Chapter 95

Shine Clear's POV

"Nandito si BossRill."

Nagising ako sa boses na iyon ni Rev kaya nagmulat ako ng mata. Si Flair naman ay dahan-dahang bumangon. Nagulat siya nang bumangon din ako.

"Akala ko ba tulog ka na?"

"Oo nga pero nagising ako," malapad akong ngumiti at mabilis na bumaba ng kama. Yakap na yakap ako sa kaniya kahit sa pagbaba ng hagdan. Alam kong nawe-weirduhan na siya sa akin buti na lang hindi nakakahalata.

Napangiti ako nang makita ko si Kean sa sofa mabilis akong umupo sa tabi niya. Agad naman siyang napangiwi at tumingin kay Flair. Hindi ko alam kung bakit pinagdidiskitahan kong pisilin ang pisngi niya. Pakiramdam ko tuwang-tuwa ako.

Baka siya ang pinaglilihihan ko?

Nakangiti kong pinindot-pindot ang pisngi niya kahit ang tingin nila sa akin ay takang-taka na.

"z4?" Tawag sa akin ni BossRill.

"Yes?" Nakangiti kong sabi.

"You're not z4." Pinakatitigan ko siya at biglang nagseryoso.

"Sorry."

"Nakalimutan mo na kapag ako ang kaharap mo si z4 ka." Kumunot ang noo niya. "You're weird pinching Kean's cheek."

Napalunok ako at tiningnan ang paligid ko. Lahat sila ay nagtataka rin, actually kanina pa pero walang may lakas ng loob na magtanong. Umalis na ang mga Suarez at ang mga pinsan ko kaya ang natira ay kaming magkakaibigan. Nasa kwarto sila Carme kasama ang mga bata ang nandito lang ay si Flair, Kean, Rev, Lance at ngayon ko lang napansin ang presensya ni Nel Jan.

"What's wrong with you, z4?" Tanong ulit ni BossRill.

"I'm sorry."

Sa organisasyon kapag kaharap mo ang Boss hindi ka pwedeng maging isip bata kailangan matikas, walang emosyon, at seryoso ka dahil palagi ring seryoso ang usapan. Ganoon nga siguro kaseryoso ang usapang ito at hindi ko namalayang masiyado akong nawiwili kay Kean.

Dahil siguro sa pagbubuntis ko.

"Hindi ka pwedeng umakto ng ganyan sa harap ng members. Alam na alam mo 'yon."

Nagbaba ako ng tingin. "Sorry again."

"z4?"

"Po?"

"May pinagdadaanan ka ba?"

"BossRill?" Napaawang ang labi ko.

"BossRill, nakalimutan niya lang po talaga na ikaw ang kaharap niya," pagtatanggol ni Lance sa akin.

"Sige, palalampasin ko ito," pinakatitigan niya ako. "But don't act like that in front of your members. Iiwan ko saiyo ang organisasyon. Ang boss ay maawtoridad at matapang sa lahat ng oras hindi ka pwedeng umakto na parang bata."

"Tito Ril--" naputol ang sasabihin ni Flair nang magsalita agad siya.

"Isa ka pa. Drop the Tito. Ang boss ang kaharap mo."

Nagbaba ng tingin si Flair. "So--"

"Stop saying sorry. Kayong mag-asawa palagi kayong isip bata. Ayusin ninyo ang sarili ninyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon paiiralin ninyo ang kakulitan."

Pare-parehas kaming nakababa ang tingin. Bumuntong hininga si BossRill.

"Alam n'yo ba kung bakit ako nandito?" Tiningnan niya ako, si Flair, Rev, Kean at Nel Jan. "Tinanggap ni Kean, Rev at Nel Jan ang imbitasyon ng organisasyon."

Mabilis ko silang nilingon.

Tinanggap na nila?

"Si Jave ay JF, si Kean ay KP ang codename, si Rev ay RH, at si Nel ay NJ alam na ninyo 'yon. Hindi ako pumunta dito para pagalitan kayo dahil sa pagiging isip bata ninyo. Pumunta ako dito para sabihing susumpa na kayo bukas."

Tiningnan ako ni BossRill. "Bukas ang unang araw mo bilang Boss."

Napaawang ang labi ko.

Hindi niya alam na buntis ako at ano naman ang gagawin niya kumg malaman niya?

This time, I'm vulnerable because I'm pregnant, but I can't escape from the organization. Mahal na mahal ko iyon para iwanan.

"Susumpa ka ba?"

Dumagundong ang dibdib ko gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Kailangan nilang malaman ang tungkol dito.

"BossRill, pwede po bang si Jave muna ang mangalaga sa organisasyon?" Sabat ni Lance. "Tutulungan namin siya.. Just give a 'lil break for Elle."

"At bakit ko gagawin 'yon?" Matalim siyang tiningnan ni BossRill. Siguro malaki ang problema ng organisasyon kaya siya mahigpit. Ganito siya palagi kapag patong-patong na ang misyon.

"Kasi.." tiningnan ako ni Lance. "Kasi.. pagod siya at kailangan niyang alagaan si Shivelle.. kahit kaunting panahon lang."

"I'll take full responsibility, BossRill. Just give it to me," segunda ni Flair.

"I'll help Jave," sagot ni Nel.

"Ako rin," si Kean naman ngayon.

"Me too," sabi ni Rev.

Napangiti si BossRill. "Nakikita ko talaga na maganda ang magiging takbo ng organisasyon dahil sa inyo. Ngayon pa lang ang damayan ninyo ay mahigpit ang pagkakakapit."

Tinapik niya si Nel Jan na nasa tabi niya. "Master of Dreadful Gang, huh?"

Napaawang ang labi niya at nanlaki ang mata. "Paano mo nalaman?"

"Ako pa ba?" Sunod ay tiningnan niya si Kean. "Prince of Flying Kick, Overthrow Expert at King of Deadly Martial Arts. Ang lalakas ng title ninyo."

"BossRill, paano mo nalaman ang tungkol dito?" Sagot ni Kean.

"Sa mga nakalaban ninyo. Kaya nga kinuha ko kayo na dapat pala noon pa. Nakikita ko na kayo pero hindi ko akalaing ganoon kayo kalakas."

Hinawakan ko ang kamay ni Flair at pinatong sa hita ko.

Siguro kailangan niyang malaman ang tungkol sa pagbubuntis ko ngayon na. Kaya lang naman hindi ko sinasabi dahil baka ikulong niya nanaman ako sa mansyon at lahat bawal.

Napabuntong-hininga ako.

"Hmm?" Ngumiti si BossRill. "May sasabihin ka ba, z4?"

Nanlaki ang mata ko at kinabahan. Nabasa niya na may gusto akong sabihin.

Tiningnan ko si Lance, tumango naman siya.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Flair ng dalawang kamay. Kunot-noo niya akong tiningnan. Inilagay ko sa tiyan ko ang kamay niya. Napaawang ang labi niya at napakurap-kurap parang nakuha niya ang sasabihin ko.

"I-I'm.." lumunok ako. "Pregnant."

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata nila at napuno ng katahimikan ang lugar. Si Flair ay gulat na gulat hindi makapagsalita.

"Kaya pala," si Kean ang unang nakabawi. Hinimas niya ang pisngi. "Ang sakit ng pisngi ko siguro ako ang pinaglilihihan mo."

Tumawa sila at maging si BossRill ay nakangiti. "Gusto kong tingnan na problema ito pero di ko magawa dahil alam kong hindi ninyo pababayaan ang organisasyon kahit pansamantalang magbabakasyon si z4."

Ang tagal makabawi ni Flair nakatitig lang siya sa akin.

"W-what d-did you say?" Nangangatal niyang sabi kaya tinawanan siya nila.

"Grabe naman parang first time mo magkaanak," tumawa si Rev. "Bading ka."

"Shut! I'm so shock." Tumayo siya at nagtatalon. "Yes! Yes! Yes! Ye--"natigilan siya nang makita ang matalim na tingin ni BossRill at umupo ulit na parang hindi siya nagpakaisip bata sa harap niya. "Masaya lang ako, Boss. Kaya ako napatalon."

Natigilan kami ng tumawa si BossRill. "It's okay. I'm just kidding you. I know that you are all can be furious especially when it comes to mission.." nakangiti akong tiningnan ni BossRill. "By the way, Congrats."

"Thank you!" Si Flair ang sumagot.

Lumapit ang mga kaibigan namin at tinapik ang balikat niya. "Congrats!"

Tumayo na si BossRill. "Naniniwala ako sa kakayahan ng bawat isa. Mananatiling ligtas kayo kung laging may pagmamahal at pagtutulungan. Iiwan ko ang organisayon ng may ngiti sa labi."

"'Wag pababayaan ang isa't isa at laging maging malakas."

Tumango kaming lahat.

Tinapik niya ang mga balikat namin pagkatapos ay may kinuha siya sa bag. "z4." Inabot niya iyon sa akin nang buksan ko ay nanlaki ang mata ko.

Shine Clear Baider, the new boss of Hand to Help Organization.

Iyon ang nakalagay at may pirma na rin niya. Ang isa pang papel ay ang resignation letter niya. Talagang iniiwan niya na ang organisasyon.

"Alam kong kaya mo.. kaya n'yo," nakangiti siyang lumabas at nagpaalam.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.