako sa ganda niya hindi ko alam na nakalapit na pala siya at paulit-ulit na akong tinawag.

"Ohh.. ugh sorry ang ganda mo kasi," nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Kung hindi pa nangyari ang kagaguhan kong 'yon 'di ko pa makikita ang halaga sa akin ng babaeng ito.

Palagi ko na lang siyang hindi nililingon. Nabalewala ko ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin.

"Magpapakasal daw ako saiyo," nakangiting sabi ng batang si Yannie.

"Talaga?"

"Oo!" Yumakap siya sa akin at gano'n din ako.

"Sige. Magpakasal tayong dalawa."

"Promise?"

"Promise."

"Aalis na kami," umiiyak na sabi niya. "Mahihintay mo ba ako?"

"Oo. Hihintayin kita.. pangako 'yon. Hindi magbabago ang nararamdaman ko saiyo. Ikaw lang ang papakasalan ko."

Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko nang pumasok sa ala-ala ko ang pangakong binitawan ko. Nabulag ako ng pag-ibig ko kay Elle noong makilala ko siya. Akala ko ay hindi na ako makakaahon pa sa pagkakahulog ko kahit lumipas na ang mahabang panahon. Patuloy ko siyang pininta dahil siya ang laging laman ng isip ko. Matagal akong nabuhay sa nakaraan dahil pakiramdam ko siya pa rin ang mahal ko.

Hindi ko man lang tiningnan ang tabi ko na palaging nandito si Yannie. Ginawa niya lahat para sa akin.

"Sobrang ganda mo," humalik ako sa noo niya. "I'm sorry for everything."

"Forgiven. Stop saying sorry. I will never leave you."

Nagyakap kami nang sobrang higpit. Lumipas ang mga araw na hindi pa rin kami bumabalik ng Pilipinas, walang araw na hindi ako naging masaya sa piling ng asawa't anak ko. Ang mga ginagawa ni Yannie na pag-aasikaso sa akin ay ako ang gumawa ngayon. Pinagluluto ko siya kahit hindi ako marunong, kaunti lang. Inaalagaan ko si Qiera at pinapag-pahinga siya.

We got our break. The break that poke my head with a realization that I'm no longer in the past.

This is my present and I'm blind for not seeing that I'm happy and in love to my wife.

Yumakap ako sa likod niya habang nagto-toothbrush. Si Qiera ay tulog na sa kabilang kwarto. Dinampian ko ng halik ang balikat niya.

"I love you.." I whispered.

"Gscscsmxf."

Natawa ako sa kaniya. "Anong sabi mo?"

Iba ang tawa ko 'yong tawang may halong kilig at masayang pakiramdam sa puso. Finally, I got back to my present time.

"Gfskhxk."

Mas lumakas pa ang tawa ko. "You're so cute, honey."

Nagmumog siya at hinarap ako. "I love you, too. I said."

Dug.dug.dug.

Bad, heart. Why are you beat loud just now? Sana noon ka pa nagparamdam hindi 'yong manhid ka na siya na pala ang nilalaman nito.

"Dito muna tayo.." ngumisi ako.

"Bakit? May trabaho ka? Paano ang cli--" pinatahimik ko siya nang halikan at binuhat ko papunta sa kama.

"Dito muna tayo hangga't 'di pa tayo nakakagawa ng kapatid ni Qiera."

"Ahhh!" Sigaw niya dahil mabilis akong dumagan sa kaniya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Naramdaman kong nangilid ang luha ko.

"Hindi ko napansin ang halaga mo. Ang tagal na kitang kasama pero hindi kita nakita. Patawarin mo ako.. muli akong mangangako saiyo na magiging mapagmahal na asawa na ako. Ang pangako kong ito ay tutuparin ko ng buong puso." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Naligaw man ako ng landas nakita ko pa rin ang daan pabalik saiyo."

Pinapakawalan ko na ang nakaraan at haharapin ang magandang kasalukuyan.

"It's not too late to say.. I love you, Qiyannie Elizabeth Tosler-Valencia."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.