"Naniwala ka naman sa kaniya? Tinotoyo lang 'yon baka pinagtri-tripan ka."
Madiin niyang kinamot ang ulo. "Anong nangyayari sa kaniya?"
"Baka namiss ko lang," ngumiti ako. "'Yon lang 'yon."
"Sows!" Nakangising sabi ni Rev. "Baka di ka na mahal, Jave?"
Masama ko siyang tiningnan. "Gusto mong hindi na masikatan ng araw?"
"Joke lang. Ito naman."
Kahit ang dami kong sugat ay parang hindi ko naman ramdam. Pinagluto ko si Zeal ng spaghetti, parang walang nangyaring bakbakan kung makatawa sila sa sala siguro ay sanay na sila sa ganito.
Nagbaba ako nang tingin nang makita ko si Renvert na umiiyak. Kinarga ko siya at pansamantalang iniwan ang niluluto.
"Why are you crying?"
"Lane Glace kicked me." Pumalahaw siya ng iyak.
"What?!"
Napalingon ako sa batang magkakrus ang kamay at nakangisi.
"Sumbongero! Sipain ulit kita." Mataray niyang sabi.
"Bleh!" Benelatan siya ni Renvert humaya naman siya ng suntok.
Maya-maya ay inis na pumasok sa kusina si Rev at kinuha ang anak.
"Kapag sinipa ka ulit halikan mo!" Turo niya sa bata kaya nabatukan ko.
"Ano ba, Rev! 'Wag mong turuan ng ganyan ang bata."
Inis niyang pinahid ang luha ng anak at sumigaw.
"Carmelane Niebres-Dawson! 'Yang anak mo naninipa!"
Mabilis namang dumating si Carme. "What?!" Tiningnan niya si Lane. "Saan mo natutunan ang manipa? Bakit mo sinipa?"
Ngumisi si Lane Glace. "Kay Shivelle. Sabi niya kapag inagaw raw ulit ni Renvert ang laruan ko sipain ko raw."
Parehas silang tumingin sa akin nang masama.
"Anak mo pala ang may kasalanan!" Sabay pa nilang sabi.
"Hoy! Natutulog si Shivelle sa taas kaya wala siyang kinalaman dito."
"'Wag mo nang uulitin 'yon, ah. Masama 'yon dapat magkaibigan kayo," pangaral ni Carme sa anak.
Pumasok din si Lance at kinarga ang anak. "Anong nangyayari rito?"
Tinuro ko si Lane. "Nanipa," sunod ay si Renvert. "Sinipa."
"Huh? Bakit kayo nag-aaway?"
Lumingkis ang maliit na kamay ni Lane sa batok ng ama at bumulong.
"Oh, si Renvert naman pala kinuha ang laruan niya."
"Bakit ang anak ko pa? Sinipa na nga tapos siya pa ang may kasalanan?"
Nagdiskusyon pa sila narindi naman ako kaya hinayaan na sila at itinuon na lang ang atensyon sa pagluluto. Nang matapos ay saktong kabababa ni Zeal.
"Sabi ko si Kean ang magluto diba?!" Asik niya agad. "I told you that, didn't I?"
"Pero.. kasi--"
"Ayaw ko kumain! Hindi ako kakain!" Hinabol ko siya nang akmang tatalikod na. "Cherish? Ano bang problema mo?" Malambing kong tanong sa kaniya.
Matalim niya akong tiningnan. "Gusto mong malaman?"
"Oo," hinaplos ko ang mukha niya pero kinurot niya ang kamay ko.
"'Yang mukha mo! 'Yan ang problema ko!"
"What?!"
"Uulitin ko pa? Ang pangit mo!"
Napaawang ang labi ko at naestatwa sa kinatatayuan.
"Si Kean ang magluto ng spaghetti!" Sigaw niya pa bago umakyat ulit sa taas. Sumilip ulit siya. "Kilala ko ang luto mo kaya 'wag mo akong dayain, Impakto!"
She's out of her mind.
Wala akong nagawa kung hindi turuan na lang magluto si Kean. Pinicturan ko pa para may proweba na siya talaga ang nagluto.
"Kinikilabutan ako kay Elle 'wag naman sanang nahumaling ulit siya sa kaguwapuhan ko."
"Tumigil ka nga diyan batukan kita."
"Bakit parang ang creepy niya tumingin? Parang hindi naman siya gano'n bago ako umalis."
"Baka nga namiss ka lang?"
"Na-miss? Nag-request na ipagluto siya? She's not normal. Tapos ang sakit ng pisngi ko dahil hindi niya tinitigilan kakapisil nang makita niya ako."
Inis akong kumuha ng tubig at uminom parang na-dehydrate ako sa naririnig ko.
Bakit nga ba ganoon 'yon?
"Hi!" Malapad na ngumiti si Zeal at pumasok sa kusina. "Yehey! Ikaw na nagluto!"
Napangiwi si Kean nang pisilin nanaman ang pisngi niya. "So cute!"
"Elle, 'yong totoo? Baliw ka na ba? Mag-psychological test ka kaya?"
Imbes na magalit ay tumawa pa siya. "Wala akong sakit sa utak."
"Eh? Dapat nga galit ka sa akin ngayon dahil sa nangyari diba?"
"Humingi ka naman na ng tawad," pinangigilan niya nanaman ang pisngi ni Kean. Napabuntong hininga ako.
Shut. I can't handle my wife now.
"Let her," napalingon ako nang biglang magsalita si Lance sa tabi ko. "Let her do what she wants, give anything she likes, don't stress her out, and take care of her."
Napaawang ang labi ko.
Anong pinagsasasabi nito?
Malamang gagawin ko 'yon kasi asawa ko siya kahit hindi niya sabihin.
"What do you mean?"
Nagkibit-balikat siya. "Give extra care to her."
"Ano bang pin--"
"Lance!" Napalingon kami parehas at nasalubong ang masamang tingin ni Zeal.
"Isusumpa kita tingnan mo!" Asik niya.
Naguguluhan ko silang tiningnan. Napabuntong-hininga si Lance. "Don't stress yourself. Umakyat ka ulit at magpahinga."
Inirapan niya ito. "Kanina pa ako nagpapahinga okay lang naman ako." Lumapit ulit siya kay Kean at pinisil-pisil ang pisngi nito.
"Remember what I said.." tinitigan ako ni Lance. "Let her." Umalis na siya.
Naguguluhan man ako hinayaan ko si Zeal kahit ang totoo selos na selos na ako. Tatawa-tawa siya nang maluto na ang spaghetti at masiglang kumain. Tinikman ko iyon, umikot ang tiyan ko sa pangit ng lasa.
"Poison!" Masama kong tiningnan si Kean.
"Bakit siya masarap daw?" Tinuro niya si Zeal. Nakadalawang plato na ito.
"Grabe naman," nasapo ko ang tiyan ko at sunod-sunod na sumuka sa lababo.
"Ganoon ba kapangit ang lasa?"
"Oo! Nilagyan mo ba ng suka?"
Nagkamot si Kean ng ulo. "Akala ko.."
"Pre naman! Baka sumakit tiyan ng asawa ko!"
Mabilis niyang inagaw ang kinakain ni Zeal. "Pangit ang lasa nito ba--"
"No!" Kinuha niya ulit ang pinggan. "Ang sarap kaya! Hmm!"
Shut?
"Cherish?" Humalik ako sa noo niya habang kumakain siya. "Baka ano.." tiningnan ko ang plato niya na ngayon ay mauubos na.
Ang asim kaya noon. Ano't masarap daw?
"Ang sarap!" Nakangiti niyang sabi at yumakap sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya.
Akmang tatalikod si Kean pero nagsalita si Zeal.
"Kean! Halika. 'Wag kang umalis." Nagkakamot ang ulong lumapit siya. "'Wag mo na kaming iwan ulit."
Dagli ko siyang nilingon.
So she really miss him?
"Kasi.." ngumiti siya."wala akong mapipisil na cute na cute," tumayo siya at madiing pinisil ang pisngi ni Kean.
"Aray! Ang sakit na!"
'Let her.'
Pumasok sa isip ko ang bilin ni Lance kaya hinayaan ko siya matapos pagsawaan pisilin ang pisngi ni Kean ay lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Inaantok ako. Tabihan mo ako matulog." Hinaplos ko ang buhok niya. Kakagising lang inaantok nanaman.
"Pre.. akyat muna kami." Paalam ko kay Kean. Tumango siya habang hinihimas ang pisngi, namumula na iyon.
"Ang cute ni Kean diba?" Bigla ay tanong niya habang sumasampa sa kama. Nasa guest room kami ng bahay ni Rev dahil di pa rin kami umuuwi, bukas na lang daw.
"Diba? Cute si Kean?" Kumurap-kurap siya.
"Ah.. ano oo," hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa gitna ng kaguluhan ng isip ko dahil sa pagtataka ko sa kaniya.
Si Shivelle ay na kay Kil inaalagaan kasama si Arah.
"Hug mo ako," malambing niyang sabi. Niyakap ko naman siya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa tiyan niya, nakangiti siya habang nakapikit ang mata.
Kanina lang galit sa akin tapos ngayon nilalambing ako?
"Hawakan mo tiyan ko tapos haplusin mo. It feels good." Ginawa ko ang sinabi niya hanggang sa makatulog na siya. Humihilik pa siya na para bang pagod na pagod.
Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa noo.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rev
"Nandito si BossRill!"