Chapter 97

Shine Clear's POV

"Wala na si BossRill," bulong ni Lance.

"No!" Naging matunog ang iyakan.

Ang HTH ay lumuluha, kaniya-kaniyang pagdadalamhati at nagpapalakasan ng iyak.

Wala akong kwenta. Hindi ko siya nailigtas.

"May kumuha sa kaniya at kinulong sa opisina niya. Sumabog 'yon.. sumabog, z4. Huli ko nang nalaman na nandoon siya. Hindi namin napansin na nawawala pala siya," mahinang kwento ni Lance habang tahimik na lumuluha pa rin sa balikat ko.

"I'm sorry.. BossRill," bulong niya pa at mas humigpit ang yakap sa akin.

Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa sakit nito. Wala na siya, ang nagsilbing halos pangatlong ama ko na.

"Cherish.. baka mapa'no si baby," halos wala nang lumabas na boses sa bibig ni Flair dahil maging siya ay lumuluha.

Pinilit kong 'wag umiyak pero talo ako patuloy lang iyon sa pagdaloy. Ang taong nagtiwala sa kaya ko ay wala na.. wala na si BossRill. Wala na ang taong matagal kong nakasama, wala na ang taong nagbigay sa akin ng lakas para maging mahusay sa larangan ng pakikipaglaban at hindi na muling maging biktima ng masamang tao. Ang taong humulma sa aking mabuting mandirigma ay nagpaalam na sa mundong ito.

"BossRill.." hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ko.

Inalo na ako ni Lance. "Shhh.."

"Bo--ssRill.."

Kinuha ako ni Flair sa pagkakayakap ni Lance at siya na ang nag-alo sa akin.

"Shhh.. ang baby natin."

Kumuha ako nang malalim na hininga at pinakawalan din iyon para kumalma. Hinaplos ko ang tiyan ko. "I'm sorry for stressing you."

Humalik si Flair sa noo ko. "Maging matatag ka."

Inilabas ang katawan ni BossRill. Napahagulgol nanaman ako nang makitang ang kalunos-lunos na sinapit niya. Sunog ang katawan, halos di na siya makilala, putol ang kamay at paa na pinagdikit lang.

"Shh shh shh.." sunod-sunod na pag-alo sa akin ni Flair kahit ang mga mata niya ay tumutulo rin ang luha.

Si Kean ay nakababa ang tingin habang pumapatak din ang luha. Si Lance naman ay yakap na ni Carme ngayon at tahimik na lumuluha. Si Rev ay nakaupo, nakababa ang tingin at kuyom ang palad. Ang mga tao sa organisasyon ay wala ng tigil sa pag-iyak. Dumating ang pamilya niya at mas tumindi lang ang iyakan.

"Paano niya tayo nagawang pagkatiwalaan samantalang ito ang unang araw natin sa HTH binigo na natin siya kaagad?" Matalim ang tinging sabi ni Rev.

Ngayon ko lang nakita ang ganoong katalim na pagtingin niya dahil hindi siya ganoon. Inis niyang binalibag ang mga upuan.

"Woah!" Sumigaw siya na para bang sa ganoong paraan mawawala ang galit niya. Sumunod si Kean sa kaniya lumuhod din at sumigaw.

"Woah!"

Kahit anong pigil ko sa luha ay wala akong magawa kung hindi 'yon lang maging ako ay binigo siya.

Sumunod din si Nel Jan lumuhod, sumigaw at saka niya pinagsusuntok ang semento. Hindi man siya umiiyak bakas naman sa mata niya ang pagsisisi, hinagpis at kalungkutan.

Tinanggal ni Flair ang pagkakayakap ko sa kaniya at lumuhod din.

"Woah! I'm sorry!" Pinagsusuntok niya rin ang semento. "I'm sorry.. binigo kita! Sorry! Sorry, mommy! Sorry Tito Rill!"

Nakiluhod na rin si Lance at nagpalakasan sila ng sigaw. Nagpapatanggal ng galit at sakit. Pare-parehas nilang sinuntok ang semento at kahit dumudugo na ang mga kamay nila hindi tinigil 'yon. Siguro nga talagang ganoon maglabas ng galit ang mga lalaki. Naupo na lang ako habang sapo ang tiyan. Hindi ako pwedeng malungkot at sobrang masaktan baka kung ano ang mangyari kay baby.

BossRill...

Ang mga sumunod na araw ay hindi na ako makakain pinipilit ko na lang. Nakatingin lang ako sa kabaong niya na nasa harapan ko, tulala at wala ng mailuha.

Even the tears left me...

Bagsak ang balikat, mga mugto ang mata, at hinang-hina na ang bawat isa. Tumabi si Flair sa akin at inabutan ako ng gatas. Tahimik ko iyong kinuha at ininom.

Hinaplos niya ang tiyan ko. "Okay lang ba ang baby ko?" Tanong niya sa tiyan ko. Si Shivelle ay nasa tabi niya walang emosyon ang mukha at nakatitig lang din sa kabaong.

"My angel," pilit akong ngumiti. Lumapit siya saakin at umupo sa hita ko matapos ay hinalik-halikan ang pisngi ko na nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

"Don't be sad, mom. Baby will be sad too." Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Dito ka sa akin, Shivelle. Big girl ka na nagpapakarga ka pa kay mommy bawal 'yon diba?" Sabi ni Flair at kinuha ang anak.

Tulala pa rin akong tumitig lang sa kabaong. Lumapit si Kean at inabutan ako ng tubig tahimik ko ring ininom iyon.

"Pisilin mo ang pisngi ko okay lang kahit masakit basta 'wag ka lang masiyadong ma-stress."

Umiling lang ako. Sunod na lumapit ay si Clench nakaakbay kay Rozel.

"Elle, 'wag kang ganyan," hinawakan niya ang kamay ko. "Kumain ka na ba?"

"Ayaw kumain," si Flair ang sumagot.

"Kumain ka na. Alam mo naman diba?"

"Elle, kumain ka na makakasama 'yan saiyo," malambing na ani ni Rozel.

"Later."

Kinulit pa nila ako kaya sa huli ay napakain din nila ako.

Inilibing si BossRill ng mga sumunod pang araw. Kuyom ko ang palad habang nakatitig sa papalubog niyang kabaong. Tahimik akong lumuluha, rinig ko ang malakas na iyakan lalo na ng pamilya niya.

Hindi ako makagalaw dahil sa kondisyon ko pero kung hindi ako ganito sisiguraduhin kong madudurog sa kamao ko kung sinuman ang gumawa nito. Sinira nila ang lugar ng Sikreto at pinatay nila ang Boss namin. Hindi ako titigil hangga't di ko sila napapagbayad.

Wawasakin ko ang buong parte ng katawan nila.

Ang nakakuyom kong palad ay hinawakan ni Flair. "Ako ang bahala." Humalik siya sa noo ko. "Trust me."

Pagkatapos ng libing ay walang imik akong pumasok ng kotse. Si Shivelle ay kumakain ng chocolates kaya pinupunasan ko ang bibig niya. Humalik si Flair sa noo ko.

"Gusto mo bang sa bahay muna nila mommy matulog?" Tanong niya, ang tinutukoy niya ay ang mga Suarez. Tumango lang ako, pinaandar niya na ang kotse papunta roon. Nasa likod namin ang kotse nila Kuya Zen.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko habang hawak sa kamay si Shivelle. Parang walang nagbago sa kwarto ko kahit hindi na ako dito natutulog. Iniupo ko si Shivelle sa kama. May kumatok kaya binuksan ko iyon.

"Princess, anak," tipid ang ngiting sabi ni mommy.

"I'm okay, mom. I just need to rest."

Humalik siya sa pisngi ko at mahigpit akong niyakap. Pumasok din si Flair at kinarga si Shivelle.

"Wanna take a bath with mommy?" Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko na alam kung kailan niya ako huling pinaliguan. Ang alam ko noong nag-break kami ni Kean. Nakangiti niya akong iginaya papasok ng banyo at binuksan ang shower. Naka-two piece lang ako habang shina-shampoohan niya ako.

"Parang kailan lang baby pa kita. Ngayon ay may sarili ka ng pamilya. Kumusta naman ang pakiramdam mo?"

"Maayos naman po ako, mom, kahit paano."

"Alam ko kung gaano mo kamahal si Rill pero anak gano'n talaga ang buhay hindi mo alam kung kailan sila magpapaalam," kumuha siya ng liquid soap at sinabunan ako sa likod.

"Pangalawang anak na ninyo ni Jave. Nae-excite ako!"

Napangiti ako at hinaplos ang tiyan ko. Bigla ay nagbago ang mood ko parang naging kalmado at masaya.

"I can't wait to see my apo! Sana naman ikaw na ang kamukha kasi si Shivelle hawig na hawig ng ama."

"Sana nga, mommy. Ano kayang hitsura niya?" Masigla kong sabi.

"Syempre guwapo o maganda! Pero sana talaga kamukha mo.. I can't wait to take care of my apo." Natapos ang pagpaligo niya sa akin kaya lumabas akong naka-robe. Iniupo niya ako sa tapat ng vanity mirror at sinuklayan.

Nakakamiss ang pag-aalaga sa akin ni mommy. Simula kasi nang mag-asawa ako ay palagi akong nasa mansyon o di kaya nasa school halos hindi ko na sila madalaw.

"Be strong, okay?" Humalik siya sa pisngi ko at yumakap. "Good night, my Princess."

"Good night, mommy."

Lumabas na si mommy. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha ko dahil hindi ako pwedeng ganito palagi. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin na wala na si BossRill.

Pumasok si Flair. Karga niya si Shivelle at inihiga sa kama. Nakatulog na ang bata.

Naglalambing na yumakap siya sa akin at dinampi-dampian ng halik ang pisngi ko.

"Alam kong mahirap. Nahihirapan din ako dahil malapit talaga sa akin si Tito Rill pero diba kakayanin mo naman?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.