Javen Flair's POV
Natumba ako nang masuntok ako. Pawisan, duguan, sugatan at sa sobrang pagod ko hindi ko napansin ang pagpalo ng isang lalaki sa akin pero imbes na sa akin tumama hindi nangyari 'yon. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang lalaking sumalo ng dapat ay para sa akin.
"Kean?"
Ngumiti lang siya at kumindat pagkatapos ay sunod-sunod na pinaputok ang baril na hawak. Pinatama niya iyon sa tig-kabilang tuhod ng mga kalalakihan.
Kailan pa siya gumamit ng baril?
Sabi niya hindi siya gagamit ng baril kahit kailan dahil takot siyang makapatay ng tao pero ngayon ay hawak niya iyon at walang emosyong pinapaputok sa mga kalaban. Pakiramdam ko namanhid ang balikat ko dahil siguro sa pagod. Okay lang naman ako kahit dumudugo ang sugat ko sanay na ako dito.
"Stand up!" Sigaw ni Kean. "Go on and hit me! Who the heck told you to mess with my best friends?!" Matalim niyang tiningnan ang mga lalaki.
Bihirang magalit si Kean, halos hindi nga siya magalit, naiinis lang siya paminsan-minsan pero ang galit nakikita ko sa kaniya ngayon ay parang bago sa akin.
"Boring," sabi niya habang sinisipa ang mga kalalakihan. Inilibot ko ang paningin ganoon na lang ang gulat ko nang makitang halos lahat ay tumba na at sapo ang tuhod na pinagbabaril ni Kean kanina.
Si Rev naman ay nakatingin lang sa kaniya na halos di makapaniwalang nandito na siya. Si Lance ay nakita kong tumalikod at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nandoon si Zeal nakasilip, akmang tatayo ako pero natigilan ako nang makita kong marahang hinila ni Lance si Zeal papasok sa loob.
Kumunot ang noo ko.
Ilang araw ko na bang napapansing parang alalang-alala siya sa asawa ko?
Hindi ako sanay na ganoon siya dahil madalas naman ay wala siyang pakialam. Pumasok sa isip ko na si Lance ang first love ni Zeal pero napailing-iling ako.
Of all people, I've never been jealous to Lance although they're always together due to their mission.
Akmang tatayo ako pero may kamay na humawak sa braso ko at tinulungan akong makatayo. Ngumiti si Kean saakin kaya napangiti rin ako.
"Pre.. mamaya mo na ako patayin sa loob na." Tatawa-tawang sabi niya.
"Siraulo ka!" Binatukan ko siya.
"You still mad at me? Sad, sabi ni Elle napatawad mo na ako? Sabi mo rin?"
"Galit pa rin ako saiyo!" Umakbay ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Sa pang-iiwan mo sa amin, sa panggugulo ng mga fans mo, at sa pag-iwan ng tambak na trabaho sa clinic."
Tumawa siya at inakbay rin ang braso sa akin. Muntik pa kaming matumba nang dambahin kami ni Rev.
"So sweet. Kinikilig ako," kumikislot na sabi niya at niyakap kaming dalawa ni Kean. Parehas kaming nagpumiglas at ang siraulong Rev parehas kaming hinalikan sa pisngi.
"Eww!" Sabay naming sabi ni Kean. Si Rev naman ay ang lakas ng tawa.
Napangiti ako nang makita kong tumakbo si Zeal palapit sa amin.
"Elle! You! Ugh! Stop running!" Sigaw ni Lance. Kumunot nanaman ang noo ko.
What is really happening? What was that? Too much caring for my wife?
Si Carme ay nakatingin din kay Elle at pinagkrus ang braso sa dibdib.
"Bebs, don't run!" Mataray niyang sabi.
Nalukot ang mukha ko at nagtiim ang bagang ko nang imbes na ako ang yakapin ay si Kean ang niyakap niya.
"Handsome!"
Awtomatikong tinanggal ko ang yakap niya. "Ano? Hoy! Elleina Zeal Suarez o Shine Clear Baider," tinuro ko ang sarili ko. "Ako! Ako ang asawa mo! Don't you remembe--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang ngiti niya na nakatingin pa rin kay Kean.
"What the shut?!" Tinakpan ko ang mata niya. "Duguan ako, oh! Tingnan mo ang dami kong sugat at masakit ang katawan ko. Ting--" Natigil ako sa pagsasalita nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Awtomatikong nawala ang inis ko.
"Masakit ba, baby?" Hinaplos niya ang pisngi ko. "Kawawa naman ang baby ko," ganoon na lang kalambing iyon kaya napatitig ako sa mukha niya.
Parang lalo siyang gumanda?
Ang blooming ng mukha niya pero naweirduhan ako nang bigla siyang sumama ang tingin sa akin.
"Kinakausap kita! Ayaw mo magsalita bahala ka nga diyan!" Padabog siyang tinalikuran ako.
"Huh? What is happening to her? Ilang segundo lang akong hindi sumagot sa tanong niya nagalit na?" Iiling-iling kong sabi. Napasulyap ako kay Lance, nahuli ko ang ngiti niya tapos biglang nagseryoso.
They're both weird?
"Princess!"
Napalingon ako sa kanan nang makita ko ang tatlong kuya niya. Mabilis na hinawakan ni Kuya Zen ang braso niya at hinaplos ang buhok.
"Okay ka lang? May masakit ba? Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Zen.
"Princess? Are you okay?" Bakas sa mukha ni Kuya Zeke ang pag-aalala.
"Don't tell me nakipag-suntukan ka nanaman?" Si Kuya Zaimon naman ang nagsalita.
I find this weird?
Laging nakikipagbasag-ulo ang babaeng 'yan pero bakit ngayon ay todo pag-aalala nila sa kaniya?
"Hello? Ako 'yong may sugat, oh? Care to give me bandage or what?" Agaw ko sa atensyon nila pero parang walang narinig patuloy sa pagtatanong at pag-aalala kay Zeal.
Si Clench ang lumapit sa akin para gamutin ako.
"Daddy?" Humawak si Shivelle sa kamay ko at hinila na ako papasok ng bahay nila Rev.
Nasa sofa kami ngayon at ginagamot ang mga sugat.
"Shine!"
Magkasunod na pumasok naman si Taxon at Kil.
"Are you okay?" Magkasabay ring tanong nila.
This is freaking confusing! Why are they too much taking care of her?
Alam kong sobrang mahal nila siya pero parang ang OA naman na kahit si Lance ay siya rin ang iniintindi kahit pa may sugat siya.
"Jave?" Lumapit si Kean at bumulong. "In love ba sa akin si Elle?"
Nabatukan ko siya. "Akala ko nagpakalayo-layo ka na para makalimutan ang asawa ko?"
Nagkamot siya ng ulo. "Naiilang ako sa tingin niya." Nginuso niya si Zeal.
Nakuyom ko ang palad nang makitang todo tingin nga siya kay Kean.
"What the hell?"
"What the hell talaga," segunda ni Kean.
"Takpan mo nga ang mukha mo! Bakit ba grabe ang tingin ng Over Melanin na 'yan?!"
"Dad, mommy is weird," nakangusong sabi ni Shivelle. "She keeps looking at Tito Kean."
Halos malaglag pa ang panga ko nang lumapit si Zeal kay Kean at niyakap nanaman. Napangiwi si Kean at alanganing tumingin sa akin at nag-peace sign. Napailing na lang ako.
Baka na-miss niya?
Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ni Kean kaya halos malaglag na ang panga ko sa pagkakaawang. Maging ang mga Suarez, Baider at mga kaibigan namin ay nagugulat din ang reaksyon ng mga mukha.
"Elle? Anong ginagawa mo?" Tumawa si Rev. "Na-miss
mo ba nang sobra si Kean?"
Ngumiti siya nang malapad. "Kinda," bumaling ulit siya kay Kean at kumikislap ang mga mata niyang tinitigan ito. "Ang cute mo!" Pinisil-pisil niya ulit ang pisngi niya pati ilong.
"Cherish!" Tumayo na ako at hinila siya. "Hindi na ako natutuwa!"
"Edi 'wag kang matuwa!" Asik niya at masama akong tiningnan. Nang bumaling siya kay Kean ay ngumiti. "So cute!"
"What the hell?! Cherish, alam mo ba ang sinasabi mo?"
"Malamang!" Nag-roll eyes siya.
Lumapit si Kuya Zen. "Magpahinga ka na, Princess." Hinaplos niya ang buhok ng kapatid. "Halika na." Bumaling siya kay Rev. "Pagpahingahin ko lang kapatid ko sa taas, ah?"
"Sure," sagot ni Rev.
Hihilahin na sana siya ni Kuya Zen nang magmatigas siya. Tumingin siya sa akin matapos ay kay Clench.
"Best friend!" Tawag niya rito. "Gamutin mo itong pangit kong asawa!" Tinuro niya ako.
Pangit kong asawa? What the?
Kinarga ni Zeal si Shivelle pero natigilan din. "Maglakad ka na lang pala. Big girl ka na," ngumiti siya at hinalikan ang anak sa pisngi.
Bago tumalikod ay nilingon niya pa ulit si Kean kaya napahilamos ako sa mukha ko. "Kean, marunong ka ba magluto?"
Nagkamot si Kean ng noo at tumingin sa akin para bang humihingi ng tulong. "Kaunti lang."
"Good! Lutuan mo ako ng spaghetti!" Inilibot niya ang mata at tiningnan kami isa-isa. "Hindi ako kakain kapag hindi si Kean ang nagluto!" Sigaw niya pa bago umakyat kasama si Shivelle.
What is happening to my wife?
"What the?" Kunot noong sabi ni Rev.
"Bakit gano'n 'yon?" Tanong ni Ali.
"Si Princess ba may sapak nanaman?" Tanong ni Kuya Zeke. "Nako malala na siya."
"Hayaan na natin," bumuntong hininga si Kuya Zen at tumingin sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin para bang kapag tumitig pa siya sa akin ay may masasabi siya.
"I'll take care of her." Tumayo si Taxon at umakyat para sundan sila.
"Pre?" Nagkakamot ang ulong sabi ni Kean. "Hindi ako marunong magluto ng spaghetti."
"Ako na magluluto."
"Pero..."