Shine Clear's POV
Nagtipon-tipon kami sa bahay nila Rev dahil birthday ni Renvert kaya masaya kaming nagkwe-kwentuhan. Hindi pa lubos na magaling ang sugat ko sa gilid ng tiyan kaya medyo mahina pa.
"Cherish? Anong gusto mo fruit salad or chocolate cake?"
"Parehas," ngumiti ako nang malapad.
"Sige pero tig-kaunti lang dahil sobrang tamis nito."
"Okay."
Kumuha siya ng dalawang platito at kumuha na ng pagkain. Masigla kong kinain muna ang chocolate cake bago ang fruit salad.
"Di ka ba nauumay riyan sa chocolate cake?" Tanong niya habang pinupunasan ang bibig ni Shivelle na ngayon ay nakaupo sa hita niya.
"Hindi, favorite ko 'to, baby."
"Alam ko pero baka magkasakit ka na niyan? Pati ba naman dito 'yan ang kinakain mo kahit sa bahay mayro'n niyan."
"Paki mo ba?"
"Inis ka na niyan?"
"Oo," sumubo ako ng salad.
Si Shivelle naman ay nakangiti ring kinakain ang chocolate cake dahil siguro lagi niyang nakikitang kumakain ako noon at binibigyan ko siya naging paborito niya rin.
Pinanood ko lang ang mag-ama ko na masayang nagsusubuan. Lumapit si Renvert at nakangiting inaabutan si Shivelle ng marshmallow. Pinagkunutan lang siya ng noo ni Shivelle at para bang iritado.
"Shivelle, anak, kunin mo. 'Wag kang masungit birthday niya ngayon."
Walang emosyong kinuha niya at kinagat agad. Ni-hindi man lang nagpasalamat o ano.
"Shivelle, you need to say thank you," pangaral ng ama niya.
"Why would I?" Umiral nanaman ang ugali niyang mala-Taxon.
"Because he gave you marshmallows."
"I don't want."
Napailing-iling na lang ako at kinarga si Renvert. "Ang cute mo! Happy birthday, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thanks, mommy."
Nagkatinginan kami ni Flair dahil sa sinagot niya.
"Why are you calling my mom mommy, huh?" Mataray na sabi ni Shivelle.
"Because dad told me that someday I'll marry you that's why your parents will be my parents too," masiglang sabi ni Renvert.
Loko talagang Rev 'yon!
"As if it will happen," Shivelle rolled her eyes.
"Of course, it will happen because I love you!"
Nagkatinginan ulit kami ni Flair parehas kaming nagugulat sa sinasabi niya. Ang bata niya pa at siguradong si Rev nanaman ang nagturo noon.
Tumayo si Flair at iniupo sa upuan si Shivelle. "Wait, baby huh?" Sabi niya sa aming dalawa.
Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya kay Rev na ngayon ay malakas ang tawa habang nakikipagkwentuhan at ang siraulo itulak ba naman sa swimming pool tapos tumawa nang malakas.
"What the fuck, pre?!" Asik ni Rev.
Di pa nakontento si Flair at binatukan pa si Rev. "Loko ka! Kung anu-ano tinuturo mo sa bata!"
Tinawanan siya nang malakas ni Rev.
"May pag-i love you ang bata-bata pa! Gago ka talaga!" Iritadong sabi ni Flair.
Ang lakas ng tawa ni Rev kaya nadamay na rin kami kaya tinawanan siya. Wala namang ibang tao maliban sa amin ayaw ni Rev ng bonggang celebration gusto niya mga close friend lang. Wala rin ang tatlo kong pinsan busy raw. Busy sa lovelife'
"Si Kean lang ang matino nang kaunti! Nasaan na ba ang siraulong 'yon?" Sabi ni Flair habang tinutulungan si Rev na umakyat.
May pumutok nang malakas kaya napalingon kami sa labas. Nabingi ako dahil sa lakas noon. Tumakbo agad si Flair at kinuha si Renvert at Shivelle at saka kinarga.
"Ano 'yon?" Tanong ni Rev.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong parang may umaapoy sa labas.
"Dito lang kayo titingnan ko," akmang tatalikod si Rev pero inakbayan siya ni Flair.
"Tara," bumaling siya sa akin. "Ang mga bata, cherish."
Hinawakan kong mabuti ang dalawang bata. Si Lance ay hawak si Carme at Lane Glace. Si Clench ay nakaakbay sa asawa.
"Fuck!"
Natigilan ako nang tumakbo pabalik si Rev at Flair.
"Ipasok ninyo sa loob ang mga bata!" Sigaw ni Flair.
"Flair, anong nangyayari?"
Hinawakan ako ni Flair sa balikat, ramdam ko ang kaba niya.
"Pumasok ka sa loob hindi ka pa magaling. Ipangako mo sa aking hindi ka tutulong?"
Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bakit? Anong nangyayari?"
"Pumasok ka na. Isama mo si Carme at ang mga bata."
Hinila ako ni Carme kasama ang mga bata at si Rozel. Sinarado niya ang pinto sa kwarto. Kitang-kita naman sa pwesto namin ang pool area kung nasaan sila Flair.
Natigilan ako nang may pumasok na mga kalalakihan.
Napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos iyon. Hindi ko napansing nakatingin pala si Carme sa akin. Sinuri niya ako ng tingin.
"Bakit mo hinahaplos ang tiyan mo? Nagugutom ka ba? O.." natigilan siya at nasapo ang bibig ko. "OMG? Are you..pregn--"
"Hindi," putol ko agad sa kaniya. Hindi niya pwedeng malaman sa kadaldalan pa naman niya. Siguradong mauuna niyang sabihin iyon kay Flair kaysa sa akin.
Napabaling ang atensyon namin sa may pool. Nagkakagulo na dahil nakikipagsuntukan sila sa mga lalaki. Hindi ako pwedeng basta na lang makigulo roon at tulungan sila dahil sa kondisyon ko mamaya masuntok pa ang tiyan ko.
Pinindot ko nang pinindot ang relo ko para humingi ng tulong sa mga Baider sana lang ay nandito sila sa Makati dahil wala sila sa mansyon ilang araw na hindi naman nagsabi kung nasaan.
Sinuntok ni Flair ang isa kaya tumilapon iyon sa swimming pool. Walang kapaguran niyang pinagsisipa ang bawat lalapit sa kaniya. Si Rev naman ay parang walang gana ilang beses na natamaan sa mukha. Si Lance ay matalim ang tingin habang sumisipa at nanununtok.
Palaging maaksyon ang buhay namin ni Flair, naming lahat at maipapasa pa 'yon sa susunod na mga henerasyon. Nag-aalala ko silang tiningnan dahil tinututukan na sila ng baril pero sige pa rin sa pakikipaglaban.
Sigawan sila nang sigawan dahil hindi na alam kung ano ang nangyayari sa mga lalaki. Si Clench ay nagpupumilit rin lumabas para tumulong pero wala siyang nagawa nang awayin ni Carme dahil wala naman daw siyang maitutulong doon.
"Ang hina mo! Baka mapahamak ka pa kapag sumama ka roon! Isa ka pang aalalahanin!"
"Nag-aral ako ng self-defense isang buwan na!"
"Kaya pala noong pinasok ang bahay ninyo nagtago ka sa kwarto!"
"Syempre, kinabahan ako!"
"Mahina ka lang talaga!"
Naririndi na ako sa pag-aaway ni Carme at Clench. Pati ba naman sa ganitong sitwasyon ay magkaaway sila.
"Flair.." natutop ko ang bibig nang makitang tinutukan siya ng baril sa mismong ulo pero hindi niya nakikita dahil abala sa pakikipagsuntukan.
"Flair!" Sigaw ko. "Sa likod mo!" Mabilis niyang nilingon iyon. Kumalabog ang dibdib ko nang pumutok iyon buti na lang nakailag siya. Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"Mommy?" Nagbaba ako ng tingin kay Shivelle. "Is daddy okay?"
"Yes, baby."
Kinarga ko siya pero nang maalalang buntis nga pala ako ay agad ko ring binaba. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinasok sa loob at pinahiga sa tabi ni Lane Glace. Hindi nakikita ng mga bata ang nangyayari sa labas dahil binaba agad ni Carme kanina ang kurtina pero sa talino ni Shivelle nakuha niyang may kaguluhan sa labas.
"Sleep na kayo," humalik ako sa pisngi niya at ni Lane Glace. Kinuha ko rin si Renvert kay Ali at itinabi sa kanila.
Nilingon ko si Rozel na nanginginig ang katawan habang hawak ni Clench ang kamay niya. Sabi niya buntis daw si Rozel, magkasabay kaming nagbuntis at baka nga magkaparehas din ng buwan kung manganganak.
Sumilip ulit ako sa bintana, nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang pagod na hitsura ni Flair maging sila Lance ay ganoon na rin pero patuloy pa rin sila sa pagharang sa kanila na makapasok sa bahay dahil maraming bata dito. May mga nagdatingan pa kaya napatiim bagang ako.
Hindi ito pwede! Kailangan kong tumulong!
Sa kabila ng pagdadalawang isip ko nagawa ko pa ring pumasok ng banyo at itinali ang buhok. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ni Kuya Zen hindi naman daw maselan ang pagbubuntis ko hindi katulad noon kaya hindi naman siguro malalagay sa panganib ang anak ko. Pinindot ko ulit nang pinindot ang relo ko. Tinawagan ko ang mga Suarez para humingi rin ng tulong pagkatapos ay pinindot ulit ang relo.
"Nasaan ba kayo?" Bulong ko.
Nag-ring ang phone ko.
Kil calling...
"I'm on my way." Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na. Sunod na tumawag ay si Taxon.
"What is happening? Papunta na ako."
Diamond calling..
"I can't come. That asshole Tylev he locked me!" Inis na inis siya sa kabilang linya.
"Okay."
Nanlumo ako at napaupo. Baka matagalan pa sila hindi ako mapapakali nitong wala akong ginagawa.
Pero paano kung matamaan ang tiyan ko?
Tumayo ako at lumabas. Sinilip ko ulit sila, ganoon na lang ang pagtulo ng luha ko nang makita kong duguan na si Flair. Maging si Rev at Lance. Wala sa sariling mabilis akong naglakad at sumugod agad nang makalabas.
Hold on, baby.
Sinuntok ko agad ang isang akmang sisipain si Flair. Mabilis ang bawat kilos ko at naging alerto sa bawat pagsugod ng kalaban. Pinagsisipa ko ang bawat lalapit sa akin.
"Bumalik ka sa loob! Kakagaling mo lang sa hospital dahil sa tama ng baril!" Sigaw ni Flair. "Cherish! 'Wag matigas ang ulo!"
Hindi ko siya pinakinggan patuloy pa rin ako sa pagsugod. Nanlaki ang mata ni Lance nang makita ako saglit siyang napahinto kaya nasuntok.
"z4! What the fucking fuck?! Pumasok ka sa loob!" Galit na galit na sigaw niya at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin at prinotektahan.
"Umalis ka diyan!" Sigaw ko sa kaniya.
"No!" Kahit nasasaktan na siya ay hinarang pa rin ang sarili. Sumuntok ako nang paulit-ulit pero parang di nauubos ang kalaban.
"Cherish!" Sigaw nanaman ni Flair. "I said go back inside!"
Bigla akong binuhat ni Lance at itinakbo papasok ng bahay.
"Ang kulit mo! Di ka ba natatakot para sa a--"
"Stop!" Tumulo ang kapirasong luha ko. "Lalaban ako kasi nahihirapan na kayo!"
"Bunti--"
"Tumigil ka! Nangako ka sa akin!"
"At least once! You listen to your fucking partner and best friend!"
"Lance.."
Nakita ko ang emosyon niyang ngayon ko lang nakita.
"Bumalik ka sa loob," mahinahon niyang sabi. "Makinig ka sa best friend mo."
Tumulo nang tumulo ang luha ko. "But.."
"Please?"
Napaawang ang labi ko. Lance never say please for the long time that we've been together that word is his enemy. Palagi siyang walang emosyon at kung tumawa ay bihira lang, nitong mga nakaraang araw nakikitaan ko na siya ng emosyon parang naipapakita niya na ang pag-aalaga niya sa mga tao sa paligid niya na noon ay kay Carme at Lane niya lang pinapakita.
"Si Carme mag-aalala rin saiyo 'yon kapag nalaman niya." Tumalikod na siya at akmang babalik sa laban. "Gagawin namin ang lahat para di sila makapasok sa loob. Bumalik ka roon at ingatan mo ang anak mo."
Gustuhin ko mang habulin siya at bumalik sa laban hindi ko na ginawa. Ngayon ko lang nakita ang totoong nararamdaman niya, ang totoong pag-aalaga niya bilang best friend.
Hindi ako umakyat sa kwarto katulad ng sabi niya. Nanatili ako sa sala at sinisilip lang sila. Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang sunod-sunod na may nagpaputok ng baril.
"Flair!" May akmang hahampas ng bakal na bangko kay Flair pero may humarang para siya ang tamaan.
Nanlaki ang mata ko at natutop ko ang bibig ko.
"Kean?"