Chapter SIXTY

Pagkarinig sa pagsasara ng pinto ng silid ni Jing-jing ay saka lang nagmulat ng mga mata si Bell. Nagkukunwari lang siyang natutulog kanina nang kumutan siya ng dalaga at alisin ang pagkakatali ng buhok niya. Iniunan niya ang kanang braso at tumingala siya sa kisame. Parang apoy sa gitna ng nagyeyelo sa lamig na kapaligiran ang epekto sa kanya ng ginawa ng dalaga. Hindi niya gustong iwanan itong mag-isa lang doon ngayong gabi kaya humiga siya sa sofa at nagkunwaring nakatulog upang hindi nito paalisin. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa ng dalagang pagkumot sa kanya at paghaplos ng buong suyo sa mukha niya. Ibayong pagpipigil ang kinailangan niyang gawin para lang patuloy na mapanatiling regular ang paghinga niya kahit na pakiwari niya ay nag-triple sa bilis ang tibok ng puso niya.

“Balak kong paibigin ka, Jing-jing,” sagot niya sa mahinang tanong ng dalaga kanina.

Kitang-kita ni Jing-jing ang pagbakas ng gulat at pag-aalala sa mukha ni Darrell nang makita siyang bumaba mula sa passenger’s seat ng kotse ni Bell. Mukhang kadarating lang din ni Darrell sa bahay nina Bell dahil bukod sa nakatayo pa ito sa tapat ng kotse nito, hawak-hawak pa rin nito ang isang bungkos ng pink roses na alam niyang paborito ni Marie.

“Jing-jing! Bakit nandito ka?! Hindi ka ba nag-iisip? Baka makita ka ni Marie! Gusto mong mag-away na naman kayo?! At bakit magkasama kayo ni Bell?” sunod-sunod na tanong ni Darrell nang humakbang palapit sa kanya.

“Alin ang gusto mong unahin kong sagutin, Darrell? O baka naman pwedeng batiin mo muna ako bago ka mag-ala imbestigador diyan,” aniya.

“Jing-jing---“

“Bisita ko siya, Darrell,” putol ni Bell sa sasabihin pa sana ni Darrell sa kanya pagkababa nito mula sa driver’s seat. Lumigid ito pakabila at tumayo sa tabi niya. Hindi pa nakuntento roon, hinapit pa siya ng binata palapit dito. At pinanatiling nakakawit sa baywang niya ang braso nito.

Darrell’s eyes went straight to the arm Bell wrapped around her waist. Pagkuwan tumaas ang mga mata nito patungo sa mukha niya. Puno ng pagtatanong at pagtataka ang anyo.

“Ha?”

Naiikot ni Jing-jing ang mga mata sa eksasperasyon. Mukhang hindi pa rin nakuha ni Darrell ang ibig palabsin ni Bell sa iniakto nito. For such a smart guy, Darrell could really sometimes be clueless about certain things.

“Kailangan pa ba talagang ipaliwanag, Darrell?” untag niya sa kaibigan nang ikawit rin niya ang kabilang kamay sa baywang ni Bell.

Tila noon naman biglang gumana ang utak ni Darrell. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Saglit na napaawang ang mga labi saka malakas na napahalakhak.

“Bilib na talaga ako sa iyo, Jing-jing. Ano’ng gayuma ang ginamit mo kay Bell?!” anito.

“Hoy! Hindi ko siya ginayuma! Siya kaya ang nanggayuma sa akin. Matagal na siyang secretly in love sa akin at dahil maawain ako, sinagot ko na at baka magpatiwakal pa,” nakangising ani Jing-jing saka niya tinignan si Bell at matamis na nginitian. “Ikwento mo nga sa kanya kung paano mo ako hinabol-habol, sinuyo, pinakiusapan at niluhuran, sugar cakes.”

Pinapungayan pa niya ng mga mata si Bell. Bahagyang humigpit naman ang braso nitong nakayakap sa baywang niya. Palihim siyang wina-warning-an na OA na ang drama niya.

Muli na namang napahalakhak si Darrell. Lumakas pa iyon nang malukot ang mukha ni Bell sa ginamit na endearment ni Jing-jing. Noon naman lumabas si Marie mula sa nakabukas na gate ng bahay nina Bell. Nakangiti ito nang lumapit kay Darrell.

“Darrell! Bakit ang tagal mong pumasok---“ naudlot ang pagyakap sana nito kay Darrell nang mahagip ng mata nito sila ni Bell. “Kuya Bell, bakit kasama mo iyan?!” puno ng disgusto ang anyo at tonong agad na usisa nito sa kapatid habang pinupukol ng masamang tingin si Jing-jing. Hindi naman sa duwag siya pero malinaw pa sa alaala niya ang ginawang panunugod ni Marie sa kanya kaya wala sa loob na napasiksik siyang lalo kay Bell.

*******

“I invited Jing-jing to have dinner with us, Marie. And I don’t want you making another childish scene.” Maagap na pinigilan ni Bell ang malinaw sa lahat na binabalak gawin ni Marie kay Jing-jing. Base sa mala-tigre sa bagsik na anyo ng kapatid niya at sa nakakuyom nitong mga kamay, balak na namang sugurin ni Marie si Jing-jing.

Hindi niya masisi si Jing-jing sa ginawa ng dalaga na pagsiksik sa tagiliran niya.

“Hello, Marie! Peace?” halatang peke at labas sa ilong ang kasiglahan at magiliw na pagbati ni Jing-jing kay Marie.

“I can’t believe this! How could you do this to me, Kuya Bell? Uninvite her right now! Ayoko siyang makita! Huwag na huwag mo siyang mapapasok sa bahay natin!” sigaw ni Marie.

Pero nang makita nitong nagsalubong na ang mga kilay niya sa iniaakto nito ay dagling lumambong ang mga mata nito at napuno ng hinanakit ang anyo at tono.

“Alam mo kung ano ang kasalanan niya sa akin, Kuya. Pati ba naman ikaw tatraydurin ako?!” sumbat nito.

Bumuntung-hininga siya. Minsan, nagsisisi talaga siya na ini-spoil niya masyado si Marie.

“Stop being a brat, Marie. Wala ka sa telenobela, ‘no? and for the last time, wala kaming relasyon ng Darrell mo. Kung gusto mo ako pa ang magkasal sa inyong dalawa para matahimik ka na!” angil ni Jing-jing na tila nabawi na ang tapang at lakas ng loob nito. Pagkuwan ay ikinumpas nito ang isang kamay para i-emphasize kay Marie ang kahulugan ng pagkakadikit nilang dalawa. Bagay na hindi agad napansin ni Marie dahil mas nauna ang galit ng huli kay Jing-jing.

Biglang nanlaki naman ang mga mata ni Marie nang makita ang mga braso nila ni Jing-jing na nakayakap sa isa’t isa.

“What---you mean---you---and you---“

“Oo. Yes. Mismo. Kami na ng kuya mo. Matagal na. Hindi lang namin inamin agad sa kahit na sino sa inyo dahil nag-aalala kaming kokontrahin ninyo ang pagmamahalan namin!” sunod-sunod na tango ni Jing-jing na ikinangiwi ni Bell.

Sa kadramahan ng dalaga at dialogues na ninakaw nito sa mga telenobela, posibleng ito na rin mismo ang magbuko sa palabas nila. Pero sa kabilang banda, ganito naman talaga ito umakto at magsalita kapag nang-aasar o kaya naaasar. Eksaherado at cliche ang mga binibitawang salita kapag naaasar sa kausap. Kaya siguro naman hindi mahahalata nina Marie at Darrell ang scripted na pag-arte ni Jing-jing.

“Alam kasi naming tututol lang kayo kung malalaman ninyo ang tungkol sa aming dalawa. Kaya humahanap pa kami ng tiyempo. Pero dahil sa kapraningan mo at pagseselos mo sa akin at kay Darrell, naisip namin na lumantad na,” saad pa ni Jing-jing habang kumukumpas-kumpas pa ang isang kamay.

Iyon ang napagkasunduan nilang isasagot sa mga

magtatanong at magtataka sa tila biglaang pagkakasundo at

pag-amin nila na may relasyon na sila. At dahil hindi naman na nakapisan si Jing-jing sa poder ng mga kuya nito, maipapalabas nilang sa condo unit nina Jing-jing, Lucibelle at Chrisma siya madalas bumibisita at nanligaw sa dalaga. They also agreed that she would tell her brothers that it was her idea to hide their relationship at first. Kung sasabihin nga naman kasi nilang siya ang ayaw umamin na may relasyon sila, iisipin ng mga kuya ni Jing-jing na ikinakahiya niya ang dalaga. At tiyak, mabibilang ang mga araw sa mundo ni Bell kapag nangyari iyon.

Ang totoo, hindi pa nga rin siya tiyak kung paano niya mapipigilan ang mga kuya ni Jing-jing na tuldukan ang buhay niya ngayong nagpapanggap silang magkasintahan. Hindi naman sa bawal pang magka-nobyo si Jing-jing. Twenty-three na ang dalaga. Pero iba siyempre ngayong siya na ang ipapakilala ni Jing-jing sa mga kuya nito bilang nobyo nito. Ang alam kasi nina Kuya Tom at Errol ay kaaway na minsan ay kaibigan ang turing ni Jing-jing sa kanya. But then Jing-jing told him that Kuya Tom said he liked Bell for Jing-jing. Kaya kahit paano, may isa na siyang kakampi sa tatlong kuya ng dalaga. Hindi, mali, dalawa na pala. Dahil matagal nang alam ni Ace ang damdamin niya kay Jing-jing. At matagal na rin niyang naipalaam sa kaibigan ang balak na panliligaw sa kapatid nito ngayong nasa tamang edad na ang dalaga. Ace still didn’t like it but his friend had no choice but to give his blessing. Maliban sa natural na pagtutol nito sa kahit na sinong lalaking mapapaugnay sa bunsong kapatid nito, wala namang ibang maipupula si Ace sa kanya.

Hindi siya playboy tulad nito. May matatag na siyang hanapbuhay. At higit sa lahat, kaya niyang pagpasensyahan at sakyan lahat ng topak ni Jing-jing. Even her gross obsession with WALKING ZOMBIES.

“Kuya Bell! Is it true?! Kayo na ni Jing-jing?!” gilalas na baling ni Marie sa kanya.

“Oo---“

“No! Hindi---“

“Sa loob na tayo mag-usap!” maawtoridad niyang putol sa pagpoprotesta pa sana nito.

Agad na natikom naman ang bibig nito. Nagpatiuna pa itong lumakad papasok sa gate ng bahay nila. Pero tinapunan pa muna nito ng matalim na tingin si Jing-jing

bago tuluyang pumasok sa gate.

“Wala ka bang nakatagong baril, katana, palakol o kung ano pang deadly weapons sa loob ng bahay ninyo?” paanas na untag ni Jing-jing sa kanya. Nananatiling nakakapit ito sa braso niya habang magka-agapay silang humahakbang papasok sa loob ng bahay niya.

Nang sulyapan ni Bell si Darrell ay nahuli niya ang nagtatakang tingin ng lalaki sa kanila ni Jing-jing. Mukhang hindi pa ito lubusang kumbinsido na may relasyon na nga sila ngayon ni Jing-jing sa kabila ng inisyal na reaksyon nito kanina.

Tulad ng inaasahan ay galit na kinompronta siya ni Marie sa loob ng family room kung saan pwede silang mag-usap ng pribado at hindi maririnig ng mga katulong o ni Lola Josephine na kasalukuyang natutulog na. Pero dagli ring umurong ang dila ni Marie nang malamig ang boses at may bahid din ng galit na sinabihan niya itong wala itong karapatang diktahan siya sa personal na desisyon niya. Then he pointedly looked at Darrell’s direction upang maipaalala sa kapatid ang sariling relasyon nito na kahit tinututulan niya ay hindi niya pinigilan.

Bahagyang napayuko si Marie. Pero ayaw pa rin nitong sumuko.

“Pero, Kuya Bell, paano ka nakakasigurong mahal ka talaga niya? Hindi mo ba naisip na sila ni Darrell---“

Sa puntong iyon ay ubos na ang pasensya ni Bell. Pero mas naunahan siya ni Darrell magsalita.

“Grow up, Marie! Sawang-sawa na akong pinaghinalaan mo! Kaibigan ko lang si Jing-jing! Kahit bago pa tayo magkakilala, hindi ko naisip man lang na ligawan siya!!” paasik na wika ni Darrell. “Kapatid lang ang turing ko sa kanya!” dugtong pa nito na ikina-arko ng kilay ni Bell. Napasulyap siya kay Jing-jing na inarkuhan din naman siya ng mga kilay. Naalala niyang iyon din ang sinabi ni Jing-jing sa kanya noong isang araw tungkol sa relasyon ng dalaga at ni Darrell.

“Kapatid! May kapatid bang tinatawag mo ang pangalan kapag natutulog ka?! You always text and call her! Imbes na samahan mo ako sa pagsusukat ng wedding gown ko last week, mas pinili mong samahan siya sa Tagaytay!”

Marahas na hinagod ni Darrell ang buhok nito.

“I already told you days before about the plans I had that day, Marie! Libing iyon ng dating kaklase namin sa highschool! Natural nagsabay na kami ni Jing-jing papunta roon! At isa pa, hindi naman talaga ako ang dapat kasama mo ng araw na iyon, di ba? Sabi mo malas na makita ko ang wedding gown mo bago ang kasal!”

“Oo nga. Pero bilang groom ko ikaw dapat---“

Bell has had enough. Kaya naman hinawakan niya ang kamay ni Jing-jing at iginiya ang dalaga patungo sa pinto ng family room. Sinenyasan niya itong tumahimik nang akmang magpoprotesta pa sana ito. Mukhang aliw na aliw at manghang-manghang pinapanood pa kasi ng dalaga ang away at sagutan nina Darrell at Marie.

“Ano ka ba? Ang ganda kaya ng palabas roon. Live drama! Bakit lumabas agad tayo? Halika, balik tayo roon!” nagmamaktol na angal ni Jing-jing.

“Hayaan mo silang ayusin ang problema nila. Let’s prepare our dinner.”

“Prepare? Ibig sabihin paglulutuin mo pa ako? Akala ko naman pagdating natin dito kakain na lang ako!”

“Don’t you know how much people pay me to teach them my special recipes? Umaangal ka pa eh libre na nga kitang tuturuan.”

“Aba, natural. Karapatan ko iyon bilang girlfriend mo, ‘no.”

Biglang napangiti si Bell nang marinig ang pagtawag ni Jing-jing sa sarili nito bilang girlfriend niya. Pero kahit na pinilit niyang ikubli sa dalaga ang natutuwang ngiti niya, mukhang nahagip pa rin ng matalas nitong mga mata ang reaksyon niya. Nanunuksong tinusok siya ng hintuturo nito sa tagiliran.

“Uy! Kinikilig siya! Nakakakilig bang marinig na girlfriend mo na ako? Hah? Kahit fake---“

Maagap niyang itinakip ang palad sa bibig nito. Saka siya luminga sa paligid nila. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at pabulong na sinita ito.

“Don’t ever say that word again. Baka may makarinig sa iyo at makarating kina Marie. Don’t ever mention that word again when you’re talking about our relationship. This is real, everything is real between us, keep that in mind so you won’t slip, alright?” anas niya. At dahil hindi niya mapigilan ang sarili, he nuzzled her neck and inhaled her sweet and spicy scent that is quite addicting to him. He lightly kissed her cheek before he pulled away from her.

Gusto niyang mapangisi nang makita ang namumulang mukha ni Jing-jing at nang marinig ang pagbilis ng paghinga nito. Maaari itong tumanggi hanggat gusto nito pero sa tuwina ay ipinagkakanulo naman ito ng sariling katawan nito. Tulad niya, nahihirapan din itong kontrolin ang atraksyong nadarama para sa kanya. He was one step closer to making her truly his.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.