Chapter SIXTY-THREE

At noong isang linggo lang ang usapan nilang iyon. Christmas Eve na ngayon. Kagagaling lang nila sa simbahan ni Bell. Kasalukuyan na silang nagsasalo-salo ng buong pamilya niya at ng buong pamilya nito sa Noche Buena na magkakatulong nilang niluto nina bell, Lola Josephine, Kuya Tom at Marie. Sina Bell at Lola Josephine ang nakatoka sa main dishes, si Kuya Tom sa appetizers at sila naman ni Marie sa dessert.

Isa iyon sa pinakamasaya at hindi niya makakalimutang Pasko. Kasama niyang nagdiriwang ng Pasko ang buong pamilya niya at ang lalaking mahal niya. Pero may isang bahagi niya ang nakadarama ng takot at kaba mula pa kaninang umaga nang mag-text siya kay Bell. Hindi niya maipaliwanag kung ano eksakto iyon pero pakiramdam niya may malaking unos na parating sa buhay niya. At kunektado kay Bell iyon.

Pero siguro dahil lang iyon sa napanaginipan niya na naman si Daryl ng WALKING ZOMBIES kagabi at si Bell. Panaginip o mas tamang sabihing bangungot na ilang gabi na niyang napapanaginipan.

Sa bangungot niya, tinatakasan nila ni Daryl ang mga zombies na humahabol sa kanila. Pero kung kailan malapit na silang makalayo sa mga zombies, biglang may sumulpot na zombie sa harap nila ay kinagat si Daryl. Inuutusan daw siya nitong patayin na niya ito bago pa ito tuluyang maging zombie. Pero kung kailan sasaksakin na ra wniya ito ng katana niya ay biglang naging si Bell si Daryl. At hindi niya kayang patayin si Bell, maging zombie man ito o hindi. Mariin siyang inuutusan ni Bell na patayin na niya ito bago siya nito makagat pero hindi siya pumayag. Sa halip niyakap niya ang nobyo at paulit-ulit sinabing mahal niya ito.

Sa puntong iyon ang naggising na siya. Nang una niyang mapanaginipan iyon ay katabi niya sa kama sa condo niya si Bell. At mahigpit na yakap-yakap siya ni Bell habang masuyong inaalo siya. Tinanong siya nito kung ano ang napanaginipan niya pero ayaw na niyang alalahanin iyon kaya sabi na lang niya nalimutan na niya.

Akala niya iyon na ang huling beses na mapapanaginipan niya ang tungkol roon. Pero naulit ulit iyon. At kaninang umaga ay napanaginipan na naman niya iyon. Gusto na niyang ikwento kay Bell iyon.

But somehow, even though they were almost together since that morning preparing their family Noche Buena together, hindi naman niya masolo ang nobyo. Gusto na tuloy niyang isiping sinasadya nito iyon. Pero imposible naman iyon. Dahil sa pagkaka-alam niya, wala naman silang pinagtalunan. Gayunman, hindi niya pa rin maiwasang isipin na galit si Bell sa kanya pero pilit ikinukubli.

Call it a woman’s intuition. Basta alam niyang may mali sa ikinikilos ng nobyo. At lalong tumibay ang hinalang iyon nang matapos ang palitan ng mga regalo ay halos hindi na makapaghintay pa si Bell sa pag-alis. Pati sina Lola Josephine at Marie ay halata niyang nagtaka na nang magpaalam na si Bell na aalis.

Ayaw niyang makipagtalo sa binata sa harap ng pamilya niya kaya naman hinila niya patungo sa labas ng hardin ang binata para doon ito mausisa.

“Merry Christmas. Good night. I’ll talk to you tomorrow.” Kulang na lang buhusna ulit siya nito ng malamig na tubig sa kalamigang ipinapakita nito. At nang hagkan siya nito, hindi man lang sa labi kung hindi sa pisngi lang.

“Teka, teka! Hindi ka aaalis hanggat hindi mo sinasabi kung bakit nagkakaganyan ka. Ano bang nangyayari s aiyo, Bell? Masama ba pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya na sinalat pa ang noo at leeg ng nobyo.

Pero padaskol na pinalis ni Bell ang kamay niya na labis na ikinagulat niya.

“Wala akong lagnat. Ayokong sirain ang gabing ito para sa lahat, Jing-jing. Bukas na tayo mag-usap.”

“Ngayon na tayo mag-usap. Sabihin mo kung ano’ng problema? Problema ba sa trabaho?”

“Wala akong problema sa trabaho. Pero malaki ang problema ko sa iyo!” pangil na sagot nito. Sa unang pagkakataon kinabahan siya habang kausap ang nobyo. Nagniniggas kasi ang poot sa mga mata ni Bell habang nakatitig sa kanya. Kahit kailan, kahit gaano pa kalibha ang mga pranks niya rito noon, hindi niya ito nakitang ganito kagalit. Wala sa loob na napaatras tuloy siya palayo rito.

“Sa akin? Bakit? Ano’ng ginawa ko? Bakit ako? Hindi kita maintindihan, Bell.”

“Tigilan na natin ang palabas na ito, Jing-jing. Madali naman akong kausap, sana sinabi mo na lang ng diretso sa akin na siya talaga ang mahal mo. Hindi iyong binilog mo pa ang ulo ko! Ano bang malaking kasalanan ang naggawa ko sa iyo para gaguhin mo ako ng ganito?!” nagtatagis ang mga bagang na akusa nito sa kanya.

Gilalas na nanlaki ang mga mata niya. Imbs malinawan ay lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito.

“Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, Bell! Ano ba talaga ang problema mo?!”

“You’re in love with Darrell.”

“Ano?”

“Don’t bother denying it. I heard you last night. You were talking in your sleep! And you called his name. When I tried to wake you up you said you loved him!”

Noon lang niya naintindihan kung bakit parang kakaiba ang ikinikilos nito at tila napakapormal na pakikitungo sa kanya mula pa kaninang umaga. Akala ni Bell ay si Darrell ang tinatawag niya nang mapanaginipan niya noong isang gabi si Daryl ng WALKING ZOMBIES.

“Bakit, Jing-jing? Ano bang meron ang gagong iyon at hindi mo siya makalimutan?! Ginawa ko na ang lahat mailayo lang ang atensyon at loob mo sa kanya pero siya pa rin ang mahal mo!” puno ng galit at hinanakit ang boses nito.

Mariing nagtagis ang mga ngipin niya sa mgakahalong inis at pagka-insulto. Tumalikod siya rito upang pakalmahin muna ang sarili. Hindi niya pwedeng sabayan ang init ng ulo nito kung hindi lalaki ang away nila. Pero hindi niya pa rin maiwasang maghinanakit. Ganito ba talaga kaliit ang tiwala nito sa kanya? How can he speak about marriage when he can’t even trust her enough?

“Ano? Wala ka bang sasabihin, Jing-jing? Hindi mo ikakaila? Humarap ka sa akin at ngayon mo sabihin ang totoo!”

“Siraulo ka, Bell!”

Biglang natigilan si Bell nang pilitin siyang pumihit paharap dito.

“Jing-jing---“

“Dahil lang sa narinig mong sinabi ko habang natutulog ako pagdududahan mo na ako?! Alam mo ba kung ano’ng napanaginipan ko? Gusto mong malaman kung sino ang sinasabihan kong mahal ko?! Hindi si Darrell kundi ikaw!” paasik na aniya rito. Pagkuwan isinalaysay niya ang laman ng panaginip niya.

Nang matapos siyang magsalita ay kumalat ang pagkapahiya at labis na pagsisisi sa anyo ni Bell.

“I-I’m sorry. I’m sorry, Jing-jing.”

“I’m sorry too pero ayoko munang makita ka. Mas mabuti pa ngang umalis ka na bago pa ako makaggawa ng bagay na hindi natin magugustuhan pareho.”

Bumuka ang mga labi ni Bell pero sa huli muli rin nitong itinikom iyon. Tumango ito at laylay ang balikat na humakbang paalis. Pero huminto ito nang mapatapat sa gate. Humakbang ito pabalik at tumayo sa harapan niya.

“Ayokong makinig sa ’yo ngayon, Bell! Umalis ka na muna. Saka na---”

“Makinig ka muna sa paliwanag ko. Aalis din ako pero pakinggan mo muna ang sasabihin ko.”

“Bakit? Humingi ka ba ng paliwanag kanina? Hindi naman, di ba? Basta ka na lang nang-akusa!”

“Kasi nasaktan ako nang marinig kong sinasabi mong mahal mo si Darrell! Nagselos ako! Alam ko gago ako para pagdudahan ka dahil lang sa narinig kong sinabi mo habang natutulog ka. Pero iyon ang naramdaman ko nang marinig ko ang pangalan niya na binabanggit mo. Magpalit man tayo ng posisyon, hindi ka ba magdadamdam din kapag narinig mo akong sinasabihan ng mahal kita ang ibang babae?”

“Siguro nga pero hindi ako basta na lang mang-aakusa! Kakausapin muna kita! At hindi ko na pahahabain pa ang pagtatampo ko!”

“I know. Dapat kinausap na agad kita tungkol roon. I’m sorry. I’m really sorry, Jing-jing. Please, forgive me?”

Matiim na tinitigan niya ang anyo ni Bell. “Lagi ba nating pagtatalunan si Darrell, Bell? Ayokong maging tulad nina Marie at Darrell ang relasyon natin.”

Natigilan si Bell. Mistula itong binuhusan ng kumukulong mantika sa reaksyon nito. Bigla tuloy ay nais niyang bawiin at burahin ang sinabi. Hindi, hindi sila tulad nina Marie at Darrell. Iba ang relasyon nila kaysa sa dalawa.

“Bell---“

“Aalis na ako. Tatawagan kita bukas.”

“Bell! Sandali lang, hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Hindi niya alam kung saan nagmumula ang takot na lumukob sa kabuuan niya sa nakikita niyang hindi mabasang ekspresyon sa mukha ni Bell. Natatakot siya sa posibleng tumatakbo sa isip ng nobyo ngayon. Para kasi itong nakakita ng halimaw. At ang mas masaklap pa, ang nakikita nitong halimaw ay walang iba kung hindi sarili nito.

“Bell, please---“

Sinapo nito ng mga palad ang mukha niya at mariing hinalikan siya. “I love you, Jing. I’ll call you tomorrow, promise.”

“Tiyakin mo lang, Bell. Kung hindi susugurin talaga kita sa bahay ninyo.”

Tipid na ngumiti ito bago tuluyang umalis.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.