MAPUTLA na si Xeen nang marating nila ang pinakamalapit na dagat. Kulang kalahating oras din ang biniyahe nila gamit ang chopper ng San Victorio, Ltd. Ezio had no choice but to ask the company pilot to fly them to Batangas. Iyon ang naiisip niya na pinakamabilis na paraan. On the way rin naman sila sa SVL.
Wala nang tanong-tanong at isinakay niya si Xeen doon. Sa gitna ng malawak na kalupaan ng kanyang ama bumaba ang chopper. Sampong minutong pagtakbo mula roon at narating nila ang dagat. Malapit lang din iyon sa rest house.
“Xeen?” Pilit pinakakalma ang sarili na inalog niya ang walang malay na dalaga.
Hindi na ito kumikibo at talagang nag-aalala na siya.
“Nandito na tayo, Xeen.”
Nang malingunan niyang namimilipit sa matinding sakit si Xeen, ang isip niya ay gusto itong itakbo ulit sa ospital at hindi sa hiniling nitong dalhin sa dagat.
But right before his very eyes, nakita niya kung paanong ang luha na mula sa mga mata nito ay gumulong pababa sa pisngi nito at nang lumapat sa may collar ng blouse na suot ay naging pearl. Hindi niya siguro iyon mapapansin kung hindi dahil sa kausap niyang si Tito Hugh sa cell phone. Ipinipilit kasi ng huli na ang ilang piraso ng high-quality pearls na naiwan sa VIP room ng SVMC ay kanya o kay Xeen.
Nakita raw iyon ng tagalinis at agad na inireport sa admin ng ospital. Madali iyong na-tract sa kanila dahil sila ang huling gumamit ng silid.
At ayaw pa niya sanang maniwala sa kababalaghan na iyon kung hindi siya ang mismong nakakita. Nang tuluyang mawalan ng malay si Xeen ay hindi na siya nagdalawang-isip. Sa dagat niya ito dapat dalhin katulad ng hiling nito.
Hindi sa SVMC o kahit ano pa mang hospital. Ngayon niya unti-unting nare-realize kung bakit may contaminants sa DNA nito. Because Xeen was not really human--not completely, at least.
Katulad ng sinabi nito kay Tito Hugh.
Kumakabog nang malakas ang dibdib ni Ezio habang lumulusong sa dagat. Nang hanggang upper waist na niya ang tubig ay saka niya inilubog si Xeen sa dagat. Hanggang kalahati iyon ng katawan nito.
At laking panggigilalas ng binata nang makitang tumataba ang mga binti ni Xeen. Pumutok ang suot nitong cropped jeans at nahubad mula sa dalaga. Tuluyang nagdikit ang mga paa ni Xeen. At naging... naging buntot!
Striped gold and silver iyon na hanggang baywang nito. Unti-unti ring nagbabago ang maputlang complexion ng dalaga hanggang sa bumalik ang buhay sa kulay nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Ezio sa pagkamangha. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ayaw niyang maniwala. Gusto niyang suntukin ang sarili para mahimasmasan. Baka sa paraang iyon ay magising siya mula sa kakaibang panaginip na ito.
But hell! He knew it wasn't a dream. He was really holding a mermaid. At umuungol na ito sa kanyang braso, senyales na nagkakamalay na.
And when she opened her eyes, he saw the brightest red-brown eyes he had ever seen. The most beautiful. The most exotic. The rarest and the most amazing. Katulad ng babaeng nagmamay-ari ng mga iyon.
“Thank you, Ezio,” mahinang sabi nito sa kanya na sinabayan ng matamis na ngiti.
He could only gasp. May mainit na pakiramdam na nanunulay sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso. Not the usual heat when he felt aroused because of her sexiness and sensuality, but the warmth he never thought he was capable of feeling. Iba pa iyon sa init na bigay ng kanyang ina kapag niyayakap siya.
It was a warmth that he frequently felt whenever she smiled at him. At hindi niya itinatanggi na napakasarap niyon sa pakiramdam. Na para bang gusto niya itong laging ngumiti sa kanya ng ganoon. Dahil uhaw siya sa init na tanging mga ngiti lang nito ang makapagpapadama sa kanya.
Ah! What is this feeling? Why am I enjoying it? Damn!
“Kung sinabi mong water therapy ang kailangan mo, hindi na sana kita inialis ng San Juan. Malayo rin ang Makati, baka akala mo,” kunwari ay nagrereklamong sabi nito. Ayaw niyang maramdaman nitong may kakaiba rin sa damdamin niya.
Xeen just chuckled, pressed her beautiful face against his chest and breathed softly. Lalo nang hindi magkamayaw ang kanyang internal organs sa pagkakagulo dahil sa ginawang iyon ni Xeen.
But heaven help him, hindi niya gustong pakawalan si Xeen.
“SO? Ano na ang gagawin ko sa `yo?” Nagsusungit ang tono ni Ezio at hindi makalingon kay Xeen.
Isinusuot kasi nito ang polo niya. Matapos pumutok ng mga kasuotan nito sa pang-ibaba, malamang na sa pag-ahon nito mula sa dagat ay wala itong saplot.
At wala siyang tiwala sa sarili na hindi maaapektuhan kung sakaling makita itong walang suot sa pang-ibaba na kahit ano. Maiging siya na ang umiwas sa tukso kaysa makapanggahasa nang wala sa oras.
“Nadala mo ba ang mga bihisan ko? Ayokong mag-polo lang. Ang lamig ng pakiramdam sa ibaba.”
Natural. Wala kang underwear, eh.
Gusto na naman magsiklab ng pakiramdam ni Ezio dahil sa ideyang iyon. Hindi naman siya manyakis na tao. Sadyang kakaiba lang ang hatak ng atraksyon ni Xeen. Kahit naman nakadamit ito, parati pa ring umaatikabo ang makamundong bahagi ng utak niya. Siguro ganoon lang talaga ang mga mythical creatures. May kakaibang panghalina.
And speaking of mythical creatures, hanggang ngayon ay parang gusto pa rin niyang iumpog ang sarili at baka nga nasa loob lang siya ng weird na panaginip.
Nasa computer age na sila. Ang totoo sa panahong ito ay robotics. Kung cyborg itong si Xeen, baka mas madali pa niyang matanggap. Pero hindi, eh. Katulad ito ng isa sa mga karakter mula sa mga fantasy movies. Mahirap talagang intindihin at paniwalaan pero nandito na. Nakita na ng mga mata niya. Maski scientific tests nito, nagsasabi na may pagka-isda si Xeen. Ano pa ba ang kailangan niyang ebidensya?
“`Yong mga damit mo, ipinababa ko sa pilot sa landing area. Ipapakuha ko na lang kay Manong Fred mamaya,” pabuntong-hiningang sabi niya. “Okay ka na ba? Nakadamit ka na?”
Lilingon na hindi si Ezio. Nag-aalala kasi siya na baka may makitang magandang tahong sa paglingon. Paborito pa naman niya iyon.
Argh! Ano bang kaberdehan ang iniisip niya?
Damn it, Ezio! You're getting pervert!
“Okay na. `Buti na lang mahaba ang polo mo.”
Unti-unting lumingon si Ezio. At ang unang landing ng mga mata niya ay sa gitna ng katawan ni Xeen. Gusto na naman niyang suntukin ang sarili. Hindi yata siya mauubusan ng supply ng makamundong isipin kapag nasa harapan niya si Xeen.
Damn! Damn! Damn!
But he wanted to run his fingers over her smooth skin, against her inner thighs and up to her...
“F^ck!” napalakas na singhal niya na ikinapitlig ni Xeen.
“Bakit?” gulat na tanong nito.
“Wala!” yamot na singhal ni Ezio, pero ang pagkayamot naman ay para sa kanyang sarili. “Umuwi na tayo at ayusin mo ang sarili mo. Mahirap na at baka mag-transform din ako sa pagiging jellyfish.”
Iritadong tumalikod si Ezio kay Xeen. Sumunod naman sa kanya ang dalaga.
Hah!
Ilang beses siyang nagbuga ng hangin mula sa kailaliman ng kanyang mga baga. Para niyang tino-torture ang sarili na pigilang lingunin si Xeen pero naglalaro sa isip niya ang imahe nito habang suot ang kanyang polo na umabot lang sa balakang nito. Parang sinadya lang ipagkait sa kanyang makita ang mitsa ng pinakamapanganib na tukso.
Alright. Calm down, Ezio. Calm down.
Pagkarating na pagkarating nila sa rest house ay agad na pinapunta niya si Manong Fred sa admin ng chopper para ipakuha ang mga gamit nila ni Xeen. Siya ay dumeretso na sa shower at nagbabad. Kailangan niyang mahulasan sa nakakalasing na mapang-akit na alindog ni Xeen.
And the more frustrating fact was, Xeen wasn't aware of her effect on him. He had never been so attracted and so aroused before. Marami na rin namang nagdaang babae sa buhay niya. Mga flings. Nilalapitan siya ng mga babae dahil isa siyang San Victorio. Minsan ay pumapatol siya, hindi dahil attracted siya kundi dahil isa lang siyang lalaki na kailangang magparaos.
But with Xeen, kahit gustong-gusto na niyang makaraos sa nakamamatay na atraksyong mayroon siya para dito, nandoon pa rin ang reservation sa kanyang sarili. Nandoon pa rin ang pagpipigil. Maybe because she looked innocent and all.
Babae ito. Ang karamihan sa mga babaeng mapalapit sa kanya ay hindi mahirap akitin. Kaya niya itong i-lure kung gugustuhin niya. Pero hindi siya ang tipo na mapagsamantala. Kaya idadaan na lang niya sa paligo ang lahat.
“NATATAKOT ako kay Xeen, Ezio.”
“Po? Bakit Manang?”
“May mga sinasabi siya na nakakakilabot.”
Mula sa second-floor veranda ay naririnig ni Xeen ang pag-uusap nina Ezio at Manang Nely sa may kusina. Naiintindihan niya ang matanda na matakot sa kanya dahil ikinuwento niya rito na nakikita niya si Lukan. Mukhang may alam ang matanda sa family history ni Ezio. Hindi naman niya magawang magsinungaling sa lahat ng mga pag-uusisa sa kanya ng tito ni Ezio. Kasalanan iyon sa kanilang mga lambana at ayaw niyang may magawang kasalanan. Ayaw niyang maparusahan.
“So, Manang, ibig sabihin, may alam kayo tungkol kay Lukan?”
Singhap ang naging sagot ni Manang Nely. “A-alam mo na?”
Naririnig pa rin ni Xeen ang mga ito bagaman mahina. Pakiramdam niya, humihina ang mga kakayahan niya magmula nang kamuntik nang manganib ang buhay niya dahil sa muntik-muntikang pagsasabi ni Ezio ng forbidden word. Na hindi totoo ang tulad niya. Idagdag pa ang matagal na hindi niya paglubog sa dagat.
Siguro, dahil pa rin iyon sa mga kaganapan sa Engkantasya. Kailangan na niyang makabalik at alamin kung ano na ang nangyayari sa kanyang mundo. Bakit hindi man lang nagpapakita ang kanyang mga kaibigan sa kanyang panaginip? Hindi kaya may masama nang nangyayari sa mga iyon?
Ah!
Ipinilig niya ang sariling ulo. Hindi puwede. Hindi siya dapat na nag-iisip ng masama. Isa pa, nakabalik na sina Rosette at Erastus. Magiging maayos ang lahat.
“Xeen...”
Napalingon siya sa pintong bahagi sa second-floor veranda. Nakatayo roon si Lukan. Rather... ang kaluluwang si Lukan. Nginitian niya ito at lumapit.
“Bakit hindi mo agad sinabi na kaluluwa ka?” tanong niya.
“Naghahanap pa ako ng tiyempo,” sagot nito. Kung magsalita ay parang hindi na batang pitong taon.
Napangiti na lang siya. “So, bakit ka pala nagpapakita sa akin?” wala nang ligoy na tanong niya.
“Dahil ikaw lang ang puwedeng makakita sa akin sa bahay na ito.”
Nangunot ang noo niya pero hindi na nagkomento. Posible naman iyon dahil siya lang ang kakaiba sa lumang bahay ni Ezio.
“Sa `yo ko lang din puwedeng ipadala ang message ko, para makatawid na ako,” dagdag nito.
Nalito si Xeen. “Ano'ng ibig mong sabihin?”
“Malayo na ang nalakbay ko papunta sa afterlife pero na-drag ako pabalik,” malungkot na sabi nito.
“Bakit?”
“Dahil kina Mama at Papa.”
Kunot-noong napatitig siya sa kaluluwa. Nagbuntong-hininga si Lukan at nagpatuloy.
“Sinisisi nila ang mga sarili nila sa pagkawala ko. Hangga't hindi nila napapatawad ang mga sarili nila, mananatili akong lost soul dito.”
“Teka... nila? Ibig mong sabihin ang mama at papa mo?”
Tumango ang kaluluwa.
“Akala ko sabi ni Ezio, okay na okay naman si Matthew.”
“He's just pretending but he's still hurting... alone.”
Parang may sinaksak sa isang bahagi ni Xeen nang marinig ang napakalungkot na boses ni Lukan. Pakiramdam niya, nata-transfer sa kanya ang damdamin ng kaluluwa.
“Hindi ako makakatawid na miserable pa rin ang pamilya ko,” dagdag pa nito.
“At nasaan ang mama n'yo ni Ezio?”
“Nasa Engkantasya. Sa elemental na mundo.”
“Ha?”
Naguluhan at nalito si Xeen sa narinig. Bakit? Paano? Imposible iyon. Maliban kung may nagambala si Rysia sa mundo nila at pinarusahan ito.
“Hindi naman niya sinasadya. Out of being so protective, natiris niya ang isang insekto na elemento pala. Nakadapo kasi iyon sa braso ni Ezio. And our mother was so loving and protective na hindi niya kami padadapuan sa kahit anong insekto. That day, nand'on sila sa garden ni great-grandlolo. Si Lolo Timothy, tatay ni Tita Kroen.”
Walang kakurap-kurap si Xeen habang nakikinig kay Lukan. Hindi pa rin niya maisip, logically, kung ano ang koneksyon niya sa buhay nina Ezio at doon siya iniluwa ng lagusan nang mahigop siya niyon.
“That night, kinuha siya ng elementong kalahi ng napatay niya at dinala sa mundo ng mga elemento para parusahan. Doon siya walang katapusang magiging alipin ng elemento. At ang Ikatlong Daigdig, ang mundo ng kahapon at bukas, ang nagpakita ng hinaharap. Ikaw ang magiging daan para mabawi ni Ezio ang mama namin. Kaya ka nakatawid nang makita mo si Ezio sa lagusan. At kaya rin naiwan ang singsing ni Mama sa garden para makatawid ka sa nakatakdang panahon.”
Ang haba ng sinabi ni Lukan na sa totoo lang ay hindi naman na nakakagulat, pero gusto pa rin niyang mawindang. Kung ganoon ay kawawa naman pala si Rysia. Hindi nito kasalanan kung nakapatay ito ng elemento. In the first place ay hindi dapat nakikisalamuha ang mga tulad nila sa mga tao. May mundo sila na dapat doon lang nakikihubilo.
Ah, parang tinamaan siya ng malakas sa mindset na iyon. Katulad din siya ng elemento na nag-i-intrude sa mundo ng mga mortal. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Nandito na siya at hindi na mababago pa ang nangyari.
“Kaya sana, tulungan mo ang mama ko na makabalik. Hindi lang para sa akin kundi para kina Ezio at Papa. Para sa pamilya kong nasira dahil sa pagkawala ko.”
Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Xeen.
“Paano ko gagawin `yon? Kung ako nga, hindi ako makabalik sa mundo ko.”
“Na kay Ezio ang susi ng lagusan pabalik. Ang singsing ni Mama. Sa kabilugan ng buwan, makakabalik ka na,” parang natutuwang sabi nito, pero kapagkuwan ay nalungkot ulit. “Kailangan mo muna nga palang paibigin si Ezio bago ka bumalik, kung hindi ay mamamatay ka.”
Pabigla ang ginawa niyang paglingon kay Lukan. Nagugulat talaga siya sa mga sinasabi at nalalaman nito.
“Bakit alam mo ang lahat ng iyan? Ang tungkol sa batas namin?”
Ngumiti ito sa kanya. “Dahil isa akong elemental na nilalang. Tungkulin kong alamin ang lahat ng may kinalaman sa dahilan ng pagkaka-stuck ko dito sa mortal world...”
“Xeen?”
Napalingon si Xeen sa tumawag sa kanya. Si Ezio. At papalabas ito sa veranda. Sa pagbabalik niya ng mga mata kay Lukan ay wala na ito roon.
“Napaakyat ka? Akala ko nagkukuwentuhan kayo ni Manang Nely?”
Napunit sa isang guwapong ngiti ang mga labi ni Ezio. “So, pati pala iyon ay naririnig mo?” amused na komento nito at lumapit sa kanya.
Hindi napigilan ni Xeen ang mapatitig sa binata. There was this undoubtedly sexy man, looking so very tall and powerful while he was walking toward her.
Parang biglang nagbago ang tingin niya sa binata. Ang mga bagay na hindi niya napapansin noon, kapansin-pansin na ngayon.
His prominent jaw and confident face. Ang maiksi at clean-cut na buhok nito. At ang mga matang nakakalunod kung makatitig. Ang mga butones ng puting polo ay bukas hanggang ikaapat na buton. Naglulumikot tuloy ang mga mata niya at para bang gusto niyang hawiin na ang telang iyon para makita ang kung anong tanawing itinatago.
And she was certain it was a nerve-wrecking view! Hindi niya iyon nakita kanina dahil bukod sa nakatalikod ito ay medyo malayo sa kanya.
Tuloy siya sa pag-appraise sa lalaki nang huminto ito sa harapan niya. She had an urge to smile at him. Aminado siyang mahilig manood ng mga guwapong lalaki. Pero iba si Ezio.
Hindi agad niya napansin noon, o baka napansin naman niya pero natabunan na iyon ng inis niya sa kaarogantehan nito.
But because he seemed different now, nakikita niya na ngayon ang dating hindi agad niya napapansin sa binata.
She was now affected by his oozing manly charm. At hindi niya iyon maitatanggi sa sarili lalo pa at hindi niya maialis ang mga mata rito.
Umigkas ang isang gilid ng labi ni Ezio at pinakatitigan siya. And it just added to his so manly character.
He was so, so attractive, so irresistible… so masculine in every way. Para bang kay sarap matikman ng mamula-mula nitong mga labi. Mahaplos ang matigas at malakas nitong katawan.
Ah! Nakakapugto ng hininga ang anyo ni Ezio!
Mahabaging Bathala! Ano ba itong naiisip ko? Epekto ba ito ng pagiging tao?
Hindi naman siguro. Normal naman kahit sa mga katulad niyang lambana na makaramdam ng animalistic desire dahil...
Wait? Animalistic desire? Saan nanggaling iyon? Did she really desire him?
Napatingala tuloy nang wala sa oras si Xeen sa guwapong nilalang sa kanyang harapan.
“W-wala akong magagawa kung naririnig ko kayo.”
Their eyes met. At hindi na ganoon kadali na putulin ang eye contact na biglang namagitan sa kanila. Pakiramdam ni Xeen, parang may magnet ang mga mata ni Ezio na hinihila at hinihigop palapit rito ang kanyang kaluluwa. At talagang nahihiwagaan na siya kay Ezio.
Matapos ang lahat ng mga natuklasan nito, pakiramdam niya may nagbago. Hindi masamang pagbabago pero hindi rin maganda. Nagtaka at nagulantang ito, alam niya. Pero hindi nagtatanong ang binata. He just let things happen. Parang wala lang dito ang mga natuklasan.
But in some way, pakiramdam niya may nagbago sa pagitan nila. Hindi niya eksaktong alam kung ano.
Maybe the way he talked to her. The way he approached her. Or maybe... the way he looked at her.
Alam niya na may something sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, pero hindi niya eksaktong mapangalanan kung ano iyon. It was just that... he looked at her so intently. Like she was the only woman he had ever seen in his whole damned life.
O, baka kaya ito ganoon ay dahil alam nitong kakaiba siya.
Umihip ang panghapong hangin kasabay ng pag-angat ng kamay nito sa tapat ng kanyang pisngi. Nahigit na lang ni Xeen ang hininga nang tuluyang lumapat at humaplos doon ang likod ng palad nito.
At ano iyong parang mahinang electric sensation na nanulay sa balat niya, papasok sa kanyang mga himaymay at patuloy na dumadaloy?
“Were you talking to my brother's soul?”
He was talking so softly that his warm breath touched her delicate face. Ano bang klaseng damdamin itong binubuhay ni Ezio sa kanya? It was just his warm breath, for goddamn sake!