Chapter SIXTY-TWO

“Why do you want to have dinner here?” untag ni Bell sa nobyang si Jing-jing matapos niyang ibaba sa kitchen counter sa kusina nito ang bitbit niyang grocery bags. Sa pagkakataong iyon, hindi na palabas lang ang pagiging magkasintahan nila. Totoong nobya na niya ang dalaga.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Jing-jing. Ngiting nais niyang ikakaba. It was the smile of a woman who was secure in her femininity. Napalunok siya.

“Relax, Alexander Graham Bell, ligtas ang puri mo ngayong gabi.”

“Are you sure?” nanunudyong ngisi niya rito.

“Ang daya mo naman eh! Huwag mo akong ngitian ng ganyan!” umaangal at nakangiwing sambit ni Jing-jing.

“Ha?”

“Huwag mo akong ngitian ng ganyan. Mahina ako sa tukso. Layuan mo ako! Baka atakihin ako sa puso sa ginagawa mo. Lalo akong nai-in love sa iyo eh!” pabiro ang tono nito at pilya ang kislap ng mga mata nito. Pero siya ay napatda. Lumapit siya sa dalaga at hinapit ito sa baywang.

“Ulitin mo ang sinabi mo,” marahang utos niya habang nakatitig sa mukha nito.

“Alin doon? Dami ko kayang sinabi,” nanunudyo ang ngiting anito.

“Jing-jing.”

“I love you too, Bell.”

Siniil niya ng halik ang dalaga. Sinapo niya ng mga palad ang mukha nito. Hinalikan niya ito na para bang lahat ng hangin na kailangan ng katawan niya ay makukuha lang niya mula sa mga labi nito.

Pinangko niya ito nang hindi pinapakawalan ang mga labi nito. Maingat na iniupo niya ito sa ibabaw ng kitchen counter. He nuzzled her neck, nibbling the smooth, soft skin bared by her sleeveless shirt. He wanted to taste every inch of her slowly. He wanted to savor her.

Subalit kung siya ay gustong dahan-dahanin ang lahat at namnamin ang bawat segundo, kabaligtaran naman niyon ang dalaga. Puno ng pagkainip at pagmamadaling hinatak nito paitaas ang laylayan ng damit niya. Pagkuwan malayang naglakbay at dinama ng mga palad nito ang dibdib at abs niya. Hindi naman patas na siya lang ang wala nang pang-itaas sa kanilang dalawa. Kaya mabilis na hinubad na rin niya ang sleeveless shirt nito.

Ni piyok walang namutawi sa mga labi niya nang malantad sa kanya ang kahubdan ng dalaga. Her breasts were the perfect size for his hands as he gently kneaded and teased them. And when he took one of her nipples inside his mouth, they both groaned in shared ecstasy.

“I want you so much, Jing. But this is not the right place for our first time together,” anas niya sa dalaga saka muli itong pinangko upang dalhin sa silid nito.

Next time, they’d definitely make love in her kitchen. Pero sa ngayon, gusto niyang angkinin ang nobya sa malapad, maluwag at malambot na kama. Kung saan maaari niyang gugulin ang buong gabi sa pananaliksik at pag-aaral kung ano’ng klaseng haplos, gaano kadiin na mga hagod, gaano kainit na mga halik ang lubos na magdudulot ng ligaya rito.

Madalas na lumalabas sina Jing-jing at Bell nang magkasama. Minsan ang binata ang nagyayaya. Minsan naman ay si Jing-jing. Magkasama nga rin sila nang mamili ng mga panregalo nila sa Pasko. Maliban na lang siyempre noong bilhin nila ang mga regalo nila para sa isa’t isa. Gusto rin sana nilang kumpletuhin ang simbang gabi pero noong unang dalawang misa lang sila nakapagsimba ng magkasama. Naging sunod-sunod kasi ang shows nina Jing-jing dahil sa dami ng Christmas parties na nagaganap. Pero ipinangako nila na sa Christmas Eve ay magkasama silang magsisimba.

Hindi lumilipas ang isang araw nang hindi sila nagtatawagan o kaya ang nagti-text sa isa’t isa kapag hindi sila magkasama. Tukso nga nina Lucibelle at Chrisma kay Jing-jing, para din raw pala siyang normal na babae pag na-in love. Nabawasan daw ang bagsik niya. Pati na ang obsesyon niya sa WALKING ZOMBIES. Imbes kasi na nagkukulong siya sa bahay nila at nagma-marathon ng WALKING ZOMBIES, nagdi-date sila ni Bell. Ang hindi alam ng mga kaibigan niya, kadalasan sa kwarto ni Bell sila nagma-marathon ng panonood ng WALKING ZOMBIES.

Madalas pa rin silang magtalo ni Bell. Pero normal na iyon sa kanila at bahagi na lang ng paglalambinga nila. Marami silang magkasalungat nahilig kaya imposibleng maging magkasundo sila sa lahat ng bagay. At minsan, sinasadya na lang rin niyang awayin ang binata para lang amuin at lambingin siya nito. O kaya naman ay baligtad. Siya ang mang-aamo at susuyo rito.

Minsan nga habang nagdi-dinner sila sa Josephine’s Cuisine kasama sina Marie at Darrell ay kinailangan pa silang sawayin ng dalawa dahil sa pagtatalo nila. Tukso pa ni Marie na medyo nakakasundo na niya dahil nabawasan na ang pagmamaldita ng babae sa kanya, bagay na bagay daw talaga sila ni Bell. Para silang north at south poles ng magnet. Hindi pwedeng pagdikitin pero hindi rin naman pwedeng paghiwalayin. Sinegundahan pa iyon ni Darrell ng panunukso na bakit hindi pa raw sila magbalak magpakasal.

“Kasal agad? Ni wala pa nga kaming first month anniversary? Grabe ka uy!” pabirong kontra naman agad niya. “Hintayin naman muna nating maka-two monthsary kami bago ‘yang kasal-kasal. Malay mo hanggang one month and a half lang pala kami dahil hindi ko magugustuhan ang Christmas gift niya sa akin next week.”

“Materyosa! Paano kung picture frame o kaya face towel lang pala ang regalo ni Kuya Bell sa iyo? Ibi-break mo na siya ganun?!” pabirong pandidilat ng mga mata ni Marie sa kanya.

“Aba, natural! Ako, nag-effort sa paghahanap ng perpektong ballpen para sa kanya, tapos siya picture frame lang?! Break na agad pag ganun!” tawa niya.

Hindi niya agad napansin ang biglang pananahimik ni Bell pagkatapos nun. Napuna lang niya iyon nang nasa sasakyan na sila at ihahatid na siya nito pauwi.

“Bell? Bakit?” nagtatakang untag niya nang halos hindi siya kibuin nito habang ini-start nito ang makina ng kotse.

Nilingon naman siya nito at matamang tinitigan. Dinukwang nito ang kambiyo sa pagitan nila at kinuyumos ng halik ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay may halong galit ang mariin at mapusok nitong halik. Hindi rin niya mabasa ang ekspresyon ng mga mata nito nang titigan siya maapos pakawalan ang mga labi niya.

“Sa susunod na gusto mong banggitin ang pakikipaghiwalay sa akin, pwede bang huwag mong gawin sa harap ni Marie? Hindi mo siguro napansin pero pinag-alala mo siya kanina. And I know it doesn’t really mean anything to you or to Darrell pero pwede bang iwasan mong umakbay-akbay o yumakap-yakap sa kanya sa harap ko o ni Marie?” seryoso ang anyo at tonong hiling nito. Walang galit at sa halip ay himig nakikiusap ang tono ni Bell. Pero tila taliwas naman iyon sa nilalaman ng asul na mga mata nitong nakatuon sa mukha niya. Nalilitong bahagyang nangunot ang noo niya.

“Bell, huwag mong sabihing pati ikaw nagseselos na ngayon sa amin ni Darrell?!” bulalas niya.

Dahil iyon lang ang naiisip niyang dahilan para masabi nito ang mga sinabi nito. Hindi naman kasi niya nakita ang tinutukoy nitong pagdududa ni Marie kanina tungkol sa kanila ni Darrell.

“Do I look like an insecure asshole to you? Hindi ako nagseselos sa kanya. Pero alam mo naman ang ugali at takbo ng isip ni Marie. Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan na kaya tayo nandito sa sitwasyong ito ngayon ay dahil sa pagiging sobrang selosa niya. Siya lang ang iniisip ko,” mariing tanggi naman nito.

“Sigurado ka?”

“Sigurado ako.”

“Kiss mo nga ulit ako,” masuyong paglalambing niya rito.

Dahil hindi siya kumbinsido. At sa totoo lang, kinikilig siya sa paraan ng pagseselos nito. Hindi siya inaaway pero ang cute-cute nitong tignan habang pilit iginigiit na hindi ito nagseselos. Isa iyong bagong tuklas na kaalaman tungkol sa nobyo niya.

Muli naman nitong tinawid ang distansya sa pagitan nila at mariing siniil ng halik ang mga labi niya.

Sa huli ay magdamag na naman silang magkasama. Imbes kasi na umuwi ito pagkahatid sa kanya, nagpasya itong manatili sa condo niya nang malaman na hindi na naman uuwi roon si Lucibelle. Ayaw nitong iniiwanan siyang mag-isa sa condo.

Na-trauma yata ito dahil sa ginawang pagsugod ni Marie sa kanya noong inaapoy siya ng lagnat. Anito, walang kahirap-hirap na nakapasok si Marie sa condo niya at nasugod siya nang wala siyang kalaban-laban. Paano raw kung nagkataong wala siyang kasama roon? Malamang higit pa roon ang inabot niya. Isa pa, paano raw kung magkasakit na naman siya at wala siyang kasama roon? Walang magdadala sa kanya sa ospital.

That night, he made love to her in almost every part of her house. Their lovemaking had always been passionate. Pero nang gabing iyon, nag-uumapaw ang init at kapusukan ni Bell nang paulit-ulit na angkinin siya. Buti na lang sila lang ang naroon kung hindi tiyak nagulantang si Lucibelle sakaling nadatnan sila nito.

At dahil napapadalas si Bell sa bahay niya, natututunan na rin niyang magluto ng paunti-unti. Hindi kasi ito pumapayag na ito lang mag-isa ang magluto. Siya ang ginagawa nitong asisstant. Nang umangal naman siya kung bakit kailangan pa niyang matutong magluto gayong ito na nga nag chef sa kanila, ganito ang isinagot nito sa kanya.

“Jing-jing, kapag ikinasal tayo, magiging part owner ka na rin ng Josephine’s Cuisine. Bilang may-ari, dapat marunong ka ring magluto. Paano kung may mangyari sa akin? maging imbalido ako o kaya maunang mamatay sa iyo? Paano mo ituturo sa mga magiging anak natin kung paano patatakbuhin ang restaurant kung hindi ka marunong magluto?”

“Teka, teka, kasal na agad ang usapan?” nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Biglang natigilan naman ito.

“Iyon naman ang dapat, hindi ba? Mahal natin ang isa’t isa, matagal na tayong magkakilala at wala akong ibang balak pakasalan kung hindi ikaw.”

“Bell! Twenty-three pa lang ako. masyado pa akong bata para magpakasal!”

“Marie is only twenty-one.”

“Hindi ako si Marie. Saka nagsisimula pa lang tayo, kinikilala pa lang natin ang isa’t isa. At saka---teka, bakit ba natin pinag-uusapan ito ngayon? Pwede bang enjoy-in na lang muna natin ang relasyon natin ngayon?” pakiusap niya. Dahil labis talaga siyang nawiwindang sa itinatakbo ng usapan nila. Ni wala pa silang dalawang buwan magkasintahan, kasal na agad ang pinag-uusapan nila?!

Tumango lang si Bell. Pero batid ni Jing-jing na hindi ito sang-ayon na isantabi nila ang paksang iyon. Gayunman ay hindi na ito nagpumilit pa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.