"Ako si Javen Flair Imperial," nakataas ang kanang kamay ni Flair at sumusumpa sa harap ng miyembro ng organisasyon. Katabi niya sina Rev, Kean, at Nel.
Kami naman ni Lance ay magkatabi na pinapanood sila.
"I'm Revnel Han Sin," nakataas rin ang kanang kamay niya.
"I'm Kean Patrick Valencia."
"I'm Nel Jan Quijada."
"Sumusumpa akong itataya ko ang buhay ko para sa kaligtasan ng partner ko at ng ibang tao. Tutulong ako sa abot ng makakaya ko at nangangako sa harap ng lahat ng miyembro ng organisasyon," sabay-sabay nilang sabi. "Ako ngayon ay miyembro na ng Hand-to-Help Organization."
Nagpakawala ng isang malakas na tambol kasabay ng palakpakan ng mga tao.
Lumapit si BossRill sa kanila at tinapik ang mga balikat nila bago sila pinaupo.
Hinawakan ni BossRill ang mic at emosyunal na inilibot ang mata.
"It's been years since my partner died, Rose Imperial, but I'm still resilient even though it's really difficult to fight alone and adjust." Nakita ko ang pangingilid ng luha niya pero pinatikas niya pa rin ang tindig at pinagtibay ang loob.
Sa lahat ng pagkakataon matapang niya kaming hinaharap, maawtoridad at makapangyarihan pero dala ng katandaan kailangan niya nang bumitaw.
"I'm going to leave the HTH."
Umalingawngaw ang bulong-bulungan. "With the most responsible, dangerous and powerful woman, z4!"
Nagulat ang lahat kaya walang nakapagsalita agad. Tinanggal ko ang lahat ng emosyon sa mukha ko at mayabang na naglakad. Sabi ni BossRill maging katulad ko siya ang maging malakas sa harap ng members.
"z4, siya 'yong matinik na laging nakaka-solve ng malalaking kaso."
"Highest rank."
"Siya nga."
"Babae ang magiging Boss."
"Silence," balak ko sanang dugtungan ng 'please' pero training ni BossRill ang inalala ko na dapat hindi nakikiusap.
"I'm Elleina Zeal Suarez."
Tahimik ang lahat, hindi rin pinagamit ni BossRill ang totoo kong pangalan lahat ay confidential at hindi rin naman ugali ng mga Baider na magpakilala. Ang mga nakakakilala lang sa mga Baider ay matatas na tao na takot bumangga sa pamilya ko dahil makapangyarihan talaga.
"I'm Elleina Zeal Suarez. I'm the boss from now on." Maangas ko iyong sinabi. Ilang segundo pang namayani ang katahimikan bago sila naghiyawan.
"Welcome our new boss!"
Walang emosyon ko silang tiningnan. Pinigil kong 'wag magsabi ng 'salamat.' Ganito kahirap maging boss dapat kinatatakutan ka ng lahat para sundin ka nila. Dapat makapangyarihan ka at matapang.
Natigilan kaming lahat nang biglang may sumabog. Nakuyom ko ang palad ko. Ang gandang pag-welcome naman nito.
"Get ready, HTH! Fight!" Utos ko sa kanila habang hawak ang mic. Tumango silang lahat at pare-parehas matalim na tumingin. Kinuha agad ako ni Flair.
"Akong bahala." Mataman niya akong tinitigan. "Ang baby natin." Bulong niya.
Sunod-sunod na may sumabog. Nagkagulo na ang lahat. Napasok kami ng kalaban. Kahit anong pilit ni Flair sa akin na 'wag akong lumaban tinakbuhan ko siya.
Ako ang boss. Hindi ko itataya ang buhay ng members.
Dapat malakas at matapang.
"Baby!" Nag-aalala si Flair sa akin kaya panay ang sulyap niya lagi tuloy siyang natatamaan.
"I'm okay!"
Hold on, baby. We'll fight.
Mabilis kong sinipa ang papasugod sa akin. Akmang susuntok sa tiyan ko ang pangalawa pero gigil kong binali ang kamay niya.
Don't you dare punch my tummy. I'll kill you!
Si Kean ay unti-unting lumalapit sa akin. Ito ang ayaw ko nagiging kahinaan nila ako kaya ayaw kong sabihin. Nang makalapit siya ay prinotektahan niya ako. Ganoon din ang ginawa ni Lance, Rev at Nel Jan.
"No fucking hell! Anong ginagawa ninyo?!"
Hindi nila ako sinagot pinalibutan nila ako. Nakita kong nakahinga nang maluwag si Flair at naging focus ang atensyon sa pakikipaglaban. Biglang nawala ang emosyon sa mukha niya at gigil na nanipa, sa lakas ng sipa niya umaaray ang kalaban.
"Boss!" Napalingon ako sa gilid ko nakita ko si G.
"'Yong inutos mo sa akin. Si Marie Belle Alen ay--"
Nanlaki ang mata ko nang tumarak sa dibdib niya ang bakal na matulis.
"No! G!" Sigaw ko at nagpumiglas sa pagkakapalibot nila Rev sa akin. Tiningala ko kung sino ang may gawa noon. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa second floor, nakatakip ang mukha na mata lang ang nakikita.
"G!" Sigaw ko muli. Unti-unti na siyang natumba.
"G!"
"B-boss." Iyon ang huling linya na lumabas sa bibig niya.
Ano si Marie?
Si G ang inutusan ko na imbestigahan si Marie pero natagalan siya dahil mailap daw ang impormasyon pero kanina parang may nakuha siya na gusto niyang sabihin.
Wala na siya ngayon. Patay na siya.
Pinigilan ko ang pag-iyak ko. Bawal ang mahina kahit pa iyon ako. Ang iyaking Over Melanin ni Flair.
Matalim kong tiningnan ang babae sa second floor. Sinunggaban ko si Kean para makatakas ako sa pagpalibot nila sa akin.
"z4!" Sabay-sabay na sigaw nila pero hindi ko pinakinggan.
Eksperto akong naglambitin sa mga bakal para makaakyat sa second floor.
Kapit na mabuti, baby.
Narating ko ang itaas. Nakita ko ang babaeng patakbo.
Parang pamilyar siya?
Siya rin 'yong pumasok sa mansyon! 'Yong nagpatama ng kutsilyo sa mga picture ng mga Baider.
Mabilis ko siyang sinundan at hinabol.
"Who the heck are you?"
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang magpalipad ng kutsilyo pero nailagan ko. Akmang hahabulin ko siya nang may magtutok ng baril sa akin. Lalaking takip din ang buong mukha niya.
"Don't move! I'll shoot you!"
Ang boses niya.. parang narinig ko na?
Hindi ako gumalaw dahil prino-protektahan ko ang sarili at ang anak ko.
"We'll see each other again." Sabi niya at mabilis na tumalikod at tumakbo kasama ang babae.
Sino 'yon?
Natigilan ako nang sunod-sunod na may sumabog.
"Cherish.." lumapit si Flair at nanlulumong napaupo. "S-si L-lance."
Natutop ko ang bibig. "Anong nangyari?"
Tinakbo ko agad ang daan pababa.
"'Wag kang tumakbo, please.." pakiusap ni Flair pero hindi ko siya pinakinggan.
Lance..
Iyon lang ang laman ng isip ko. Humupa na ang kaguluhan. Nagtataka akong tumingin sa kanila dahil biglang nawala ang mga kalaban. Ang naiwan ay ang mga sugatang members at ang mga namatay.
Napailing-iling ako. "No! Wala akong kwenta."
Nilingon ko sila Kean na ngayon ay nakayuko. Hinanap ng mata ko si Lance.
"Nasaan ang best friend ko? Nasaan si BossRill?"
Yumakap si Flair sa likuran ko at naramdaman ko ang mainit na likidong tumutulo sa balikat ko.
"No! No! No! No way! Nasaan sila? Lance! BossRill!" Pinipigilan kong tumulo ang luha ko pero nang mapasulyap ako sa mga namatay na members ay bumagsak na iyon.
"G?" Niyugyog ko ang balikat niya kahit alam kong wala na siyang buhay. Nanlulumo akong napaupo. "N-nasaan si Lance? Si BossRill?"
Humagulgol ako ng iyak nang makita ko ang pagtulo ng luha ni Rev.
Malokong tao si Rev kaya bakit siya iiyak?
"No! Lance?! BossRill?!"
Tiningnan ko ang kwartong nasisiguro kong opisina ni BossRill kahit pa halos abo na lang iyon. Natutop ko ang dibdib nang sumabog nanaman iyon. Mabilis na prinotektahan ako ni Flair. Humagulgol nanaman ako ng iyak.
"Nasaan na sila? Wala akong kwentang Boss! Ang daming namatay! Ang daming nasugatan! BossRill! Lance!"
Carme..
Pumasok sa isip ko si Carme.
"Sabihin ninyo sa akin. Please?"
Nagpumiglas ako sa yakap ni Flair at tinakbo ang kwartong iyon.
"Lance! BossRill!"
Hindi ko mapigilan ang mga luhang kumakawala.
"Cherish! Ano ba!" Hinila ako ni Flair nang akmang papasok ako sa umaapoy na silid. "Cherish, may baby tayong dapat alagaan.."
Humagugol na lang ako ng iyak. Wala akong magawa at wala na akong magagawa.
Naging matunog ang iyakan namin.
"Lance.. BossRill.." nanghihina na ako at para bang anumang oras ay hihimatayin ako.
"Lance.. BossRill.."
Napatigil ako sa paghagulgol nang makita kong lumabas si Lance sa umaapoy na silid. Puno siya ng uling at umuubo-ubo.
Mabilis ko siyang tinakbo at niyakap. "Akala ko iniwan mo na kami."
Natigilan ako nang marinig ang pag-iyak niya.
"I failed. Hindi ko nailigtas si BossRill," halos paos niyang bulong.